"Ibang laban naman ang haharapin ko sa 2009. Siguro naman ay puwede ko nang pagtuunan ang ibang bagay pagkatapos ng mga
laban ko. Ito na kasi ang gusto ng mga magulang ko at ng misis ko [Jinkee
Pacquiao] na mag-retire na ako. Kaya gagawin ko ito para matuwa sila," says Manny Pacquiao about his plan to retire from boxing next year.
Manny Pacquiao to retire from boxing next year, will run again in 2010
Thursday, September 25, 2008
11:04 AM
Rating
Ilang oras bago tumulak ulit papuntang U.S. ang Pambansang Kamao na si Manny "Pacman" Pacquiao ay nakapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, September 24.
Muling nagtungo sa U.S. si Pacman upang maghanda para sa kanyang matinding training bilang preparasyon sa laban niya sa boxing ring with the Golden Boy of Boxing na si Oscar dela Hoya on December 6 sa MGM Grand in Las Vegas.
Sa naturang laban, kung papalarin si Pacman at muling manalo ay higit sa $15 million ang kanyang mapapanalunan. Kaya sa edad ni Pacman ngayon na 29 years old, siya na ang pinakamayaman at pinakasikat na Filipino athlete sa kasalukuyang henerasyon.
Ayon sa business manager ni Pacman na si Eric Pineda ay good for two more big fights pa sa boxing ring si Manny. Win or lose daw with his bout with dela Hoya, may dalawang laban pa raw si Pacman with Ricky Hatton sa March or April 2009 at kay Floyd Mayweather Jr. on July or August 2009.
Ang dalawang naturang boxers ay kabilang sa listahan ng mga pound-for-pound boxing champions, kung saan nangunguna si Pacquaio.
Galing na mismo kay Manny na magre-retire na siya sa boxing sa August 2009. Matutupad na raw kasi ang dream niyang makaharap sa boxing ring si dela Hoya at doon pa lang daw ay puwede na siyang magretiro—manalo man siya o matalo.
Kinumpirma rin niya ang balitang tatakbo siya ulit para sa isang posisyon sa gobyerno sa 2010.
"Ibang laban naman ang haharapin ko sa 2009," sabi ni Manny. "Siguro naman ay puwede ko nang pagtuunan ang ibang bagay pagkatapos ng mga laban ko. Ito na kasi ang gusto ng mga magulang ko at ng misis ko [Jinkee Pacquiao] na mag-retire na ako. Kaya gagawin ko ito para matuwa sila.
"Gusto ko naman din mag-concentrate sa pagtulong sa aking mga kababayan sa Mindanao. Napagdesisyunan na naming ito at tuloy ang mga plano namin sa 2010," pahabol niya.
Pormal na ring winelcome si Manny ng political party ni President Gloria Macapagal-Arroyo na KAMPI (Kabalikat ng Malayang Pilipino). Plus factor daw si Manny sa naturang partido dahil magkakaroon ng concentration ang partido sa mga taga-Mindanao, lalo na sa mga taga-South Cotabato na napapalibutan ng kaguluhan.
Noong 2007 ay tumakbo bilang congressman sa unang distrito ng General Santos City si Pacman, pero natalo siya sa eleksiyon ng kanyang kalaban at kinakapatid na si Representative Darlene Antonino. Kinapos kasi sa oras at panahon si Manny para sa kanyang pagkampanya noon dahil nagkaroon siya ng rematch with Juan Manuel Marquez.
Sa pagsama ni Pacman sa KAMPI, malamang daw na matupad na ang isa pang pangarap niya. Ito ay ang makapagsilbi na siya sa mga taga-Mindanao bilang isang government official.
"Gusto ko talagang makatulong sa aking mga kababayan. Hindi sapat ang magkaroon lang ako ng karangalan sa larong boksing. Gusto ko ay higit pa roon. Ipagdasal natin lahat na maging matagumpay din ako sa 2010," saad ni Manny.
- Jinkee Pacquiao says husband Manny has changed for the better: "Laging nasa bahay, nagbabasa ng Bible, nanonood ng sine, ng TV."
- THE PEP LIST : Pinoy Pride 2011 (Those who put the Philippines on the map!)
- Manny Pacquiao not convinced his performance against Juan Manuel Marquez was his best, but insists he won the fight
- Manny Pacquiao responds to critics on his controversial victory over Juan Manuel Marquez
- Manny Pacquiao loses pound-for-pound title to Floyd Mayweather, Jr.
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More News
- Pinay supermodel Danica Magpantay open to joining local show business
- Alden Richards proud to be working with Dingdong Dantes; still looking for a date on Valentine
- LJ Reyes on her upcoming sexy cover pictorial: "Sasabihin ko pa bang, 'Ay, hindi ko po kaya!'"
- Dolly Anne Carvajal "unfazed" by talent manager Shirley Kuan's statement about Carmina Villarroel-Claudine Barretto issue
- PEP EXCLUSIVE Bassist Nathan Azarcon speaks up for the first time since breakup of Bamboo: "Medyo hindi amicable yung breakup nung banda. May mga unresolved na issues..."
- Jericho Rosales on his "secret girlfriend": "She's in the business din but not an artista. She's a host."
-
Indie
PEP REVIEW: Pintakasi : How art saves
Pintakasi will have February 8 and February 29 screenings in select SM cinemas.
-
Homes and Family
Priscilla Meirelles reveals how pregnancy made her world "turn 360 degrees"
She says her initial plan was to get pregnant two years after her wedding, but she realizes, "God's time is the perfect time."
-
Fashion
Sheena Halili: from shopaholic to practical buyer
Sheena opted to cut back on her fashion expenses so she can buy herself a townhouse.
-
In Focus
PEP EXCLUSIVE: John Wayne Sace on being pasaway: "Burado na sa isipin ko yun..."
He wants to revive career "para sa future ng anak ko."
Most Popular
- Gab Valenciano admits to initiating breakup with Isabel Oli: "I just couldn't see her with me. I couldn't see her with a guy like me at this point."
- Grace Lee on President Noynoy Aquino: "I like him."
- Kris Aquino's marriage to James Yap is now officially annulled
- Kris Aquino: "Annulment is not a cause for joy. The truth is, it was a marriage that failed but it's a cause for optimism."
- Part 2 Dolly Anne Carvajal on Carmina Villarroel-Claudine Barretto issue: "I stand by my story."
- PEP SPECIAL REPORT PART I: Why the marriage of Kris Aquino and James Yap was declared null and void
- Mark Bautista remains friends with Piolo Pascual after being involved in the actor's breakup with KC Concepcion
- Marian Rivera explains visit to taping of a TV5 show; comments on Iza Calzado's transfer to ABS-CBN
- Talent manager Shirley Kuan on columnist Dolly Anne Carvajal: "She can stick to her story. She has a story to tell, fine. But it's a lie."
- Director Mac Alejandre talks about his four-year contract with TV5 and reveals the real reason he left GMA-7
Advertisement

