Nadia Montenegro fires back at Rose Flaminiano and Cristy Fermin

Rose Garcia
Sunday, September 28, 2008 @ 05:43PM  |  93 views

 

"Ang kapal mo talaga para insultuhin ako ng ganoon. Sa tingin ko talaga, hindi mo nakikita, kailangan mo ng salamin... How dare you compare yourself to me? Tingnan nyo muna sarili n'yo....," Nadia Montenegro fires back at Rose Flaminiano for the movie producer-manager's mantika comments against her. She also gets back at Cristy Fermin. "Mommy Rose Flaminiano, Nanay Cristy Fermin, kung ganito ang mga ina sa mundo, mas gusto ko pang maging ulila."

Photo By: Screengrabbed from gmanews.tv (Nadia) Noel B. Orsal (Rose, Cristy)














Humarap na nga nang live ang napagbibintangang "sulsoltant" daw ni Gabby Concepcion na si Nadia Montenegro sa Startalk kahapon, September 27, sa isang mahabang interview.

FIRE AWAY. Unang tanong nga ni Butch Francisco kay Nadia ay kung ano ba talaga ang role ni Nadia sa career ni Gabby Concepcion na mabilis namang sinagot ni Nadia.

"Wala po...wala akong role sa career ni Gabby. Ang role ko sa buhay ni Gabby is that, I'm his friend. Ever since na nasa Regal kami ay magkaibigan na kami ni Gabby and aside from that, kaibigan ko rin ang mga kapatid niya. So, hindi ko rin alam kung bakit naiisip ni Rose Flaminiano na may kinalaman ako sa career ni Gabby."

Follow-up question ni Butch, bakit nga ba siya natatawag na "sulsoltant" or "badvicer" sa career ni Gabby, ayon kay Mommy Rose?

"Hindi ko alam...basta noong unang dumating si Gabby rito, talagang nag-effort kami ni Tanya [Montenegro] na hanapin siya since wala nga akong number niya. And it was a very, very nice reunion. At nandoon din si Rose Flaminiano. At natatandaan ko na puro papuri si Rose sa amin na ang suwerte ni Gabby na meron siyang mga kaibigang katulad namin.

"At yun din ang huling pagkakataon na natatandaan ko na nagkita kami ni Rose Flaminiano sa Music Museum ay pinupuri pa rin niya ko. Kaya kahit ako nagugulat sa mga sinasabi... Paano ako magiging ‘sulsoltant,' e, hindi naman... Si Gabby, nawala ng ilang taon. Nabuhay sa Amerika. May sariling utak. May sariling desisyon. Ang galing ko naman! Napaka-inconsistent kasi ni Rose Flaminiano...napakagaling ko naman. Paano ako magiging ‘sulsoltant' ni Gabby?

"Si Gabby kasi, pagdating, parang naguguluhan pa siya. Bago ang takbo ng industriya natin. Little things na tinatanong ng kaibigan ko, bakit ko siya ide-deprive? Dati may mga legman pa tayo, ngayon, magtatanong si Gabby, ‘Nads, hindi pa dumarating yung legman.' Sabi ko, ‘Gabs, wala nang legman, hindi na uso.'

"'Tapos, sasabihin niya, ‘Wala pa ang script ko.' So, sabi ko, ‘Anong oras ang call slip mo?' ‘Six o'clock.' So, sabi ko, ‘O, four o'clock darating ang script mo,'" natatawang kuwento pa ni Nadia.

"BINABOY N'YO NA ‘KO!" Pero bakit nga ba ibinibintang sa kanya ang lahat ng mga nangyayari kay Gabby?

"'Yun nga, e... Bakit sa akin? Bakit mo ako pinag-iinitan Mrs. Flaminiano? Siguro kung ako sa inyo, sa rami n'yong hinaharap na kaso, yun na lang ang intindihin n'yo kasi, wala naman tayong problemang dalawa, e. Nililihis mo ang isyu. Pinapasa mo sa akin ang lahat.

"'Yung pagkatao ko, binaboy n'yo na ‘ko, kayo ni Cristy Fermin. Hindi ko alam kung bakit ako. Harapin mo lahat ng kailangan mo harapin dahil mas importante yan. Kung sa ating tatlo lang, kredibilidad? Ako matagal na ‘kong wala sa showbiz, pero, siguro, kaya nandirito pa rin ako kasi, milyon ang kaibigan ko. Siguro itong dalawang ito, wala siguro kasing salamin sa bahay ‘to..."

Dugtong pa niya, "Alam n'yo, ang pinakamahirap, kung akala n'yo palagi kayong tama. Hindi masamang mag-sorry. Hindi masamang magpakumbaba. Ako, nandidito...tumahimik ako ng pagkatagal-tagal. Alam n'yo ‘yan, Nay, maraming isyu na tumahimik lang ako ng pagkataga-tagal. Pero nang tinira ni Cristy Fermin ang asawa ko, hindi na ‘ko papayag," sabi pa ni Nadia sa harap nina Butch at Lolit Solis.

"Kaya ako nandirito ngayon para linawin yun."

Lolit asked Nadia about the report na sinugod daw ang nanay niya sa ospital noong Friday ng gabi.

"Opo, sinugod ang nanay ko sa hospital dahil hindi na niya kaya itong mga nangyayari. Ako, sabi ko nga, Nay, kung lumaban, napakadali. Kung magpaka-bastos, napakadali rin. Pero bakit ko ibibigay kay Rose Flaminiano at kay Cristy yun? Ang kailangan ng dalawang ito, salamin. Ang kailangan nila, ma-realize na talagang meron pa ring Diyos at hindi sila Diyos."

1  2  3  4  5  6  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name