CineMabuhay, on its second year, is producing a new project entitled Cul-de-Sac (Dead End) for the PLDT-Smart Foundation (PSF) together with Mr. Butch Meily, president of PSF, and Albert Martinez, PSF executive director (Film Fund).
Ang kagustuhan na makatulong sa film industry ang dahilan kung bakit nakipag-tie up si Albert Martinez thru CineMabuhay and PLDT-Smart Foundation.
Ang dalawang kumpanya ang magka-partner sa Cul-de-Sac, ang bagong film project ng CineMabuhay na tinatampukan nina Sam Milby, Jodie Sta. Maria, at Chin-Chin Gutierrez.
Ang pelikulang Cul-de-Sac (Dead End) ay mula sa panulat at direksiyon ng baguhang si Juan Miguel Vasquez. Masaya ang direktor dahil nakuha niya ang kanyang dream cast sa movie. Isinali ng debuting director ang Cul-de-Sac sa CineMabuhay at ito ang napili para pagkalooban ng P1 million film funding.
"Gusto naming maka-discover ng mga bagong filmmakers, scriptwriters, at producers ng mainstream cinema," wika ni Albert nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa set ng pelikula recently.
The first project of CineMabuhay was Numbalikdiwa (2006), which starred Maricel Soriano and also featured Albert, Pen Medina, and Meryl Soriano. This was directed by Bobby Bonifacio, a young film student from Ateneo de Manila University. The film was entered at the Cinemanila Indie Film Festival where it won the Best Actress honor for Maricel. It also won the Public Choice Award.
"Naghahanap kami ng mga projects na may commercial value. Once nakapili na kami, tinatawagan namin ang mga directors para sila ang mag-pitch ng project sa amin. Based on how they pitch their project to us, kung ano ang vision nila, then we in the CineMabuhay ang PLDT-Smart Foundation, will decide kung alin sa mga entries ang bibigyan namin ng funding na P1 million."
Sa ngayon, isang pelikula pa lang ang binibigyan nila ng funding pero kung magiging successful ang pelikula at kung magkakaroon ng right exposure ang director na binigyan nila ng break, baka makakuha sila ng additional funding for two or more movies, ayon kay Albert.
Plano ng CineMabuhay na dalhin ang Cul-de-Sac sa mga film festivals abroad, pero una itong mapapanood sa anniversary ng PLDT sa November.