Joem Bascon prefers longevity in showbiz rather than leading-man status

Glen P. Sibonga
Thursday, September 11, 2008 @ 08:19AM  |  38 views

 

"Actually, hindi ko naman iniisip na maging lead lagi. Basta ako, gusto ko lang mag-work. Gusto ko lang iba-iba yung ginagampanan kong characters. Hindi ko naman pinapangarap na sobrang sumikat basta magawa ko lang ng maayos yung akting ko. Okey na sa akin yun. I'm more doon sa longevity sa trabaho, e, kahit hindi ako lead, kukunin pa rin nila ako sa ibang roles dahil sa maganda kong ipinapakita sa trabaho," says Joem Bascon.

Photo By: File photo













"Alam nila na artista ako. Pero siyempre, hindi naman yung tipong bukambibig ko na lang lagi yung pagiging artista ko. Ayoko naman yung tipong, ‘Hi... hello... ako si Joem. Artista ako, akin ka,'" biro ni Joem.

"Simple pa rin naman akong dumiskarte sa babae," pahabol niya.

Ano ba yung qualities ng ideal girl niya?

"Hindi ako yung tumitingin sa physical, e. More on the brains and personality talaga. E, kapag nagsawa ka naman sa hitsura ng babae, siyempre hahanapin mo na yung ibang qualities niya na kumbaga pangmatagalan mong mamahalin sa isang karelasyon mo, di ba? Maganda yung nag-uusap kayo ng may sense, di ba?"

Halimbawa kamukha ni Betty La Fea, okey lang ba sa kanya?

"Kung sobrang talino naman at mabait, siguro wala naman magiging problema doon. Nagtataka nga yung mga handlers ko kasi ang taste ko raw sa babae yung simple lang. Hindi yung magandang-maganda. Okey na sa akin yung ganun."

BETTY LA FEA. Speaking of I Love Betty La Fea, na pinagbibidahan nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz, kasama si Joem sa cast ng bagong ABS-CBN soap na ito. Ginagampanan niya ang role ni Mario, na best friend ni Armando, played by John Lloyd.

"Wala pa si Armando sa kumpanya [Eco Moda], nandun na si Mario, so nauna ako sa kanya. Ako yung naghikayat sa kanya na pumasok sa kumpanya ng daddy niya para doon siya maghanap ng adventure sa pambababae niya. Kasi pareho kaming babaero. Pero kapag nag-lie low na si Armando sa pambababae niya, ako ganun pa rin. Bad influence pa rin ako sa kanya. Ako yung nagbubuyo sa kanya, na kahit may Marcella [Megan Young] na siya, okey lang na mambabae siya," kuwento ni Joem.

Bukod sa show sa ABS-CBN, may show rin si Joem sa TV5, ang Hush Hush.

"Medyo blessed lang. Siyempre happy ako sa mga trabahong dumadating sa akin," pagtatapos ni Joem.
« Prev  1  2  

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name