Dingdong Dantes and Marian Rivera begin shooting "One True Love"

Rose Garcia
Wednesday, September 24, 2008 @ 12:42PM  |  34761 views

 

Marian Rivera and Dingdong Dantes have started shooting their first film together, GMA Films and Regal Entertainment's One True Love. Also starring Iza Calzado, the movie is scheduled to be shown on November 19.

Photo By: Noel Orsal














Ngayong araw na ito, September 24, officially nagsimula ang shooting ng pelikulang One True Love. Ito ang kauna-unahang pelikula na pagsasamahan ng isa sa mga hottest love teams ngayon na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Tampok din si Iza Calzado sa One True Love, a joint venture of GMA Films and Regal Entertainment under the direction of Direk Mac Alejandre. Originally, last August pa sana ang playdate ng movie dahil birthday offering sana ito ng tatlong bida na sina Dingdong, Marian, at Iza na pare-parehong August celebrators. Pero na-move na nga ito nang move at, finally, sa November 19 na raw talaga ang playdate nito.

Sa may Marcos Highway ginanap ang first shooting day ng One True Love. Nauna raw ang call time nina Dingdong at Iza, along with other cast members like Pinky Marquez, Chinggoy Alonzo, ang Bianca King. Si Marian naman daw ay bandang hapon pa ang call time.

Kahapon, September 23, ay nasa taping naman ng Dyesebel sina Dingdong at Marian kaya lagare ang dalawa sa taping at shooting hanggang sa matapos ang taping ng Dyesebel sa susunod na buwan.

Balitang November din ang playdate ng Star Cinema movie nina Piolo Pascual at Angel Locsin kaya may posibilidad na makasabay ang showing nito sa One True Love. Although, ayon kina Dingdong at Piolo, sana raw ay hindi talaga magkasabay ang kani-kanilang mga pelikula para pareho silang makinabang.

Samantala, isang reliable source ang nakapagbalita sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na break na diumano si Marian at ang rumored boyfriend nitong non-showbiz model na si Ervic Vijandre. Ayon sa aming source, na may koneksiyon kay Marian, kung totoo man daw na wala na sina Marian at Ervic, kapansin-pansin naman daw ang kakaibang closeness at sweetness nina Dingdong at Marian tuwing magkasama sila.

Pero ang malaking tanong ay paano na ang relasyon ni Dingdong sa kanyang girlfriend na si Karylle? O sadyang very close lang sila Dingdong at Marian dahil sa tagal na rin ng pagsasama nila bilang magka-love team?
1  

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name