"She's like a princess," Thou Reyes describes his I Love Betty La Fea co-star Ruffa Gutierrez. Thou plays the Eco Moda Manila gay boss Hugo Bosini in the show.

Photo: Noel B. Orsal

Isa sa agaw-pansin sa primetime teleserye ng ABS-CBN na I Love Betty La Fea ang dating Ang TV member na si Thou Reyes bilang Hugo Bosini, ang sinasabing "creative mind behind Eco Moda Manila." Madaling mapagkamalan si Thou na isang foreigner dahil sa kanyang kulay at kulot na buhok.

 

"Well, I'm very much a Filipino. My real name is Joseph Kolins Reyes," bungad ni Thou sa presscon ng mga artist ng Star Magic na kasali sa I Love Betty La Fea.

 

Palayaw niya ang "Thou" na ibinigay sa kanya ng kanyang pamilya dahil sa libu-libong piso na ibinayad pagkatapos mamalagi ng ilang araw sa Cardinal Santos Hospital sa San Juan ng kanyang ina sa pagsilang sa kanya noong 1984.

 

Thou is 24 years old now. Nagsimula siya sa Ang TV ng ABS-CBN,  pagkatapos ay naging regular sa cast ng Kaya ni Mister, Kaya ni Misis nina Cesar Montano at Maricel Soriano noong matapos ang Ang TV.

 

AFTER ANG TV. "Then, tinanong ako if I can have like home study or regular schooling. Sabi ko, I think I'll go for regular schooling. I mean, a batch of Ang TV kids were there. Ang dami naming pagpipilian doon. So, I'm the only black kid there. So, nag-regular schooling ako.

 

"Then, nung natapos ko yung college and I got my license as a nurse, accidentally nagkita kami ni Mr. M [Johnny Manahan, Star Magic boss] one evening. Sabi niya, ‘O, what are you doing now?' Sabi ko, ‘I just finished my college.' I finished my course at Philippine Rehabilitation Institute. But I came from UERM, most of my college years, I spent there. I was a PT [Physical Therapy] student, then I shifted to Nursing for like one and a half years. Sabi niya [Mr. M], ‘Try mo ulit. Pasa ka ng pictures.' Then, I did.

 

"Kasi sabi ko after Nursing, I wanna do three things in modeling, it's Cosmo, Bench and Mossimo. I did those except Bench. But I did Penshoppe which was held in Araneta rin, so, okey na. Sabi ko nung time na yun, okey na ako. Puwede na akong mag-work. Kasi I've been waiting for my [Nursing] license in California.

 

"Yun po ang gusto ko. Puwede ko po rito kunin sa Makati [lisensya] because na-approve na po ang Philippines na magpa-exam."

 

Pangarap daw talaga niya ang maging nurse.

 

"I'm a licensed nurse here in the Philippines. Then, kaka-approve lang sa akin ng California to take up my Nursing exam. But being matured, I'll go for my opportunities here. I think I should grab those opportunities.

 

"Gusto ko po talagang tumulong and in some way, makakatulong po kami to entertain people here in the Philippines. But when I think wala na akong natutulungan dito sa Philippines, I can work abroad."

 

Aware naman si Thou na kapag nag-abroad siya tuluyan na siyang mawawalan ng career dito sa Pilipinas.

 

"Opo, they're telling me na, ‘Naku, magpakasawa ka na muna diyan.' I want to get my license in California. ‘Pag nakuha ko yung license sa California, then I can go. I think I can work more here if there's more opportunities here, kasi wala na akong iisipin. That's why my last exam is my California license. After that, kahit saan ako itapon, mabubuhay na ako."

 

Pagkatapos mag-aral ng Nursing sa college, bumalik sa showbiz si Thou. Una siyang napanood muli sa dance show na U Can Dance, hosted by Derek Ramsay and Iya Villania.

 

"Ka-partner ko noon si Eva Rosero ng Whiplash. ‘Till wildcard kami. Nag-neck-to neck po ang laban namin ni Saicy [Aguila] noon. Pero yun po yung start ng pagbabalik ko and I think that's the first time I used my name Thou.

