Si Nadia Montenegro ang itinuro ni Rose Flaminiano na siyang nagsulsol daw kay Gabby Concepcion na kalabanin siya. Naituro na rin si Nadia noon ni Gretchen Barretto na siyang nagkakalat diumano ng tsismis na on the rocks na ang pagsasama nila ng live-in partner niyang si Tonyboy Cojuangco at nagkalat din daw ng tsismis na mayroon siyang lihim na relasyon sa businessman-government official na si Dody Puno.
When PEP (Philippine Entertainment Portal) got the chance to interview Nadia, agad namin siyang hiningan ng reaksiyon sa mga masasakit na paratang na binitawan sa kanya ni Mommy Rose, partikular na yung sinabi ng movie producer-manager na kaya hindi na niya isinama pa sa demanda niya against Gabby si Nadia ay wala naman daw ibabayad si Nadia sa kanya kundi puro mantika lang. In reference sa pagiging malusog ni Nadia.
"Hindi na ako nagulat na ako na pinin-point niya. Sa umpisa pa lang, natuto na akong makisama kahit marami na akong naririnig na mga negative tungkol sa kanya. Sabi ko nga, I can't deprive my friends of my help and of my friendship, and sabihin na nila ang lahat ng gusto nilang itawag sa akin, bahala sila. Ang problema lang siguro, itong mga taong ito na walang salamin sa bahay nila.
"Ang pinakamasama sa tao ay
yung greed, manlait ka, yung judgmental, at ang pinakamahirap diyan is
nakakaawa sila dahil hindi nila nakikita ang sarili nila."
FOR HER FRIENDS. Para kay Nadia, she doesn't have any regrets kung mapasok man siya sa isang gulo dahil sa isang kaibigan, especially if she knows that they're fighting for the truth.
"I don't have regrets
getting in trouble for my friends, especially sa ganitong mga sitwasyon. As
long as you stick to the truth, malinis ang konsensiya mo. It just made my bond
with Gabby stronger."
Positibo rin si Nadia na malakas ang laban ng aktor sa kasong isinampa rito ni Rose Flaminiano.
"Ayokong i-dwell muna ‘yan kasi nga nangyari itong kay Daddy Rollie. Pero kung sa laban at laban lang, may laban. Tapusin lang namin ito.
"Right now, it's so sad,
nananahimik ang buhay ni Gabby in the States and he has to deal with all of
these, but like I've said when you stick to the truth and your conscience is
clear, bakit ka matatakot?
POPS GOT INVOLVED. Na-involved din ang pangalan ni Pops Fernandez na hindi lang daw isa sa nagsulsol din kay Gabby kundi nabalita rin na niligawan diumano ng aktor.
For Nadia, isa itong isyu na walang pinagbasehan dahil alam naman ng lahat na masaya sina Gabby and Pops with their respective partners.
"Una, siniraan nila, ngayon naman kini-clear naman nila. The only reason why we're involved [in the Gabby vs. Rose problem] is just because we're friends. I guess people don't understand that, coz they don't have it.
"Alam mo the Filipino
viewers are very intelligent, alam nila kung sino ang nagsisinungaling, alam
nila kung sino ang nagsasabi ng totoo. Di na natin puwedeng lokohin ang
mga tao, we all know that they [Gabby and Pops] have their own relationships.
It's happy and strong."
REAL REASON GABBY CAME HOME. Sa pagkamatay naman ni Daddy Rollie, isa si Nadia sa mga kaibigan ni Gabby na hindi umalis sa tabi ng aktor. Aniya, ang dad daw talaga ni Gabby ang tunay na rason kung bakit umuwi ng bansa ang aktor.
"Talagang umuwi si Gabby for his dad, priority niya talaga is to see his dad. Hindi niya alam kung may work siyang aabutan dito, he didn't really know what's gonna happen with him here careerwise. Nandito lang siya para makasama ang daddy niya.
"Gabby naman is taking it
very well. He has to be strong. Okey silang lahat, they're taking it very
well."
NADIA'S OWN RELATIONSHIP. Sa kabila ng pagkaka-involved niya sa mga intrigang ipinupukol sa mga kaibigan niya, usap-usapan din na hiwalay na raw sina Nadia at kinakasama nitong si Boy Asistio. Ayon pa sa usap-usapan, nilayasan na raw ni Boy si Nadia at naglalagi na lang ito sa isang bundok sa Bicol. Dahilan daw ng paglayas nito ang pagiging pabaya diumano ni Nadia sa responsiblidad bilang ina at asawa. Nadia immediately denied this.
"We're okey, we're celebrating our 20th year this month. Talagang nasa Bicol siya kasi sa amin yung bundok. Kaya siya namundok kasi amin yung bundok. ‘Wag nilang pilit sirain ang nasa maayos."
