Joyce Jimenez (left) and Gwen Garci (right) are the celebrity contestants, along with Precious Lara Quigaman, in the Halloween episode of TV5's Philippines' Scariest Challenge. At dawn today, September 29, Joyce figured in a vehicular accident on her way home in Urdaneta, Pangasinan. After a few hours, Gwen's car accidentally hit a boy.

Photo: File photos
Binulabog ang PEP (Philippine Entertainment Portal) kaninang alas-kuwatro ng umaga, September 29, sa tawag ng isang mataas na executive sa TV5 dahil sa pagkakabangga ng sasakyan ni Joyce Jimenez sa Urdaneta, Pangasinan, pagkatapos mag-taping para sa Friday night show ng TV5 na Philippines' Scariest Challenge.

 

Ghost-hunting sa Teacher's Camp sa Baguio ang episode kung saan naglaban-laban sina Joyce, Gwen Garcia, at Precious Lara Quigaman. Sa taping pa lang, may nararamdaman na raw talaga ang tatlong challengers. Ngunit ayon sa report ng production crew na naroon, nilalabanan daw nina Joyce at Gwen ang mga takot nila, samantalang dasal naman nang dasal si Precious.

 

Alas-kuwatro nga ng umaga, papauwi na ang lahat, naaksidente at nawasak ang kotse ni Joyce sa Urdaneta. Apat ang nakasakay: si Joyce, ang driver, ang kanyang personal assistant, at ang kanyang road manager. May iniwasan daw na bus ang driver at nalaglag ang sasakyan sa palayan, nagpaikot-ikot ng kung ilang beses bago bumangga sa puno. (Click here to read related article.)

 

Ang driver ng kotse ang unang nakalabas dahil nawalan ng malay si Joyce, at bukod sa hindi naigalaw ang paa ay nagkasugat sa mukha. Dinala ang apat sa Urdaneta Sacred Heart Hospital, kung saan binigyan muna sila ng karampatang lunas bago sila dinala sa Medical City sa Pasig City.

 

Napauwi nang wala sa oras ang manager ni Joyce na si Shirley Kuan, na sinamahan si KC Concepcion para sa European premiere ng For The First Time ng Star Cinema, dahil "all the world is calling and texting me if I know it already."

 

ANOTHER MISHAP. Kaninang alas-siete ng gabi, habang nagpapa-dinner ang PEP management sa contributors nila sa Cibo restaurant sa Gateway Mall, nakatanggap kami ng dalawang tawag.

 

Una, nasa recovery room na raw si Joyce at naayos nang lahat ang dapat gamutin sa kanya. Ang ikalawang tawag, mula na naman sa original source ng pagkabangga ni Joyce.

 

"Si Gwen, pag-uwi sa Maynila, nakabangga ng bata ang sasakyan niya," sabi ng aming source.

 

Kinilabutan kami sa natanggap naming tawag kaya't sinabi naming i-text na lang ang detalye kesa marinig namin.

 

Sketchy pa ang report dahil ang dapat na matawagan, katulad ng executive producer at iba pang personnel sa show, at sa TV5 ay busy pang lahat kay Joyce.

 

Hindi pa alam kung si Gwen ang nagda-drive ng sasakyan ngunit may kasama raw itong driver.

 

Dagdag pa ng aming source, "Ang lahat ng napanalunan ni Gwen [sa show], nauwi sa pagpapa-ospital nung batang nabangga."

 

Wala pang bumabalik sa mga tinawagan namin para makadagdag ng impormasyon.

 

Isang Halloween special ang episode na ito ng Philippines' Scariest Challenge, ipalalabas sa huling Biyernes ng October.