 

"Tinanong nga rin nila ako kung nag-aral akong sumayaw, pero hindi, e. Nung bumalik ako, doon lang ako nag-undergo ng workshop. Pero passion for dancing hip-hop nasa akin po talaga. I mean, gusto ko po talaga to inspire people to dance, lalo na ang mga kids na instead of taking drugs, just dance."

 

AUDITIONING FOR ROLE IN BETTY. Paano siya nakuha bilang Hugo sa I Love Betty La Fea? Nag-audition ba siya?

 

"I did. I auditioned for the role of Hugo and Nicolas. Yun ang targets ko. Kasi sabi ko after Kapitan Boom 'I think, I should, if I will spend time here'. I should really work hard to get a good role and really work hard. I've been praying for that.

 

"So, nung nagkaroon ng audition for Betty La Fea sabi nila, sige. Kasi si Direk Jerry [Sineneng] is a fan of Kapitan Boom, so, kilala niya ako sa role ko doon as Bukol. So, alam niya agad na nakakatawa. Bago ako umalis sinabi niya, ‘O, huwag ka nang mag-audition. Kilala ka namin. Alam na namin na nakakatawa ka.'

 

"Pero nag-audition pa rin ako. Sabi niya, ‘Ay, wait lang, wait lang. I-try naman natin, mag-try ka ng gay fashion designer. Paano mo gagawin? ‘Sabi ko, okey. Tumalikod ako, then, paglabas ko, ‘Okey, mga mars [mare], saan tayo magsisimula?' So, yun po sila, tawa nang tawa kasi sila nung tinanong ko kung saan tayo magsisimula. So, yun po."

 

PLAYING HUGO. Natuloy si Thou sa I Love Betty La Fea pero nalipat naman si Direk Jerry sa Kahit Isang Saglit dahil sa biglaang pagkamatay ng direktor nito na si Gilbert ‘Manong' Perez. Sa ngayon, positibo ang feedback kay Thou bilang si Hugo.

 

"Kasi, parang, yung for the character of Hugo, gusto namin ano, I mean, ako rin ni-request ko na it's a different gay. It's more of sosyal, sosyal na executive."

 

Napanood ba niya yung Hugo ng Columbian version ng Betty La Fea nang unang ipinalabas ito sa Pilipinas?

 

"Opo, actually, that Hugo, ano po, ikinasal siya sa totoong Betty La Fea. Pero parang nag-separate rin sila throughout the show. I know po kasi nag-research po ako tungkol kay Hugo."

 

Sino naman ang pinaggayahan niya ng gay role niya bilang Hugo?

 

"It's more of... babae. From Ugly Betty, it's more of Vanessa Williams, si [Boy] Abunda. Hindi lang yung personality ng nasa showbiz po, e. Ano po, yung mga taong nakikita ko. I've been searching, I've been watching people kung paano sila gumalaw. Paano gumalaw si Ms. Ruffa [Gutierrez]. Yung paano yung mga mannerisms ni Ms. Ruffa, tinitingnan ko rin. Yun lang po yung mga kilalang tao na nakuhaan ko ng idea. But it's more of the people who are walking around me."

 

CRUSH ON RUFFA. In fairness, nakakasabay si Thou kay Ruffa sa mga eksena nila sa show.

 

"Yun nga po. Isa yun sa naging challenge for me na sabayan si Ruffa. Kasi doon sa Ugly Betty, the American version, the gay there, is assistant siya. Pero dito po sa I Love Betty La Fea isa po ako sa mga boss. So, dapat sabayan ko siya. Kung malakas ang boses niya, mas malakas ang boses ko. I've been receiving comments na natutuwa sila kasi nasasabayan si Daniella."

 

Hindi siya nai-intimidate kay Ruffa?

 

"At first, yeah, because she's an old crush. I mean, she's very pretty, e. And you should visit the set. She's like a princess."

 

Ten years old pa lang daw siya ay crush na niya si Ruffa. Alam na ba ‘yan ni Ruffa?

 

"No. I even saw her debut. Yung debut niya napanood ko sa TV. Kaya ganun na lang yung respect ko sa kanya," pagtatapos ni Thou.