Marian Rivera on showbiz rivalries: "Hindi po ako nakikipag- kumpitensiya."

Nora Calderon
Friday, September 26, 2008 @ 01:43PM  |  11 views

Marian Rivera is currently busy with One True Love, her first movie team-up with Dingdong Dantes. The film, which also includes Iza Calzado, will be directed by Mac Alejandre.

Photo By: Noel Orsal













"Masaya ako," sabi ni Marian Rivera sa entertainment press, kasama ang PEP (Philippine Entertainment Portal), na dumalaw sa first shooting day ng One True Love last Wednesday, September 24, sa Vermont Park on Marcos Highway.

Nang usisain siya tungkol sa napabalitang breakup nila ng kanyang cager-boyfriend na si Ervic Vijandre, tikom ang bibig ng Dyesebel star.

"Basta masaya po ako ngayon," ang maagap niyang sagot. "Kung anuman ang nangyayari sa buhay ko, masaya ako. Basta trabaho lamang ako nang trabaho at gusto ko lamang mapasaya ang mga fans at ang mga nanonood ng mga TV shows ko at pelikula. Ang dami pong blessings na dumarating kaya sapat na iyon para maging masaya ang buhay ko."

Extended pa nga ang Dyesebel hanggang October 17, at sa October 14 pa ang last taping day nila. Ayaw pang sabihin ni Marian kung ano ang magiging ending ng kanilang TV series ni Dingdong.

Sa October 6 magsisimula ang shooting ng Desperadas 2. Muli silang magkakasama nina Ruffa Gutierrez, Rufa Mae Quinto at Iza, with Eugene Domingo, sa direksyon pa rin ni Joel Lamangan.

At pagkatapos noon, sisimulan niya ang bago niyang project sa GMA-7 na isang full-length drama naman.

Binati si Marian ng mga reporter dahil sa lumabas na write-up tungkol sa Top 20 commercial endorsers ng YES! nagazine. Nasa pangatlong puwesto siya, kapantay si KC Concepcion. Number one si Kris Aquino at number two naman si Sharon Cuneta.

Ang kanyang "masa" appeal daw ang kinukunsidera ng mga kumukuha sa kanya na advertising agencies.

"Kaya very thankful po ako sa mga endorsements na dumarating sa akin," nakangiting wika ni Marian.

Naikuwento rin niyang dalawa sa mga produktong inindorso niya ay nag-renew. Dagdag pa niya, "May isa po akong malapit nang lumabas na TVC pero hindi ko pa puwedeng sabihin. Abangan na lamang ninyo."

At bukod sa pagsasayaw ay may isa pa pinagkakaabalahan ngayon: ang pangkanta.

Aniya, "Excited na po ako. Magbu-voice lesson pa muna ako kasi may gagawin po akong album sa Universal Records na kakanta na ako talaga. Dance album po iyong first album ko sa Universal Records, na nakatanggap na ako ng Platinum record award mula po sa PARI."

Isa raw "danceable" album ang binubuo para sa kanya, at baka next year na ito lumabas dahil hindi pa siya nagsisimula sa recording. Bukod pa rito, may isa pa siyang dance album na si Geleen Eugenio ang bahala sa choreography.

Biniro ng PEP si Marian tungkol sa kanyang a la Marimar dance. May mga nagsasabi kasi na dapat mag-aral siya ng ibang dance steps para maiba naman.

1  2  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name