Humabol si Joem Bascon sa presscon na ipinatawag ng ABS-CBN Star Magic para sa mga artistang kasama sa teleserye nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, ang I Love Betty La Fea. Nanggaling pa raw kasi siya sa first shooting day ng indie movie na ginagawa niya ngayon, Walang Hanggang Paalam. Ginanap ang pocket presscon last Tuesday, September 23, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.
"Babalik din ako doon [sa shooting] after this. Right now we're shooting in Cainta. After that. Makati na. 'Tapos next week naman sa Baguio," bungad ni Joem.
Si Paolo Villanueva, na gumawa ng Selda at Ilusyon, ang direktor ng bagong pelikula ni Joem. Joem will play the role of Ryan na boyfriend ni Maria (Lovi Poe).
"It's a love story na we can get away sa Baguio. ‘Tapos marami na ang nangyari sa Baguio. May one day kami run. ‘Tapos kasama namin sina Jake Roxas, Ricardo Cepeda, ‘tapos si Jackie Woo.
"May conflict sa bawat character, e. It's me searching to devirginize the character of Maria. Maria yung pagiging rebelde niya sa parents niya. Kasi mami-meet niya rito si Jackie Woo. Kumbaga, parang magiging lovers sila. Parang magiging ganun ang conflict ng istorya. Tingnan natin. Sana maging maganda siya on screen," paglalarawan ni Joem sa Walang Hanggang Paalam.
KISSING & SHOWER SCENES. Ang role naman ni Joem sa I Love Betty La Fea ay bilang chickboy na kaibigan at kasamahan sa Eco Moda ng mapaglarong boss nila na si Armando (John Lloyd Cruz). May mga kissing scenes din daw siya sa Betty La Fea.
"Kay Wendy [Valdez]," ngiti ni Joem. "May bed scene din at may shower scene pa. Na-shoot na namin. "
Alam ba ito ng nababalitang boyfriend ni Wendy na si Bruce?
"Hindi ko lang alam. Pero sa pagkaalam ko, hindi pa yata alam ni Bruce," sagot ni Joem.
Ano ang lasa ng lips ni Wendy?
"Hindi kasi, siyempre before ng ano, nakakahiya naman kapag... Nag-kendi kami pareho before kami kunan. Hindi ko na maalala kung kendi o Juicy Fruit, e. I don't know kung ano yun. Galing sa akin yung kendi."
Na-excite ba siya sa kissing scene nila ni Wendy?
"Hindi, e," sagot niya. "Kinabahan ako. Ang lakas kasi ng dating ni Wendy, e. Si ano siya, si Margarita, di ba? Malakas, malakas ang dating ng babaeng ‘yon."
Type niya ba si Wendy?
"Maganda siya. Okey siya."



0

