"Two years din akong inawitan ng FHM at
pang-third year ngayon bago ako napapayag. Kinausap ako ni Direk Manny [Valera,
her manager] at sinabihan akong baka pagdating ng panahon, magsisi ako kung
bakit hindi ko ito ginawa. At least, wala akong regrets and I'm very proud sa
kinalabasan," says Jean Garcia about finally agreeing to pose for the top men's magazine.
Jean Garcia says 'Now or never' in posing for "FHM"
Monday, September 29, 2008
02:53 PM
Rating
Si Jean Garcia ang cover sa October 2008 issue ng FHM, kung saan nag-topless ang aktres. Nasisilip ang kanang bahagi ng dibdib ni Jean ngunit hindi naman kita ang nipples niya. Kahit halos hubad na siya sa litrato at lavender panty lang ang kanyang suot, hindi pa rin bastusin ang dating niya.
May walong shots pa si Jean sa inside pages, gaya ng magagandang pose na naka-lingerie siya, naka-two-piece, at isang kita ang gilid ng kanyang dibdib.
"Hindi bastos ang pagpapakita ko ng skin, ‘no!" sambit ni Jean. "Two years din akong inawitan ng FHM at pang-third year ngayon bago ako napapayag. Kinausap ako ni Direk Manny [Valera, her manager] at sinabihan akong baka pagdating ng panahon, magsisi ako kung bakit hindi ko ito ginawa. At least, wala akong regrets and I'm very proud sa kinalabasan."
Ikinuwento ni Jean sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Walang Kawala kahapon, September 28, na kumportable siya sa staff at fotog ng FHM na si Dr. Marlon Pecjo. Laking pasasalamat din ni Jean kay Deng Foz na nag-makeup sa kanya dahil mas pinaganda siya at hindi halatang puyat siya at galing sa taping ng Dyesebel.
"Nagustuhan ko lahat ang pictures at hindi ako na-conscious. Ang bilis din naming natapos; after six shoots, tapos na. Hindi ako in-expose. After an hour, tapos na, ang bilis! Bago nila i-print ang photos, ipinakita muna sa akin ang layout at pinapili ako kung anong gusto kong ilabas na picture.
"Parang naging fashion shoot siya, hindi malaswa. Lumabas ang real Jean Garcia. Ang iba kasi, pa-pout-an ng lips at paseksihan nang husto. Ito, ang ganda! Normal lang at ang kaibahan lang, sexy ang suot ko."
Masusundan pa ba ang pagko-cover niya sa FHM sa ibang men's magazine?
"Huwag muna, okey na ako sa FHM. I'm very happy with the result," sagot niya.
Paano siya nag-prepare for the pictorial?
"Wala nang time to prepare at hindi rin ako nag-diet."
Paano siya pumayag, sa wakas, na lumabas sa FHM?
"Para pagtanda ko, wala akong pagsisihan na bakit hindi ko na-try. Wala namang masama, di ba? Tumanda man ako, at least na-try ko."
Paano kung alukin ang anak niyang si Jennica Garcia na mag-pose sa FHM?
"Not now!" tili ni Jean. "Darating din ang time niya at gusto ko, pag gusto na niya at hindi dahil career move. It's up to her really. Dream niya rin ito, pero huwag muna ngayon, she's only 18 years old. Hindi pa rin niya nakikita ang magazine at alam niyang hindi ako papayag kung hindi ako at ease."
Paano kung ayaw ni Mart Escudero, ang young actor na rumored boyfriend ni Jennica?
"Aba, ewan ko na lang. May magagawa ba siya with the mother around?" tawa ni Jean.
Pati si Emilio Garcia, partner ni Jean sa digital movie na Walang Kawala, na-impress sa FHM cover ni Jean. Nagpapirma rin ito ng copy niya ng magazine habang panay ang sabing "Wala kang kupas," na ikinatawa ni Jean.
May radio tour si Jean sa October 8, at autograph-signing sa October 10 sa Robinson's Galleria to promote FHM.
Samantala, wala pa ring pahinga si Jean. Tuluy-tuloy ang schedule niya dahil lagare siya sa taping ng Dyesebel na sa October 14 na ang last taping day. Sa October 17 naman ang simula niya ng taping ng kasunod niyang primetime series, Gagambino. Kasama rin siya sa Shake, Rattle & Roll X, hindi pa lang daw niya alam kung anong episode siya mapapasama.
