FIRST READ ON PEP: Ogie Alcasid thanks Michelle's "new man" at his concert

Erwin Santiago
"Carpe diem!"
Sunday, September 28, 2008 @ 12:49AM  |  80733 views

 

Scenes from Ogie Alcasid's concert, Twenty/Twenty, last night: (Top, left) Ogie sings "I Will Be Here" for daughter Leila; (top, right) Ogie and his "leading lady" Regine Velasquez sing a medley of duets; (below) Michelle Van Eimeren watches the concert with daughter Sarah and the Australian Mark, who is believed to be Michelle's boyfriend.

More photos.

Photo By: Noel Orsal














Naging extra special ang pagdiriwang ni Ogie Alcasid ng kanyang 20th anniversary concert na pinamagatang Twenty/Twenty kagabi, September 27, sa Araneta Coliseum. Ito ay dahil naroroon ng kanyang dalawang anak na sina Leila at Sarah at ang ina nila na si Michelle Van Eimeren.

Isang gabi bago ang concert ni Ogie ay dumating mula sa Australia ang kanyang mag-iina pagkatapos ng mahabang panahon. Si Ogie mismo ang sumundo sa kanila.

Sa panayam kay Michelle ng iba't ibang TV crew sa airport ay sinabi nito ang totoong sitwasyon ng relasyon nila ni Ogie. Ayon sa dating Miss Australia, matagal na silang divorced ni Ogie, kaya lamang ay hindi pa naa-annul ang kasal nila rito sa Pilipinas.

Kagabi, sa concert ni Ogie, ay nasa harapan ang mag-iina niya at katabi nila ang isang lalakeng foreigner, na kasama nina Michelle mula Australia.

During the concert, sinabi ni Ogie kung gaano siya kasaya sa pagdating ni Michelle at ng dalawa nilang ana.

"Tonight is one of the happiest nights I will ever, ever have because tonight, after quite a while, my children are here to watch me. I don't get to see you often, Leila and Sarah, and I'm so happy you're here. Seeing you right now, I see how beautiful you are... Buti na lang maganda ang nanay n'yo!" biro ni Ogie.

Patuloy niya, "Of course, I'm so happy that Michelle is here tonight. Palakpakan n'yo po ang taong ito. Thank you for bringing them [their daughters] here, for being there when I'm not."

Pagkatapos nito ay pinasalamatan din ni Ogie ang lalaking kasama ni Michelle, na ayon na rin mismo kay Ogie ay nagngangalang Mark. "And of course, to you Mark... Mark, you are now tabloid material! Mark, thank you for being there," pahayag ni Ogie.

Hindi man direktang sinabi ni Ogie kung ano ang relasyon ni Mark kay Michelle, mahuhulaang ito ang sinasabing karelasyon ngayon ng dating beauty queen. Kapansin-pansin din ang pagiging malapit ng mga anak nina Michelle at Ogie kay Mark dahil karga-karga nito sa Sarah sa bahagi kung saan nagtayuan ang lahat ng nasa audience para sa huling number ni Ogie.

Pagkatapos nito ay tinawag na ni Ogie ang dalawa niyang anak sa stage, pero si Leila lang ang umakyat dahil mahiyain si Sarah. Katabi niya si Leila sa stage at habang nanonood si Sarah sa ibaba ay inawitan ni Ogie ang kanyang mga anak ng kantang "I Will Be Here."

Naging madamdamin ang naturang number dahil sa pamamagitan ng isang awitin ay naiparating ni Ogie ang kanyang nararamdaman para sa kanyang mga anak na madalang niyang makita nang personal. Hindi naiwasan ni Michelle na mapaluha habang pinapanood ang naturang eksena, habang marami naman sa audience ang nagpapahid na rin ng kanilang luha.

Sa pagdating ni Michelle at ng kanilang mga anak dito sa Pilipinas, maraming katanungan ang nabigyan ng kasagutan.

Una na rito ang totoong estado ng kasal noon nina Ogie at Michelle. Napatunayang matagal na pala silang hiwalay bagamat hinihintay pa nila ang desisyon ng annulment case nila rito sa Pilipinas.

Pangalawa ay ang pagiging masaya nina Ogie at Michelle sa pagkakaroon ng bagong pag-ibig ng isa't isa; si Michelle kay Mark at si Ogie naman kay Regine Velasquez.  

Incidentally, isa si Regine sa espesyal na panauhin ni Ogie sa kanyang concert kagabi. Ipinakilala ni Ogie si Regine bilang kanyang "leading lady." Inawit nila ang medley ng ilan sa nilikha ni Ogie na si Regine ang kumanta.

1  2  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name