Vina Morales knows risks of admitting her pregnancy


 
"Nasa edad na si Vina para magdesisyon for herself. But I'm telling you, hindi siya kailanman naging homewrecker o nanira ng pagsasama ng mag-asawa o papayag na tawaging kerida dahil lang sa hindi pa naga-grant ang annulment nung lalaki," says a close friend of Vina Morales (in photo) after the singer-actress admitted that she is two-months pregnant.

Vina Morales knows risks of admitting her pregnancy

Ambet Nabus

Rating


Inamin na ng singer-actress na si Vina Morales ang lumabas na balitang dalawang buwan na siyang buntis, sa taped interview sa kanya ng The Buzz last Sunday, September 28

 

Ang negosyanteng si Cedric Lee, na on-and off niyang karelasyon, ang sinasabing ama ng dinadala ngayon ni Vina. Hindi man gaanong nagbigay ng detalye ang singer-actress tungkol sa estado nila ng sinasabing negosyante, matapang at buo naman ang loob nitong hinarap ang pagdadalantao.

 

Ayon sa isang taong nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na malapit na kaibigan ng aktres, "Nasa edad na si Vina para magdesisyon for herself. But I'm telling you, hindi siya kailanman naging homewrecker o nanira ng pagsasama ng mag-asawa o papayag na tawaging kerida dahil lang sa hindi pa naga-grant ang annulment nung lalaki."

 

Marami rin ang nagtataka kung bakit sa kasalukuyang estado ng karelasyon ni Vina ay tinukoy ito bilang ama ng kanyang ipinagbubuntis. May mga nagsasabi pang baka lalo lang malagay sa alanganin ang kundisyon ng career at buhay ni Vina lalo pa't "legally married" pa raw na matatawag ang sinasabing ama ng kanyang dinadala.

 

"That's one of the risks Vina has already thought of," sabi ng malapit na kaibigan ni Vina. "Hindi naman niya papayagan ang sariling masira lang ng dahil sa ganyang sitwasyon. Bigyan naman sana natin ng konting pang-unawa ang mga nagmamahalan. Yun man lang. As we said, mature people na sila and they are of age to decide."

 

Kapipirma lang ng kontrata ni Vina bilang Star Magic talent. Kahit nanghihinayang ang mga big bosses ng naturang kumpanya sa kalagayan ngayon ni Vina, sinabi ng singer-actress na naunawaan naman siya ng mga ito.

 

"Kaya nga sinabi ko agad sa kanila ang sitwasyon ko at nag-sorry rin ako dahil kabagu-bago ko pa lang sa Star Magic, nagbuntis pa ako. Pero sabi ko nga, sobrang grateful pa rin ako dahil naintindihan nila ako," pahayag ni Vina sa The Buzz.

 

May mga nagsasabi ring dala ng depression at kalungkutan kung bakit parang hindi na raw gaanong nag-isip ng kahihinatnan niya si Vina. Sinasabing naapektuhan silang magkakapatid sa naganap na hiwalayan ng kanilang mga magulang at iba pang kaugnay na isyu sa pamilya.

 

Subalit nginitian lang ito ni Vina nang tinanong siya tungkol dito. Sinabi niyang nakakalungkot man ang sinapit ng pagsasama ng mga magulang nila, wala raw silang choice but to accept it dahil may mga indibiduwal na buhay pa rin naman silang tinitingnan at hinaharap.

 


Join us on Facebook


Pages: 1  

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
0 Comments
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement