"Ay, hindi!" sagot agad ni Rufa Mae.
"Ay, ayoko na. Takot na ako. Hindi kami umabot sa ganoon, e! Hayaan na lang natin kung ano ang feeling...basta. Ang importante ay yung present.
Ano ba talaga ang nangyari sa kanila ni Mark?
"Nagte-text kasi Mark, e... Nothing much," pakiyeme pa nito sa amin.
Pero nilinaw ni Rufa Mae na barkada talaga si Mark.
"Hindi kami gumigimik. Nagkikita, ganoon, sa Bubble Gang Toppings [dating restaurant na kasosyo niya ang ilang co-stars sa TV show na Bubble Gang]. Kasama yung mga pinsan niya, kapatid. Barkada ," sambit niya.
Barkada nga si Mark pero nagpahaging ba talaga ito na gusto siya nito?
"Tahimik si Mark, e! Hindi nagsasalita kaya hindi ko alam kung ano ang purpose niya. Pero siguro para mag-text siya at saka dumating dun, siguro may meaning.
"Ang tagal-tagal na nu'n. Two years ago pa. Na-text yata niya ako ng, ‘I miss you,' dati. Malay mo naman nami-miss niya yung company ng I.T.A.L.Y. Yung... ‘Wazzup!?'"
BOYFRIEND MATERIAL. Si Mark ba ay boyfriend material?
"I think so, pero hindi pa ngayon. Kung sa akin, a, kasi bata pa siya, e! Hindi ko kasi inalam noon kung pang-boyfriend material siya dati. Pero feeling ko kasi mabait na tao si Mark, hanggang ngayon. Responsible naman. Nakapundar. Panay ang trabaho, tahimik," aniya.
So masasabi ba niyang mas boyfriend material si Mark kaysa kay Dennis?
"Sa ngayon? Si Dennis kasi, gusto muna niyang magpahinga sa lovelife. Tinanong ko siya. Sabi niya, ‘Magulo, gusto ko munang mag-focus.'
So, kung naging sila ba ni Dennis, hindi rin kaya sila magtatagal?
"Kaya nga hindi kami nagkatuluyan kasi nga career niya ang priority. Kaya nga hirap na hirap akong sumagot. Basta ang masasabi ko lang, ‘I Trust And Love You,'" bulalas niya, sabay tawanan kami.





