Mel Martinez took a break from acting and tried his hand on
directing TV ads. Now he's back to acting as the gay friend of Angelika dela
Cruz's character in Una Kang Naging Akin.
Mel Martinez goes back to acting in "Una Kang Naging Akin"
Tuesday, September 2, 2008
02:00 PM
Matagal din palang hindi nakaarte ang nakababatang kapatid ni Maricel Soriano na si Mel Martinez sa isang soap drama. Huling nilabasan na soap drama ni Mel ay ang Princess Charming noong isang taon pa.
Sey ni Mel ay hindi naman daw niya hinahanap-hanap ang paglabas sa mga soap dramas dahil may pinagkakaabalahan din siyang trabaho. Nagdidirek si Mel ng mga commercial ads na exclusive lang na pinapalabas sa GMA-7.
"Doon ako naging busy talaga. Kasi sunud-sunod ang mga nagawa ko kaya nag-enjoy ako," ngiti pa ni Mel.
"It's nice to do things na iba naman. Siyempre, bata pa lang ako, umaarte na ako, ‘di ba? E isa sa mga pangarap ko ay ang maging isang director. Kaya ito, natupad naman kahit sa paggawa ng commercials."
Noong i-offer nga sa kanya ang role sa Una Kang Naging Akin, hindi na raw niya ito tinanggihan dahil alam niyang magandang project ito at panahon na raw na umarte siya ulit.
"Role ni Michael de Mesa na bading ang natoka sa akin. Napanood ko naman ang movie at maganda siya. More than the project nga, makakatrabaho ko ulit si Angelika dela Cruz na na-miss kong makatrabaho. Nagsama na kasi kami before sa Ikaw Lang Ang Mamahalin.
"'Tapos nandiyan din sila Gina Alajar, Wendell Ramos, Alfred Vargas at si Direk Joel Lamangan na mga kaibigan ko. Kaya ang saya-sayang makabalik sa ganitong klaseng show."
Naikuwento rin ni Mel na kasama siya sa show ng TV5 na Hush Hush kunsaan kasama rin ang dating husband ng pamangkin niyang si Meryll Soriano na si Bernard Palanca.
Sey naman ni Mel na hindi pa raw niya nakakaeksena si Bernard pero wala naman daw silang problema. Sa pagkakaalam niya ay maayos na silang nag-usap ni Meryll.
"Ang alam ko, pareho silang nagplano para sa birthday party ng anak nilang si Elijah. So it means na nagkakausap na sila at dasal naman naming lahat na magkaayos sila for the sake of their child.
"Siguro nga, hindi na nag-work yung pagsasama nila. Pero kung para lang sa anak nila, doon sila magkaayos. Sa tingin ko naman, mukhang okey na si Bernard. Naayos na niya ang sarili niya at ngayon nagtatrabaho na siya ulit. That's a good sign, ‘di ba?" pagtatapos pa ni Mel Martinez.
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More News
- AGB Mega Manila TV Ratings (Feb. 8): Four new shows make strong impact on the ratings game HOT
- Bing Loyzaga dismisses malicious rumor linking her to Jake Cuenca
- Richard Gutierrez and PEP finally find peace HOT
- Angelica Panganiban wants to settle down with boyfriend Derek Ramsay someday
- Sam Milby has separate projects with Anne Curtis and Maja Salvador
- AGB Mega Manila TV Ratings (Feb. 5-7): May Bukas Pa finishes on top HOT
-
Homes
Kian Kazemi: Your Boy Next Door
High-rise living with former Pinoy Big Brother housemate Kian Kazemi
-
Features
Shalani Soledad says she has a good relationship with Kris Aquino
The lady councilor thinks Kris's current issue with husband James Yap will not harm Sen. Noynoy Aquino's presidential bid.
-
Events
Kapuso stars Rhian Ramos and Victor Aliwalas receive Model Star Award citations in Korea
"We really can't believe that we were part of this event. It is so overwhelming," the two chorused.
-
Fact or Fiction
Nova Villa demystifies urban legend that she has a kid by the late FPJ
Nova says she was not sure if she fell in love with the King of Philippine Movies.
Most Popular
- Sharon Cuneta on her adopted son: "I think yung nag-iba lang, hindi siya lumabas sa akin. But I chose to be his mother."
- Shaina Magdayao speaks up about her split with John Prats
- Pokwang answers some issues about Wowowee
- Jolina Magdangal revamps herself with new look; changes manager
- Piolo Pascual admits KC Concepcion is part of his birthday wish
- PEP EXCLUSIVE: PART I Marlene Aguilar narrates the "violent environment" her son Jason Ivler grew up in
- Maricel Soriano returns from hibernation after her mother's death
- PEP EXCLUSIVE: Part III Marlene Aguilar: "Jason's fan club will change the world."
- AGB Mega Manila TV Ratings (Feb. 5-7): May Bukas Pa finishes on top
- Bayani Agbayani is thankful to GMA-7 for opening its door to him again
Advertisement


