"Limang taon akong nawala sa eksena. Marami akong inasikaso. Nag-isip-isip sa maraming bagay, at kapag mayroong problema sa pamilya, palagay ko, mahirap ipasok sa sistema ang pag-arte. Hindi ako makadiskarte nang maayos kapag ganyan, kaya umiwas muna ako sa eksena," explains actress Isabel Rivas.

Photo: Noel Orsal

 

Idinaraing pa ng nagbabalik na aktres na si Isabel Rivas ang konting kirot ng operasyon niya dahil sa ruptured appendix. Tatlong linggo na ang nakararaan, nasa farm nila sa Zambales si Isabel nang makaramdam siya ng pagkirot ng tiyan. Akala niya noon, simpleng pangangasim lang ng sikmura.

 

"After two days, umabot na sa lower area ang pain, so I decided to leave the farm and go to the hospital," kuwento ni Isabel sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Kahit Isang Saglit kagabi, September 4, sa 13th floor ng ABS-CBN.

 

Doon napagtanto ni Isabel na nagnana na ang kanyang appendicitis, and right there and then, inoperahan na siya.

 

Nagbabalik si Isabel sa eksena sa pamamagitan ng teleseryeng Kahit Isang Saglit ng ABS-CBN Philippines at Double Vision Malaysia. Bida rito sina Jericho Rosales at ang Malaysian actress na si Carmen Soo. Kasama rin nila sina Christopher de Leon, Albert Martinez, Cristine Reyes, Malu de Guzman, at Empoy.

 

"Limang taon akong nawala sa eksena," sabi ni Isabel. "Marami akong inasikaso. Nag-isip-isip sa maraming bagay, at kapag mayroong problema sa pamilya, palagay ko, mahirap ipasok sa sistema ang pag-arte. Hindi ako makadiskarte nang maayos kapag ganyan, kaya umiwas muna ako sa eksena."

 

Inamin ni Isabel na wala siya sa mood noon. Ang huling teleseryeng nilabasan ng aktres ay ang Recuerdo de Amor noong 2001 sa ABS-CBN din. Nakasama niya rito sina Diether Ocampo at Carmina Villarroel.

 

Ang ilan sa mga pelikulang nilabasan niya ay Burgis (1981), Kung Mahawi Man ang Ulap (1984), Ang Bukas ay Akin (1989), Barumbado (1990), Alyas Baby Face (1990), at Dahil Mahal na Mahal Kita (1998).

 

Kuwento niya, "Nagkaproblema ako sa huling relasyong napasukan ko. It was 2005 when I decided to leave that man who gave me an ultimatum to choose between him and my family. Nasa Amerika na ako that time, pero nakita ko ang ugali ng lalaking yun na huwag na nating banggitin ang pangalan. Sinabi niya sa akin na huwag na akong bumalik sa Pilipinas at baka madamay pa ako sa gulong nasangkutan ng brother ko [Dennis Roldan].

 

"Right there and then, na-realize ko, the guy was not really good for me. Sa halip na suportahan niya ako dahil alam niyang mahirap sa aking talikuran ang family ko, pinamimili pa niya ako. Obviously, pamilya ang pinili ko."

 

Ito ang dahilan kung bakit naririto siya sa Pilipinas. Her brother is out on bail sa kasong kidnapping na nagsangkot dito.

 

"I'm not supposed to talk about him, kasi may kaso pa rin, e," sabi ni Isabel. "I'm just here for him, anytime. Dumarating lang ang ganitong mga pagsubok para ipa-realize sa atin kung anu-ano na ba ang talagang importante sa atin. At doon ko naisip na walang maipapalit sa family, at kasama na rin diyan ang mga totoong kaibigan."

 

Ang alam namin, maraming interesadong kunin ang serbisyo ni Dennis para sa mabibigat na roles, pero si Isabel na ang nagsabi sa amin na malamang tanggihan ito ng kapatid niya.

 

"He's not keen on showbiz assignments at this point," sabi niya. "Hindi ko lang alam, pero sa nakikita ko kay Dennis, iba na ang calling niya. May mga bagay pa rin siya na kailangan niyang ayusin at unahin."

 

Hindi rin lingid sa PEP ang close ties nila ni Lorna Tolentino bilang magkaibigan.

 

"I just told her, kung hindi pa siya ready to work, huwag na muna," banggit ni Isabel. "Pero ang alam ko, tinanggap na niya ang offer ng ABS-CBN. Yun nga lang, people really have to wait for her. Understandable yun dahil very painful ang pinagdaanan ni LT."

 

Patuloy niya, "Hindi na siya matutuloy sa Pieta, and I understand, si Amy [Austria] na ang pumalit sa kanya. Yun ang latest na narinig ko."         

 

Naroroon lang si Isabel para sa kaibigan niya kahit nga noong nabubuhay pa si Rudy Fernandez.

 

"Naglalagi sila noon sa farm sa Zambales," kuwento ni Isabel. "Two weeks ago, nang bumalik ako doon, nandoon siya with her family. Kailangan niyang mag-heal. Ako nga, five years na nawala dahil sa mga dumating na problema sa personal at family life ko. Si LT pa kaya na for the past two years, nag-alaga talaga ng asawang nagkasakit?

 

"Mas magaan pa nga siguro na ikaw yung inalagaan kesa yung ikaw ang nag-aalaga ng may sakit na mahal talaga sa 'yo. Gaya nga sa ganitong pagkakataon, gaya sa nangyari sa akin, nare-realize din ni LT kung ano na talaga ang mas importante sa kanya.

 

"Let's just give her time na harapin muna ang mga dapat harapin, at kung settled na siya, I think she will go back to acting. Hindi naman niya tuluyang tatalikuran ang business na ito," pagwawakas ni Isabel.