FIRST READ ON PEP: Richard Gutierrez set to don the mask of "Zorro"

Dinno Erece
Thursday, September 25, 2008 @ 01:22PM  |  30574 views

 

Young actor Richard Gutierrez already has a new project on GMA-7 after  Codename: Asero. He will soon be seen riding a horse and wielding a sword on Zorro.

Photo By: Noel Orsal














Naibalita na ang susunod na soap ng kapareha ni Richard Gutierrez sa Codename: Asero na si Heart Evangelista ay ang Luna Mystica, isang fantaserye kung saan si Mark Anthony Fernandez ang makakasama niya. Manggagaling naman si Mark Anthony sa magtatapos sa susunod na linggo na romantic-comedy series na Ako si Kim Samsoon, ka-partner si Regine Velasquez.

Ang Luna Mystica ang papalit sa Codename: Asero kapag nagtapos ito.

Si Richard naman, nagsisimula nang mag-aral ng fencing dahil ang kanyang susunod na primetime series sa GMA-7 ay Zorro, ang fictional Mexican character na isinulat ni Johnston McCulley noong 1919.

Una itong naisapelikula ni Douglas Fairbanks noong 1920 na may titulong The Mask of Zorro. Ang naturang first Hollywood action star din ang gumawa ng sequel nito noong 1925 na Don Q, Son of Zorro. Si Antonio Banderas ang huling gumanap na Zorro sa big screen noong 1998 at 2005.

Sa TV naman, una itong naging serial sa Walt Disney noong 1957 at si Guy Williams ang gumanap sa Zorro hanggang magtapos ito noong 1959.

Noong 2007, nag-team up ang Sony TV at Telemundo para sa seryeng Zorro: La Espada Y La Rosa starring the Peruvian actor Christian Meier at naipalabas ito sa Pilipinas, sa ABS-CBN. Malamang na ito ang rights na binili ng GMA-7 para sa bagong show ni Richard.

Hinahanapan pa ng bagong makakapareha si Richard para sa Zorro.

Ang Zorro ang ika-pitong serye ni Richard bilang lead star sa primetime block ng GMA-7. Una siyang nabigyan ng malaking break sa Mulawin, na sinundan ng Sugo, Captain Barbell, Lupin, Kamandag, at ang kasalukuyang Codename: Asero.

Pero bago siya naging lead star sa mga nabanggit na fantaserye at action-adventure series ng GMA-7 ay nakasama muna siya sa mga primetime soaps,  Ikaw Lang ang Mamahalin at Habang Kapiling Ka.

1  

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name