Gabby Concepcion and his business manager, Mrs. Rose Flaminiano, were scheduled to meet last Monday, September 8, but it was canceleld because of the heavy rains. The talent and manager were supposed to iron out their problems that reportedly began with money dispute.
Gabby Concepcion and manager Rose Flaminiano reportedly not on speaking terms
Wednesday, September 10, 2008
09:56 AM
Naka-schedule sana ang meeting sa pagitan ni Gabby Concepcion at ng kanyang manager na si Mrs. Rose Flaminiano noong Lunes ng gabi, September 8. Pero dahil sa biglaang pagbuhos ng malakas na ulan, naantala si Mommy Rose on her way to Manila from Tarlac kaya alas-onse na raw ng gabi ito nakarating ng Manila.
Ito ang naging paliwanag ng isa mga publicist ni Gabby na si Roldan Castro sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang makausap at kumustahin namin kung natuloy ba ang paghaharap nina Gabby at Mommy Rose. Although, posible rin na kapwa hindi pa handa ang dalawa na magkaharap at baka pareho pa raw na nagpapalamig.
Hindi maikakaila na palaki na nang palaki ang isyu sa pagitan ng dalawa. Ayon sa mga naglalabasang write-ups, nagsimula raw ang gusot sa pagitan nina Mommy Rose at Gabby dahil sa diumano'y pagkukuwestiyon ng aktor sa perang pumapasok sa kanya. Maging ang mga pangalan nina Nadia Montenegro at Pops Fernandez ay nadadawit sa isyu dahil sila diumano ang palaging nakakausap ni Gabby.
Nagsimula raw ang hindi pag-uusap nina Mommy Rose at Gabby ilang araw bago ang Music Museum concert ni Gabby noong August 14. Tila hindi raw yata nagustuhan ni Gabby nang malaman na co-producer din pala ng naturang concert ang kanyang manager without his knowledge.
May isyu rin na lumabas na tila kinukuwestiyon diumano ni Gabby ang mga voucher na pinipirmahan niya. Diumano, iba raw ang voucher na pinapapirmahan kay Gabby at iba rin ang amount na nakalagay rito.
Pero ayon kay Mommy Rose, hindi naman daw siya gumagamit ng voucher; kontrata at tseke lang daw ang ginagamit niya. Hindi na raw siya nagpapapirma pa sa voucher at alam daw ni Gabby yun kung kaya't nagtataka si Mommy Rose kung paano nagkaroon ng isyu tungkol sa voucher.
Hindi rin maikakaila na mas lalong umigting ang tampuhan nina Gabby at Mommy Rose sa ginawang pakikipag-ayos ni Gabby sa nakademandahang reporter na si Jobert Sucaldito. Wala naman daw problema kung sakali at magkabati man ang dalawa, pero sana raw ay inayos muna ni Gabby ang problema sa sarili niyang manager bago raw sa iba.
Sa kabila ng mga naglalabasang balita, nananatiling tahimik ang magkabilang kampo at wala ni isa mang humaharap sa entertainment press. Isang bagay na siyang gusto naman daw mangyari ni Mommy Rose dahil nais nitong sila muna ng alaga ang magkausap bago ilabas sa press.
Sa pamamagitan pa rin ng kanilang publicist, ang tanging naging pahayag lang daw ni Mommy Rose sa mga nangyayari ay: "Mahal ko ang career ni Gabby kaya ayokong magsalita. Masama ang loob ko sa nangyayari. Masakit, naaawa ako sa sarili ko."
Marami ang umaasa na sana ay magkaharap, magkausap at magkaayos muna ang dalawa bago pa lumaki ang isyu, lalo pa nga't iba't ibang bersyon na ang naglalabasan na hindi naman matukoy kung direkta bang nanggaling kay Mommy Rose o kay Gabby.
Bukod dito, ilang taon pa ang kontrara ni Gabby kay Mommy Rose, na siyang gumawa ng paraan para makauwi siya sa Pilipinas pagkatapos ng 13 years.
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More News
- Dolphy advises Willie Revillame not to run for public office
- TNS National TV Ratings (Nov. 16-19): TV Patrol World and May Bukas Pa in a tight contest for primetime supremacy HOT
- Angelica Panganiban receives Hermes bag from boyfriend Derek Ramsay on her birthday
- Manny Pacquiao turns his victory party into a mini-concert
- AGB Mega Manila TV Ratings (Nov. 16-19): Darna reclaims top spot from Stairway To Heaven HOT
- Carla Abellana misses chance to work with Marian Rivera and Dingdong Dantes in separate projects
Elsewhere
-
Fact or Fiction
Aljur Abrenica on reports linking him to Rich Asuncion: "May ebidensiya po ba sila?"
He admits that he and Kris are still "enjoying" each other's company.
-
Couples
Jolo Revilla on breakup with Lovi Poe: "Gusto kong linisin ang name ni Lovi na walang third party."
Jolo to Lovi's mom: "Sorry sa lahat ng napagdaanan natin."
-
Music
OPM artists aim to uplift the spirit of typhoon victims
Singers and bands from different labels will unite for the December 5 concert dubbed "Pilipino: Kaya Natin Ito."
-
Babies and Kids
Vina Morales says having a baby fulfills her even without a lovelife
The singer-actress is still willing to pose for men's magazines now that she is a mom.
Most Popular
- Manny Pacquiao and wife Jinkee reportedly had a big fight over Krista Ranillo
- YouTube video shows Manny Pacquiao inside his car with a mysterious woman
- Manny Pacquiao on rumored affair with Krista Ranillo: "No comment."
- Krista Ranillo's camp planning when and how to answer rumor on affair with Manny Pacquiao
- Manny Pacquiao wins by TKO over Miguel Cotto!
- Veteran actor Johnny Delgado succumbs to cancer at 61
- Joey Marquez denies tweet about mall rendezvous with Joanne Quintas; PEP releases their "holding-hands" photo
- Boy Abunda gives his take on Manny-Krista rumored affair
- Rosanna Roces warns the Revillas: "Kapag ako nag-Pasko wala ang apo ko, magiging kulay abo ang langit nila!"
- KC Concepcion would rather not support any politician openly