Next year, mapapanood siya kasama sina Sunshine Dizon, Iza Calzado, at Eula Valdes sa Pinoy adaptation ng Koreanovela na All About Eve.
Proud din si Jean sa Walang Kawala, directed by Joel Lamangan under DMV Entertainment, na showing sa November 12. May special screening din ang pelikula sa UP Film Center sa November 6. Kapag ipinalabas sa ibang bansa, No Way Out ang magiging title ng movie.
"Gusto ko ang character ko dito na tanggap lahat ang ginagawa ng asawa, battered wife si Beng [her character], mabait, pero hawak sa leeg ni Rufo [Emilio Garcia]. Housewife lang, nag-aalaga ng isda sa aquarium, pero may symbolism ang aquarium ko. Basta panoorin ninyo at maganda ang pelikula," pagpa-plug ni Jean.
- Part 2 Jean Garcia reveals daughter Jennica wants to marry young: "Medyo nawindang ako sa sinabi ng anak kong 'yan!"
- Part 1 Jean Garcia returns to playing kontrabida: "Ngayon, ready na ulit ako na magtaray at gumawa ng gulo sa buhay ng mga bida!"
- Jean Garcia on daughter Jennica's boyfriend Alwyn Uytingco: "Boto ako! Yung botong-boto... parang papakasal na 'yan, e! "
- Jean Garcia on "slapping" incident with Cherie Gil: "Actually, we're okay. Basta huwag lang maulit."
- Jean Garcia on doing an indie film: "Very rewarding!"
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More News
- Comedian Betong Sumaya named Celebrity Sole Survivor
- Lea Salonga reveals her stand on OPM artists' call for "Filipino first" in the concert scene
- Hayden Kho, Jr. insists there is "NO infidelity issue" between him and Dra. Vicki Belo; apologizes to Nancy Castiglione
- AGB Nielsen Mega Manila People Ratings (Feb. 7-9): Survivor Philippines final week rule primetime; Eat Bulaga! still the undisputed No. 1 noontime show
- Carl Guevara on playing a ghost in My Beloved: "Parang first day-last day na agad?"
- Beauty queen Danielle Castaño on joining showbiz: "Sobrang I just want to experience how it is like in the industry... not only experience it, like feel that I'm working."
-
PEP Finder
Sharmaine Suarez says showbiz will always be her home
After seven years, Sharmaine is back to acting.
-
Music
The MYX Music Awards will take place on March 13 at the Music Museum with a '70s-OPM-themed event.
-
Weddings
FIRST READ ON PEP: Ms. Jolina Magdangal is now Mrs. Mark Escueta!
The bride and groom shed tears while reciting their vows.
-
Indie
PEP REVIEW: Pintakasi : How art saves
Pintakasi will have February 8 and February 29 screenings in select SM cinemas.
Most Popular
- Marian Rivera explains visit to taping of a TV5 show; comments on Iza Calzado's transfer to ABS-CBN
- Grace Lee on President Noynoy Aquino: "I like him."
- Kris Aquino: "Annulment is not a cause for joy. The truth is, it was a marriage that failed but it's a cause for optimism."
- Part 2 Dolly Anne Carvajal on Carmina Villarroel-Claudine Barretto issue: "I stand by my story."
- Talent manager Shirley Kuan on columnist Dolly Anne Carvajal: "She can stick to her story. She has a story to tell, fine. But it's a lie."
- PEP SPECIAL REPORT PART I: Why the marriage of Kris Aquino and James Yap was declared null and void
- Mark Bautista remains friends with Piolo Pascual after being involved in the actor's breakup with KC Concepcion
- Director Mac Alejandre talks about his four-year contract with TV5 and reveals the real reason he left GMA-7
- Part 2 Ynna Asistio to Annabelle Rama: "Bakit napakahirap na pakawalan kami kung talagang ayaw mo sa amin at ipinilit lang kami ng nanay ko sa iyo?"
- Jessa Zaragoza confirms "tent incident" with Sarah Lahbati's aunt
Advertisement

