Live na nag-guest sa Startalk ang bagong kasal na si Joyce Jimenez kahapon, September 20. Noong Martes, September 16, daw siya dumating sa bansa mula sa Amerika kung saan siya nagpakasal sa Fil-Am na si Paul Eli Egbalic.
Unang tanong agad ng host na si Lolit Solis sa kanya ay kung totoo ba ang isyu na kaya siya nagpakasal ay dahil buntis na siya?
"Hindi," sagot ni Joyce. "Alam ko, hindi ako buntis ngayon. Pero malay ko ba kung next month or something!"
How is she now, being married?
"Ganoon pa rin. I mean, nothing really changed, obviously. Kasi nandito pa rin ako. Parang may asawa ako, pero nandito pa rin ako."
Wala bang nagtampo dahil hindi niya naimbitahan or nakalimutang imbitahan?
"Balita ko, meron. Pero sa tingin ko, wala. Pero maraming tao na parang hindi naman nagtampo, pero nagtatanong kung bakit doon ako nag-asawa at hindi rito. Pero parang na-explain ko na yung family niya at family ko, most of them are over there. So, I wanted to get married here. Pero to be fair naman with all of them, we decided to get married na lang sa United States," paliwanag ni Joyce.
Isa sa mga ninang sa kasal nina Joyce at Paul ay si Dr. Vicki Belo. Parehong kinulit nang todo nina Lolit at Joey de Leon si Joyce kung magkano raw ang ibinigay sa kanila ng doktora, kahit ibulong na lang daw sa kanila. Katuwiran ni Lolit, kapag nalaman daw nilang malaki, magpapakasal na rin daw sila ni Joey. Pero hindi talaga nila napilit si Joyce na magsalita kahit tawa siya nang tawa.
"Ayoko! Basta she gave me love and support and that's all I need from her."
Ayon kay Joyce, hindi rin daw natuloy ang dapat sana'y honeymoon nilang mag-asawa sa Mexico.
"Hindi rin, we decided not to. Nag-bar lang yata kami. We decided not to go there anymore, kasi sobrang bitin."
Posible raw na yung ibang tao, mag-isip ng iba. Kailan lang kasi ay ipinapakita siyang ikinakasal, pero nandito na siya ulit sa Pilipinas. Ilang araw pa lang sila halos nagsasama bilang mag-asawa, bakit siya umuwi kaagad?
"Kasi, yun talaga ang plano namin or that's what we really decided on. I have naman tie-up with Private Joyce and yung Ever Bilena. And he knows that. From the minute that he proposed, I talked to him. I told him na hindi puwede akong lumipat sa L.A. muna. Kasi, I have so many commitments here. So, okey lang sa kanya.
"I'm just taking care of Private Joyce, kasi importante talaga sa akin ang Private Joyce. Kasi sa tingin ko, when we finally have kids and we decided to have a family, gusto ko rin siyempre na makapagbigay ng kahit papaano, for our relationship, monetary-wise. I know he can take care of us but at the same time, I wanna be able to take care of him," saad ni Joyce.
Lumalabas, hiwalay rin pala sila sa ngayon. Gaano katagal naman ang paghihiwalay nila?





