Advertisement

article

Sharon Cuneta and Annabelle Rama very vocal about disappointment with GMA-7


 
Like Annabelle Rama (top, right), Megastar Sharon Cuneta (top, left) also has something to say about the same date of opening of Richard Gutierrez-KC Concepcion (bottom) movie and the birthday concert of Dingdong Dantes and Marian Rivera. "Hindi ko alam kung sino ang nag-arrange nun [birthday concert of Dingdong and Marian] dahil marami pa namang kaibigan natin doon [GMA-7]. Pero hindi ko alam kung sino mismo. Parang sinabayan yata ng libreng show?" says Sharon.

Sharon Cuneta and Annabelle Rama very vocal about disappointment with GMA-7

Erwin Santiago

Rating

  • Bookmark and Share


Tatlong araw bago magbukas ang pelikulang For The First Time ng Star Cinema—unang pelikula ni KC Concepcion kung saan katambal niya ang Kapuso star na si Richard Gutierrez—mainit pa rin ang isyu tungkol sa pagtatapat rito ng GMA-7 sa birthday concert nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Araneta Coliseum sa August 27, na siya ring unang araw ng regular showing ng pelikula nina KC at Richard.

 

Sa taped episode ng Sharon na ipinalabas kagabi, August 24, muli na namang naglabas ng kanyang sama ng loob ang ina ni Richard na si Annabelle Rama tungkol sa isyung ito. Pero bukod kay Annabelle ay inamin din ng ina ni KC at ang host ng programa na si Sharon Cuneta ang kanyang hinanakit sa sinasabing pagtatapat ng pelikula ng kanyang anak sa libreng post-birthday concert ng tambalang Dingdong at Marian.

 

Akala ng marami ay simpleng promotion lang ng For The First Time ang naturang episode ng Sharon, kung saan special guests sina KC at Richard. Pero sa kalagitnaan ng show ay kasama rin pala sa mga bisita si Annabelle at doon na nga lumabas ang sama ng loob ng dalawang ina sa pakiwari nila ay pagde-dehado sa kanilang mga anak.

 

Sa unang bahagi ng programa ay sina KC at Richard muna ang kinausap ni Sharon.

 

Sharon: Ano feeling mo naku-compare ka sa daddy [Eddie Gutierrez] mo who was also a matinee idol?

Richard: Well, for me, talagang it's an honor to be even compared to him. Kasi yung dad ko, napakasipag nun at marami siyang pinagdaanan para ma-achieve niya yung mga nagawa niya. And he paved the way for me. Talagang to be even compared to him, talagang it's such an honor for me.

 

Sharon: Malaki ba ang naidulot ng pagtira mo sa States? How old were you? From what age to what age did you live in America?

Richard: From, I think, 11 years old to 15.

 

Sharon: When you look back, ano ang natutunan mo from America or nakabuti sa pagkatao mo?

Richard: It was such a great experience for me and Raymond [Gutierrez, his twin brother] to live in the States. Kasi nung time na ‘yon, talagang gusto rin naming mamuhay nang normal, na walang masyadong nakakakilala sa amin. Yun yung hinanap namin—to live a normal life and dun kami natutong maging independent and to watch out for each other. Kasi andami naming schools na nilipatan. ‘Pag lilipat kami ng bahay, lilipat din kami ng school. So marami kaming nakikilalang ibang mga bata, ganyan. Natuto kami ni Raymond to really stick with each other. Parang siya talaga yung naging best friend ko dun sa States.

 

Sharon: (To KC) Anak, totoo bang bago mo makilala si Richard nagkakamali ka between him and Raymond? Natatawag mo si Raymond na Richard o binobola ka nila?

KC: Yung totoo diyan, hindi ko alam na kambal sila. Parang nakalimutan ko. Kasi I met Chard, nakilala ko siya ulit... Siguro nag-meet na kami nung bata kami, di ba, kasi family friend, ganun. Pero more than anything, nag-meet kami [ni Richard] nung high school ako, and na-meet ko si Raymond separately. So, hindi ko naalala na kambal pala sila.

 

Sharon: Ano ngayon ang nakaka-differentiate sa kanilang dalawa ‘pag nakikita mo na hindi ka na nalilito, before you started doing the movie? Kasi I'm sure now, hindi ka nagkakamali, kilala mo na si Mond, kilala mo na si Richard.

