Masayang-masaya si Aiko Melendez sa muli niyang pagtatrabaho bilang aktres sa month-long episode ng "Your Song Presents" tuwing Linggo ng September sa ABS-CBN. Wala raw tension sa set at todo ang respeto na ibinigay sa kanya ng co-stars niya sa show especially si John Prats. Sabi pa ni John, "Aiko is Aiko."
"Aiko is Aiko talaga. John is John naman," natatawang balik naman ni Aiko.
"Pero salamat, salamat talaga. And I'm really flattered na after four years nga of being gone in this business, e, talagang kahit papano nandun pa rin ang respeto ng mga kasama ko sa industrya sa akin."
Bukod sa Your Song, magge-guest din si Aiko sa Maalaala Mo Kaya.
"Yes, I'm doing Maalaala Mo Kaya. So, yun, isa na namang acting-piece."
Secret pa raw kung sino ang magiging leading man ni Aiko for that episode sa Maalaala Mo Kaya (although in a PEP article, she already mentioned she's going to be paired with ex-husband Jomari Yllana, click here for related story). Pero bakit mas pinili niya na una siyang mapanood sa Your Song for her comeback kesa sa Maalaala Mo Kaya.
"I don't know with Tito Boy Abunda, kasi na kay Tito Boy na ako ngayon. E, ito ‘ata yung naunang material. Kasi yung Maalaala Mo Kaya naka-three drafts na kami ng script. So, sabi namin unahin na namin itong Your Song. This is good for a month. So, I think it's a nice exposure also for me dahil four Sundays ng buong buwan ng September ay kami yung featured artists."
SCRAPING THE RUST OFF. Hindi ba siya nahirapang umarte ulit after four years siyang naitigil sa pag-arte?
"Hmm.....nung first sequences nag-aano pa ako, e, parang I was observing. Pero siguro talaga kapag mahal mo ang trabaho mo, ‘andyan lagi, e. So, kailangan lang parang ano ‘yan, e..uhm, aalisin mo na lang ulit yung nakalawang, ‘di ba?"
What made her decide to do a comeback sa showbiz sa kabila ng pagiging busy niya bilang councilor sa Quezon City?
"I'm
missed doing ano talaga, as I've said love ko naman talaga ang showbiz and
passion ko ang acting. So, I wanted to do a comeback. Dati ko pang gustong
mag-comeback kaya lang yung weight ko hindi ko mapagtuunan ng pansin. I think
lahat ng, after ng nangyari sa akin-yung mga controversies, everything
followed, e. Parang naging good karma lahat-pumayat ako, nagkaroon
ng magandang project. So, sabi ko ganun pala. After a storm, e, comes
sunshine."
BLESSED WITH PATRICK. Masasabi ba niya na lucky charm niya ang current boyfriend daw niya si Bulacan, Bulacan Vice Mayor Patrick Meneses?
"No, alam mo kasi nga, as I've said dati kung sino man yung nakakasama ko madalas hindi talaga ako ready mag-commit ngayon. Dahil sabi ko nga sa inyo sa sobrang busy ko sa trabaho ko as a councilor, and now I'm making a comeback, ang last priority ko will be my heart because that's always been my Waterloo, e.
"Gusto ko lang i-enjoy ang mga taong nakapaligid sa akin who's willing to wait without asking for anything in return. Kasi as of now talaga magiging unfair ako na sasabihin ko na I'll jump into another relationship, e, hindi ko pa nga naayos ang mga dapat kong ayusin."
NEXT: INDIE FILM. May plano ba na gumawa rin siya ng pelikula?
"Ah, there's an offer supposedly for a filmfest kaya lang for some reasons, e, hindi matuloy. So, I don't know kung makakahabol pa yung isang ino-offer sa amin ni Tito Boy for filmfest. It's an independent film."
Sino ang makaka-partner niya?
"Hindi pwedeng sabihin, e. Pero, uhm...sana matuloy kasi I believe na it's a good project. So, at least pang-ano na rin, after TV, movies na, 'di ba?"
Ire-reinvent ba niya ang kanyang sarili sa kanyang comeback?
"I think I'll keep on losing weight hanggang maging 95 pounds ako gaya ni January [Isaac] at ma-food poison ako, ‘di ba? So, siguro yun, on that aspect. I'd like to be more adventurous in terms of, like, being paired sa iba-ibang leading man na like, ‘yan, I'm not closing my door for the chance for me to work with Jomari [Yllana] again and so is Aga [Muhlach]. Gusto ko makatrabaaho talaga si Aga ulit, Christopher de Leon, ‘ayun."
WORKING WITH POPS OR ARA. Kung magkakaroon ng offer sa kanya na makasama either Pops Fernandez or Ara Mina, sino ang pipiiin niya?
"Alam mo ayaw kong sagutin ‘yan. Kasi I'm sure ‘pag pinakita na naman sa TV ie-edit na naman nila na ayokong makatrabaho si Ara. So, gusto ko na lang maging safe dahil ayoko na ng may kaaway or may kasamaang loob dahil gusto ko na lang maging safe dahil ayoko naman ng may kasamaan ng loob or may kaaway dahil gusto ko maganda ang pasok, maganda ang outlook ko, puro positive."
Okey ba sa kanya kung balikan ni Jomari si Ara?
"Oo naman. Okey lang. Pero mas maganda pa rin sana na maayos ni Pops at Jomari yung ano nila, ‘yung relationship nila kasi ang tagal na nila, e. Years and years na sina Pops at Jom, e. ‘Tsaka kumportable na si Andrei [her son]. Kawawa naman si Andrei na mag-adjust na naman sa panibago. So, sana maayos na sila."
With her relationship with Patrick, maganda raw ang turing sa kanya ng mga Meneses.
"Oo, super. Sobra. I'm really blessed kasi kung dati man, e, hindi ako masyadong tanggap ng mga taong nakapaligid kay Martin [Jickain, her ex-husband], siguro naawa ang Diyos sa akin dahil ang pamilya niya [Patrick], sobrang bait. Alam mo yung ano, wala. Wala silang ano. Wala silang masabing masama sa akin kaya nagpapasalamat ako sa kanila kasi sobrang bait nila sa akin."
Ano ang tawag ng anak niya na si Andrei kay Patrick?
"Uh, Tito Patrick. Si Martheena rin, Tito Patrick. Minsan Popsie. Sabi ko nga, ‘Andrei, baka sabihin ni Tita Pops mo tinatawag mo siyang Tito.' Dahil sabi ko, si Pops ang tawag niya Tita Popsie. So, ayun," tapos ni Aiko.
