Judy Ann Santos inspired to produce more movies after Oscar recognition for "Ploning"

Rose Garcia
Sunday, September 07, 2008 @ 10:20AM  |  10 views

 

"May pina-project na kami, mas iba lang. Gusto ko kasi, iba-iba rin ang tema ng pelikulang pinu-produce para hindi lang isipin ng mga tao na porke sa drama ako nakilala ay puro drama na lang ang gagawin ko. So, para mabigyan din ng trabaho ang ibang taong nangangailangan ng trabaho," says Judy Ann Santos about producing more movies.

Photo By: Noel Orsal













"Oo naman! May pina-project na kami, mas iba lang. Gusto ko kasi, iba-iba rin ang tema ng pelikulang pinu-produce para hindi lang isipin ng mga tao na porke sa drama ako nakilala ay puro drama na lang ang gagawin ko. So, para mabigyan din ng trabaho ang ibang taong nangangailangan ng trabaho."

Pero pinag-uusapan pa rin daw nila kung siya pa rin ba ang magiging bida.

"Pinag-uusapan pa namin. Baka naman kasi isipin ng mga tao na kapag nagpo-produce, gusto siya lang ang bida! Ang selfish!" tawa ni Juday

SWITCHING CHANNELS. Napag-usapan din ang tungkol sa napabalitang paglipat niya ng network. Ano ba talaga ang totoo rito?

"Well, kung anuman ang mangyari, wala namang imposible sa mundong ito, di ba?" sagot niya. "Hangga't may kontrata, hangga't wala ang kontrata, maraming posibilidad ang puwedeng mangyari."

TAX-EVASION CASE. Kinamusta rin kay Juday ang kaso naman niya sa Bureau of Internal Revenue (BIR), kung saan sa huling kaganapan ay ibinasura ng Supreme Court ang apela ng aktres na idismiss ang kaso niyang tax evasion.

"Okey naman siya!" natatawa na lang niyang sabi. "Well, ‘ayun, nasa BIR pa rin siya."

Paano nga ba niya hinaharap ang kaso sa BIR?

"Ipinagdarasal ko na lang. Ayoko namang sabihin na hindi ko sineseryoso yun. Siyempre, hindi ko naman puwedeng hindi seryosohin yun. Pero siyempre, may mga oras na kapag masyado mong dinibdib ang mga bagay na yun, ikaloloka mo nang bonggang-bongga!

"So ako, idinadaan ko na lang siya sa dasal. Idinadaan ko na lang talaga sa tawa. Na sana, maayos na. Na kung ano't anuman po ang mangyari, handa naman ako na harapin at handa rin naman akong humarap sa kanila kung ano yung mga bagay na gusto nilang malaman dahil wala naman akong itatago."

Hindi na ba niya iniyakan nang lumabas ang nakaraang desisyon ng korte?

"Hindi na, maybe because I was already expecting for the worst. Siguro yun din ang tamang attitude na ibigay, especially kapag may mga ganitong kaso na concerning yung gobyerno, you expect for the worst. Kasi, puwede silang magbato ng mga isyu na hindi mo ine-expect na darating, e. Puwedeng dumating siya sa pinakamasayang pagkakataon ng araw mo. Babatukan ka na, ‘Uy, hindi puwede! Hindi ka puwedeng maging masaya today!'"

MISSING RYAN. Ilang linggo nang wala sa bansa ang boyfriend niyang si Ryan Agoncillo dahilnasa Argentina ito ngayon para sa taping ng programa nito sa ABS-CBN, ang Pinoy Fear Factor. Pero ano naman ang naging suporta ni Ryan kay Juday ngayon?

"Ano naman, tinanong lang niya ako kung kumusta na ako. Actually, hindi naman niya tinanong ang kaso, tinanong lang niya kung kumusta na ako," sabi ng aktres.

This Friday, September 12, ay pauwi na raw si Ryan sa bansa. May nakahanda na ba siyang pang-welcome rito?

« Prev  1  2  3  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name