Rufa Mae Quinto explains why her boyfriend got "jealous" while she was doing "I.T.A.L.Y."


 
"Hindi...nung nasa Europe kami—kasi wala kaming signal minsan dahil nasa barko kami—hindi ko siya nakakausap, ‘tapos iba yung time-zone. Naging busy ako doon dahil super mabilisan kami sa paggawa ng  I.T.A.L.Y. Paggising ko, may trabaho na ako. ‘Pag patulog na ako, siya naman tulog na. Yung ganun? Yung time-zone, paiba-iba," Rufa Mae Quinto clarifies the rumor that her boyfriend Bobby Lopez got jealous of Dennis Trillo. 

Rufa Mae Quinto explains why her boyfriend got "jealous" while she was doing "I.T.A.L.Y."

Roldan Castro

Rating

"Hindi kami gumigimik. Nagkikita, ganoon, sa Bubble Gang Toppings [dating restaurant na kasosyo niya ang ilang co-stars sa TV show na Bubble Gang]. Kasama yung mga pinsan niya, kapatid. Barkada ," sambit niya.

 

Barkada nga si Mark pero nagpahaging ba talaga ito na gusto siya nito?

 

"Tahimik si Mark, e! Hindi nagsasalita kaya hindi ko alam kung ano ang purpose niya. Pero siguro para mag-text siya at  saka dumating dun,  siguro may meaning.

 

"Ang tagal-tagal na nu'n. Two years ago pa. Na-text yata niya ako ng, ‘I miss you,' dati. Malay mo naman nami-miss niya yung company  ng I.T.A.L.Y. Yung... ‘Wazzup!?'"

 

BOYFRIEND MATERIAL. Si Mark ba ay boyfriend material?

 

"I think so, pero hindi pa ngayon. Kung sa akin, a, kasi bata pa siya, e! Hindi ko kasi inalam noon kung pang-boyfriend material siya dati. Pero feeling ko kasi mabait na tao si Mark, hanggang ngayon. Responsible naman. Nakapundar.  Panay ang trabaho, tahimik," aniya.

 

So masasabi ba niyang mas boyfriend material si Mark kaysa kay Dennis?

 

"Sa ngayon? Si Dennis kasi, gusto muna niyang magpahinga sa lovelife. Tinanong ko siya. Sabi niya, ‘Magulo, gusto ko munang mag-focus.'

 

So, kung naging sila ba ni Dennis, hindi rin kaya sila magtatagal?

 

"Kaya nga hindi kami nagkatuluyan kasi nga career niya ang priority. Kaya nga hirap na hirap akong sumagot. Basta ang masasabi ko lang, ‘I  Trust  And Love You,'" bulalas niya, sabay tawanan kami.

 

May natitira pa ba siyang pagmamahal kay Dennis?

 

"Kahit sino naman ay maa-attract kay Dennis, dahil cute naman siya, di ba? Noon, noon pa."

 

SOMEONE PROUD OF HER. So, parang sinabi na rin niyang mas boyfriend material si Mark kaysa kay Dennis?

 

"Si Mark, hindi ko pa nakakausap, bukod sa ‘wazzup?'s. Hindi ko alam kung sino ang mas pang... Hindi ko puwedeng i-compare. Pero sa ngayon  mas okey kami ni Mark, sa ngayon, ha! Mas close at puwede ko siyang kausapin," deklara pa niya.

 

Bakit nauuwi sa wala ang pagkaka-link niya sa mga lalaking artista?

 

"Kasi nga ang gusto ko, kailangan, kung liligawan ako, sana ay nagiging proud sila, paninindigan. Ang  hinahanap ko  ay yung magbo-boyfriend ka na magiging proud. Ako naman ayaw kong mag-assume nang mag-assume kung gusto ba ako talaga," bulalas  pa niya.

 

 

Trailer courtesy of GMA Films

 


Join us on Facebook


Pages: « Prev  1  2  

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
0 Comments
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement