Marian Rivera is currently busy with One True Love, her first movie team-up with Dingdong Dantes. The film, which also includes Iza Calzado, will be directed by Mac Alejandre.
Marian Rivera on showbiz rivalries: "Hindi po ako nakikipag- kumpitensiya."
Friday, September 26, 2008
01:43 PM
Rating
"Masaya ako," sabi ni Marian Rivera sa entertainment press, kasama ang PEP (Philippine Entertainment Portal), na dumalaw sa first shooting day ng One True Love last Wednesday, September 24, sa Vermont Park on Marcos Highway.
Nang usisain siya tungkol sa napabalitang breakup nila ng kanyang cager-boyfriend na si Ervic Vijandre, tikom ang bibig ng Dyesebel star.
"Basta masaya po ako ngayon," ang maagap niyang sagot. "Kung anuman ang nangyayari sa buhay ko, masaya ako. Basta trabaho lamang ako nang trabaho at gusto ko lamang mapasaya ang mga fans at ang mga nanonood ng mga TV shows ko at pelikula. Ang dami pong blessings na dumarating kaya sapat na iyon para maging masaya ang buhay ko."
Extended pa nga ang Dyesebel hanggang October 17, at sa October 14 pa ang last taping day nila. Ayaw pang sabihin ni Marian kung ano ang magiging ending ng kanilang TV series ni Dingdong.
Sa October 6 magsisimula ang shooting ng Desperadas 2. Muli silang magkakasama nina Ruffa Gutierrez, Rufa Mae Quinto at Iza, with Eugene Domingo, sa direksyon pa rin ni Joel Lamangan.
At pagkatapos noon, sisimulan niya ang bago niyang project sa GMA-7 na isang full-length drama naman.
Binati si Marian ng mga reporter dahil sa lumabas na write-up tungkol sa Top 20 commercial endorsers ng YES! nagazine. Nasa pangatlong puwesto siya, kapantay si KC Concepcion. Number one si Kris Aquino at number two naman si Sharon Cuneta.
Ang kanyang "masa" appeal daw ang kinukunsidera ng mga kumukuha sa kanya na advertising agencies.
"Kaya very thankful po ako sa mga endorsements na dumarating sa akin," nakangiting wika ni Marian.
Naikuwento rin niyang dalawa sa mga produktong inindorso niya ay nag-renew. Dagdag pa niya, "May isa po akong malapit nang lumabas na TVC pero hindi ko pa puwedeng sabihin. Abangan na lamang ninyo."
At bukod sa pagsasayaw ay may isa pa pinagkakaabalahan ngayon: ang pangkanta.
Aniya, "Excited na po ako. Magbu-voice lesson pa muna ako kasi may gagawin po akong album sa Universal Records na kakanta na ako talaga. Dance album po iyong first album ko sa Universal Records, na nakatanggap na ako ng Platinum record award mula po sa PARI."
Isa raw "danceable" album ang binubuo para sa kanya, at baka next year na ito lumabas dahil hindi pa siya nagsisimula sa recording. Bukod pa rito, may isa pa siyang dance album na si Geleen Eugenio ang bahala sa choreography.
Biniro ng PEP si Marian tungkol sa kanyang a la Marimar dance. May mga nagsasabi kasi na dapat mag-aral siya ng ibang dance steps para maiba naman.
"Puwede po siguro," panimula ng young actress. "Pero hindi ko makakalimutan ang aking Marimar dance dahil pinaghirapan ko pong pag-aralan iyon. Doon ako nakapasa bilang si Marimar at doon ako nakilala, malaki po ang utang na loob ko sa sayaw na iyon."
Dagdag pa niya, "At alam ko po, hanggang ngayon, marami pa ring gumagaya sa sayaw na iyon, lalo na ang mga bata."
May nagsabi kay Marian na baka magkaroon na naman ng kumpitensiya kapag nagkatapat ang showing ng One True Love at ang Piolo Pascual-Angel Locsin movie, na sa November 12 ang playdate.
"Wala po naman sanang ganoon, para masaya ang lahat," ang sabi ng 24-year old Kapuso star. "Ang alam po namin, late November 2008 ang playdate namin. 'Saka hindi po ako nakikipagkumpitensiya. Noon po, inaamin ko, naiiyak din ako sa mga intrigang nababasa ko, pero ngayon hindi na.
"Basta trabaho lamang ako nang trabaho at tulad po ng lagi kong sinasabi, gusto ko lamang magpasaya ng mga fans at ng mga taong nanonood ng mga TV shows at movies na ginagawa ko," panghuling wika ni Marian.
- Marian Rivera explains visit to taping of a TV5 show; comments on Iza Calzado's transfer to ABS-CBN
- Marian Rivera on working again with Dingdong Dantes: "Siguro masasabi ko na mas tumindi yung relationship namin, kung anong meron kami, nang dahil dito sa My Beloved. "
- Part 1: Feng shui lady Marites Allen says Year of the Water Dragon is the year of infidelity, advises showbiz couples to be careful
- Marian Rivera reunites with Katrina Halili in My Beloved ; wants to enrol in a culinary school
- Marian Rivera sports new look; boyfriend Dingdong Dantes approves: "Ay, para akong may bagong girlfriend."
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More News
- Comedian Betong Sumaya named Celebrity Sole Survivor
- Lea Salonga reveals her stand on OPM artists' call for "Filipino first" in the concert scene
- Hayden Kho, Jr. insists there is "NO infidelity issue" between him and Dra. Vicki Belo; apologizes to Nancy Castiglione
- AGB Nielsen Mega Manila People Ratings (Feb. 7-9): Survivor Philippines final week rule primetime; Eat Bulaga! still the undisputed No. 1 noontime show
- Carl Guevara on playing a ghost in My Beloved: "Parang first day-last day na agad?"
- Beauty queen Danielle Castaño on joining showbiz: "Sobrang I just want to experience how it is like in the industry... not only experience it, like feel that I'm working."
-
Television
AKTV and PBA heighten "Kampihan Na!" campaign for Commissioner's Cup
PBA continues its campaign of asking fans to be more vocal about their support for their favorite basketball teams.
-
Profiles
ChicoSci vocalist Miggy Chavez plans to venture into tattooing and acting
After playing a small role in Segunda Mano , Miggy says "Why not?" to doing more mainstream projects.
-
Society Watch
Divine Lee supports gender equality and gay rights.
-
Fact or Fiction
Ogie and Manilyn share drama moments in new serye, Daldalita.
Most Popular
- Marian Rivera explains visit to taping of a TV5 show; comments on Iza Calzado's transfer to ABS-CBN
- Grace Lee on President Noynoy Aquino: "I like him."
- Kris Aquino: "Annulment is not a cause for joy. The truth is, it was a marriage that failed but it's a cause for optimism."
- Part 2 Dolly Anne Carvajal on Carmina Villarroel-Claudine Barretto issue: "I stand by my story."
- Talent manager Shirley Kuan on columnist Dolly Anne Carvajal: "She can stick to her story. She has a story to tell, fine. But it's a lie."
- PEP SPECIAL REPORT PART I: Why the marriage of Kris Aquino and James Yap was declared null and void
- Mark Bautista remains friends with Piolo Pascual after being involved in the actor's breakup with KC Concepcion
- Director Mac Alejandre talks about his four-year contract with TV5 and reveals the real reason he left GMA-7
- Part 2 Ynna Asistio to Annabelle Rama: "Bakit napakahirap na pakawalan kami kung talagang ayaw mo sa amin at ipinilit lang kami ng nanay ko sa iyo?"
- Jessa Zaragoza confirms "tent incident" with Sarah Lahbati's aunt
Advertisement