KC: Yung personalities nila siguro iba. Si Mond, parang more ma-chika; si Chard is more private, more on parang tahimik lang, ganun. Si Mond yung talagang kuwento nang kuwento. Pero si Chard, once na makilala mo, ang dami ring ikukuwento. Ang dami ring gustong sabihin, biglang magpapatawa, ganun.

Sharon: At anu-ano naman ang sinasabi niya sa ‘yo?

 

Naghiyawan ang fans sa tanong ni Sharon.

 

Sharon: "E, bakit, marami raw? Bakit hindi tayo magtanong? Nagtatanong lang naman alang-alang sa fans n'yo? Sige, anu-ano?

KC & Richard: Chill!

Sharon: Chill, ibig sabihin relax ka lang, huwag kang masyadong nai-stress.

 

Sharon: Sinong pumili na maging leading man mo si Richard or pinili mo ba si Kace? How did this happen?

Richard: Parang napag-usapan lang natin...

KC: Oo, bigla na lang namin napag-usapan...

Richard: Over dinner...

Sharon: (Joking) Sa'n kayo nag-usap na dinner? Hindi, nagtataka ako, di ba?

 

Richard: So, yun, napag-usapan namin. Tinanong ko siya kung gusto ba niyang...why doesn't she join the movies, kung bakit ayaw niyang gumawa ng pelikula. Sabi niya, pinag-iisipan daw niya na gagawa siya ng pelikula...

KC: Nasa college pa kasi ako noon.

Richard: So ‘yon, parang napag-usapan lang namin, ‘Why don't we do one movie,' parang ganun. Pero ang sabi niya, ‘pag gagawa daw siya, kailangan sa ABS, sa Star Cinema. Sabi ko, ‘Paano ‘yan nasa GMA Films ako?' Pero we had a vision, nagkaroon kami ng dream na, ‘Paano kung makagawa tayo ng isang pelikula na mag-a-agree yung parehong networks at magkakaisa sila?'

 

Sharon: Kayo talaga ang nag-usap nun?

Richard: Opo.

Richard: Ang tatalino ng mga ito! ‘Tsaka napakapamilya ng mga puso.

 

Sa puntong ito ay ipinakilala na ni Sharon ang isa pa niyang bisita.

 

Sharon: Ang pinakaabangan... Siyempre po, mahal ko ang anak ko. Gustung-gusto ko po naman ‘tong batang ‘to, napakadisente ni Richard. Pero kung bihira ko pong makasama si Richard, ito po kung puwede lang i-request ko, every week kasama ko siya. Ang minamahal ko, Tita Annabelle Rama!

 

Pag-upo ni Annabelle ay tinanong siya agad ni Sharon kung ano ang pakiramdam na pinapagitnaan nila ang kanilang mga anak na sina KC at Richard.

 

Annabelle: Oo nga, e. Sana tuluy-tiloy na Shawie, ano? (Tumawa sila pareho ni Sharon.)

Sharon: Tita, basta ang concern ko, tayong dalawa, basta okay!

Annabelle: Napakasuwerte mo, maganda na anak mo, mabait pa, masipag magtrabaho, at bright. ‘Yan ang babaeng hinahanap ko para sa anak ko, e. (Tawanan ulit sila.)

 

Sharon: Tita, mahal na mahal ko man kayo ni Daddy [Eddie Gutierrez], sinisipat ko, sinisipat ko. Kasi maraming ano, e... Siyempre ‘pag ganyan kaguwapo, ilang show na ang napagbidahan. Ang laking pera na ang inakyat mo sa inyo, sa istasyon n'yo, dyusko!

Annabelle: Hindi yata napapansin sa kabila na marami nang inakyat na pera si Richard sa kaban ng GMA...

 

Halata sa mukha ni Annabelle na kahit siya ay nagulat sa sinabi niya dahil na rin sa reaksiyon nina Richard at KC. Pero nagtanong ulit si Sharon.

 



Pages: 1  2  3  Next »


Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share Email this link
Show/Hide
Comments
3388 Comments
page    1    2    3    4    5    6    7    8    9    10    11    12    13    14    15    16    17    18    19    20    21    22    23    24    25    26    27    28    29    30    31    32    33    34    35    36    37    38    39    40    41    42    43    44    45    46    47    48    49    50    51    52    53    54    55    56    57    58    59    60    61    62    63    64    65    66    67    68   
pagelocation: news
Login to All Access to use PEP Talk

Elsewhere