Charlene Gonzalez-Muhlach would rather let the issue between her and Kris Aquino be put to rest. "There are so many wonderful things to look forward to in life. So many wonderful blessings and good people everywhere... ever since before and hanggang ngayon, I have nothing but good intentions para sa lahat," explained the host of Q 11's inspirational show, Proudly Filipina.

Photo: Noel Orsal

Ayaw nang gatungan pa ni Charlene Gonzalez ang naging gusot sa pagitan nila ng fellow host na si Kris Aquino na naganap noong fashion event na pinasinayaan ng batikang designer na si Randy Ortiz last September 4 sa EDSA Shangri-La Hotel, Mandaluyong City.

Ayon sa mga nakasaksi ay biniro raw ni Kris si Charlene ng "Pa-star ka!" matapos makita na iba ang kulay ng gown nito taliwas sa diumano'y black motif ng event. Pakiramdam daw ni Kris ay sinadya ni Charlene na lumayo sa motif para mag-stand out ito sa mga kasamang artista na nandoon din nung gabing 'yon.

Makailang beses din daw nagpasaring ang misis ni James Yap, dahilan para sumagot si Charlene ng, "Kris, do you have a problem with my dress?"

Noong panahong pumutok ang balita ay minabuti na lang ni Charlene na manahimik para hindi na lumaki pa ang isyu. Si Kris naman ay humingi agad ng paumanhin sa pamamagitan ng isang text message na ipinadala nito sa TV Patrol World noong September 10.

"Iniintindi ko na lang. I joked with the wrong person, so I apologized right away," paliwanag ni Kris.

NOTHING BUT GOOD INTENTIONS. Kagabi, September 23, sa thanksgiving party na inihanda ng Q Channel 11 sa Alfredo's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, ay muling iginiit ni Charlene na ayaw na niyang patulan ang isyu na namagitan sa kanila ni Kris.

Si Charlene ang host ng award-winning inspirational show ng Q 11 na Proudly Filipina.

"I have nothing but good intentions for everyone and ever since, ganoon talaga ang naging belief ko sa buhay," malumanay na paliwanag ng former beauty queen.

Maliit lang daw ang mundo ng showbiz kaya hindi raw malayo na magkita o magkasama ulit sila ni Kris kaya as much as possible ay ayaw na niyang pahabain pa ang usapin tungkol dito.

"I wish everyone well... so it's not worth burning any bridges with anyone."

Natutuwa naman daw siya sa amount of support na natanggap niya sa publiko matapos lumabas ang balita.

Kuwento ni Charlene: "Pero nagulat lang talaga ako with the support that people gave to me and nakakataba lang ng puso that through the years, I also have siguro planted good seeds din siguro sa iba't ibang tao and I have the opportunity to meet wonderful friends."

Nauna nang nagbigay ng paliwanag ang fashion designer na si Randy Ortiz na walang color motif ang fashion gala. Fully aware daw siya sa dalang gown ni Charlene that evening dahil sa kanya mismo galing ito. Naniniwala rin si Randy na biro lamang ang binitawang pahayag ni Kris kay Charlene, subalit dahil nga sa hindi lubos na magkakilala ang dalawa ay nauwi ito sa misunderstanding.

Sinuportahan din ni Charlene ang fashion designer sa pagsasabing, "Randy is very fair," paglilinaw nito, "[he's] not taking sides with anyone.