Dingdong Dantes and Marian Rivera treat their fans to a birthday blowout at the Big Dome

Erwin Santiago
"Carpe diem!"
Thursday, August 28, 2008 @ 10:57AM  |  58 views

 

Considered as one of the hottest love teams in the country today, Dingdong Dantes and Marian Rivera celebrated their birthdays with a free birthday show at the Araneta Coliusem last night, August 27.

Photo By: Noel Orsal













Jay-R did a spot number singing his hit song "One Hundred Ways" from his latest album.

Ipinamalas muli ni Dingdong ang kanyang galing sa pag-indak kasama ang Dance Squad, Kids at Work, at Maneouvers. Sa hindi nakakaalam, dating miyembro bg dance group na Abztract si Dingdong bago siya sumabak sa pagiging artista.

Pagkatapos nito ay lumabas ang Las Piñas Boys Choir kung saan kinanta nila ang "Ikaw" habang ipinapakita sa giant screen ang mga ilang eksena nina Dingdong at Marian mula sa kanilang mga teleserye.

Nanatili sa stage ang Las Piñas Boys Choir at sinamahan sila ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez. Kinanta nila ang love theme ng Marimar na "Mahal Kita."

Bago matapos ang kanta ay lumabas sina Dingdong at Marian at sinabayan nila ng sayaw. Sa pagtatapos ng kanta ay naglapat ang kanilang mga labi na ikinatuwa ng lahat, kaya muli na namang dumagundong ang Araneta.

Naiwan sa stage sina Dingdong at Marian para naman sa kanilang medley of pop songs—"Umbrella," "Bubbly," at "Always Be My Baby."

Pagkatapos nito ay lumabas ang lahat ng guests nina Dingdong at Marian kasama ng isang malaking cake at kinantahan sila ng "Happy Birthday."

Nagpalitan din ng sorpresa ang magkapareha bilang regalo sa isa't isa. Una muna ang kay Dingdong, kung saan ipinakita sa VTR ang formal announcement ni Dan Railey ng E! Television sa pagkakapili ng young actor bilang isa 25 Sexiest Men of the World sa isang TV special na gagawin ng E!

Hindi naman nagpahuli si Dingdong sa kanyang sorpresa kay Marian. Ang birthday wish kasi ni Marian ay makitang muli ang kanyang ama na nasa Spain, na si Mr. Francisco Javier Alonzo Gracia, na limang taon na niyang hindi nakikita. Hindi man nakita ni Marian ang kanyang ama ay nagbigay naman ito ng mensahe sa anak sa pamamagitan ng recorded message. Purong Kastila ang ama ni Marian kaya Español ang salita nito na in-interpret ng tiyahin ng young actress na naroroon din sa Spain. Hindi napigilan ni Marian na humagulgol nang marinig ang tinig ng ama.

Pagkatapos mahimasmasan ay nagpasalamat na si Marian, pati na si Dingdong, sa lahat ng mga tumulong sa kanila upang marating ang kinalalagyan nila ngayon.

Para sa mga bumuo ng birthday concert, heto ang mensahe ni Dingdong para sa kanila: "Sa mga tinanggap ninyong batikos at paratang ay sinuklian n'yo lamang ng katahimikan. Maraming salamat sa inyo."

Akala ng lahat ay tapos na ang show kaya nagsimula nang lumabas ang lahat, pero nakakagulat ang pag-entra ni Corazon (Manilyn Reynes) kasama si Fulgoso. Natapos ang programa ng bandang 11:30 p.m. sa pamamagitan ng isang Brazilian-inspired dance number.

Click here for more photos. 

« Prev  1  2  

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name