PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joem Bascon on kissing scene with Wendy Valdez: "Malakas and dating ng babaeng 'yon."

Joem also wants to have a kissing scene with Anne Curtis.
by Julie E. Bonifacio
Published Sep 25, 2008
"Kinabahan ako. Ang lakas kasi ng dating ni Wendy, e. Si ano siya, si Margarita, di ba? Malakas, malakas ang dating ng babaeng ‘yon," says young actor Joem Bascon about his kissing scene with I Love Betty La Fea co-star Wendy Valdez.

Humabol si Joem Bascon sa presscon na ipinatawag ng ABS-CBN Star Magic para sa mga artistang kasama sa teleserye nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, ang I Love Betty La Fea. Nanggaling pa raw kasi siya sa first shooting day ng indie movie na ginagawa niya ngayon, Walang Hanggang Paalam. Ginanap ang pocket presscon last Tuesday, September 23, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

"Babalik din ako doon [sa shooting] after this. Right now we're shooting in Cainta. After that. Makati na. 'Tapos next week naman sa Baguio," bungad ni Joem.

Si Paolo Villanueva, na gumawa ng Selda at Ilusyon, ang direktor ng bagong pelikula ni Joem. Joem will play the role of Ryan na boyfriend ni Maria (Lovi Poe).

"It's a love story na we can get away sa Baguio. ‘Tapos marami na ang nangyari sa Baguio. May one day kami run. ‘Tapos kasama namin sina Jake Roxas, Ricardo Cepeda, ‘tapos si Jackie Woo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"May conflict sa bawat character, e. It's me searching to devirginize the character of Maria. Maria yung pagiging rebelde niya sa parents niya. Kasi mami-meet niya rito si Jackie Woo. Kumbaga, parang magiging lovers sila. Parang magiging ganun ang conflict ng istorya. Tingnan natin. Sana maging maganda siya on screen," paglalarawan ni Joem sa Walang Hanggang Paalam.

KISSING & SHOWER SCENES. Ang role naman ni Joem sa I Love Betty La Fea ay bilang chickboy na kaibigan at kasamahan sa Eco Moda ng mapaglarong boss nila na si Armando (John Lloyd Cruz). May mga kissing scenes din daw siya sa Betty La Fea.

"Kay Wendy [Valdez]," ngiti ni Joem. "May bed scene din at may shower scene pa. Na-shoot na namin. "

Alam ba ito ng nababalitang boyfriend ni Wendy na si Bruce?

"Hindi ko lang alam. Pero sa pagkaalam ko, hindi pa yata alam ni Bruce," sagot ni Joem.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang lasa ng lips ni Wendy?

"Hindi kasi, siyempre before ng ano, nakakahiya naman kapag... Nag-kendi kami pareho before kami kunan. Hindi ko na maalala kung kendi o Juicy Fruit, e. I don't know kung ano yun. Galing sa akin yung kendi."

Na-excite ba siya sa kissing scene nila ni Wendy?

"Hindi, e," sagot niya. "Kinabahan ako. Ang lakas kasi ng dating ni Wendy, e. Si ano siya, si Margarita, di ba? Malakas, malakas ang dating ng babaeng ‘yon."

Type niya ba si Wendy?

"Maganda siya. Okey siya."

Good kisser ba si Wendy?

"Hindi ko alam, e. Tanungin na lang natin si Wendy."

Kumusta naman ang shower scene nila ni Wendy?

"Okey naman. Mabilis lang yun, e."

DREAM KISSING PARTNERS. Kung sakali, sino pa ang young actress na gusto niyang maka-kissing scene?

"Si Anne, Anne Curtis," sagot ni Joem. "Yun lang. Personal crush ko si Anne, e. So, yun. Gusto kong makasama si Anne."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

What about makasama sa isang bed scene?

"Depende kung sino ang ibigay sa akin. Kung pinapili ako? Sa Batanes, si Iza [Calzado], e. I don't know kung sinuman. Sige I'll try kung sinuman ang pinaka-hottest na babae ngayon."

Sino ang pinakaseksing aktres sa kanya ngayon?

"That would be Anne Curtis first. Angel Locsin, Iza is sexy. Ah, ang dami... Cristine Reyes is sexy. Angelica Panganiban, sa akin sexy. Sorry, lahat ng babae ‘ata sa akin, sexy!" tawa niya.

"How I wish I could have a scene with them. Ewan ko ba, naging salbahe na lang ako dahil sa character ko sa Betty!"

Nadala na ba niya ang character niya sa Betty La Fea sa personal life niya?

"Sana na-imbibe ko na, ‘no!" sabay tawa ni Joem.

Open ba siya sa ideya na maghubad sa big screen?

"For me, kung ako ang tatanungin, wala nang problema for me to do anything lalo na kung... Kasi sa indie film, di ba, they require...kakaiba yung mga scene. Pero kasi hindi pa pupuwede, ayaw pa ng family ko, ‘tsaka ayaw pa ng handler ko [sa Star Magic]. Hindi pa pupuwede."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Type din ba niyang gumanap na isang gay sa pelikula and at the same time may kissing scene siya with a man?

"Kung katulad nung kay Baron Geisler [sa Jay], siguro kaya kong gawin. Puwede siguro. Pero ngayon, hindi ko pa masyadong naiisip ‘yan. Siguro sa mga susunod pa," sabi ni Joem bilang pangwakas.
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kinabahan ako. Ang lakas kasi ng dating ni Wendy, e. Si ano siya, si Margarita, di ba? Malakas, malakas ang dating ng babaeng ‘yon," says young actor Joem Bascon about his kissing scene with I Love Betty La Fea co-star Wendy Valdez.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results