"The Mommy" speaks. Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kaninang hapon, September 30, si Mrs. Rose Flaminiano na kilala sa showbiz bilang Mommy Rose o "The Mommy."
Si Nadia Montenegro ang unang topic ng aming pag-uusap. Ayon kay Mommy Rose, biglang na-shift kay Nadia ang isyu nila ni Gabby Concepcion. Matatandaang sinagot ni Nadia ang mga akusasyon sa kanya ni Mommy Rose at pati na ni Cristy Fermin sa kanyang live interviews sa Startalk noong Sabado (Sept. 27) at sa The Buzz noong Linggo (Sept. 28). (Click here to read related article.)
"Hindi maganda ang pakiramdam ko. Biglang na-shift kay Nadia ang isyu. May mga ebidensiya ako na sinisiraan niya ako," sabi ni Mommy Rose.
Sa puntong ito, ipinakita ni Mommy Rose ang mga text message na diumano'y galing kay Nadia at ipinarating sa kanya ng "concerned friends" niya.
"Magkaroon sana siya ng originality!" buwelta niya. "Used oil daw ako? Maging original sana siya. Huwag niyang gayahin ang sinabi ko na wala akong mapapala sa kanya kundi mantika at corn oil ang ginagamit ko [sa pagluluto].
"Padadalhan ko siya ng 8-footer na kawayan, mansanas, at sampung sako ng uling! Pinag-aaralan ko pa kung idedemanda ko siya. Hindi siya lulusot sa demanda ko! Isa siyang ex-mayora kuning-kuning! Hindi ko siya ka-level! Hindi ako porky-porky!"
Paano kung magkita sila ni Nadia nang hindi sinasadya?
"Kawawa siya sa akin. Tingnan na lang niya!" nagbabantang sagot ng controversial film producer at business manager.
Patuloy niya, "Huwag niyang sabihin na sinisiraan siya ni Cristy Fermin dahil walang pakinabang sa kanya. Hindi totoo 'yon. Hindi materyosa si Cristy. Wala siyang napapakinabang sa pagtatanggol sa akin."
Pangalan ng bulaklak ang pangalan ni Mommy Rose at nang sabihin namin na maraming tinik ang mga rosas, mabilis ang kanyang sagot, "Oo, marami akong tinik!"
"LALABAN AKO!" Nagbigay rin ng pahayag si Mommy Rose tungkol sa alaga niyang si Gabby Concepcion.
"Walang katotohanan ang sinasabi ni Gabby na nakiusap siya sa akin na huwag kong tawagan nang tawagan sa telepono ang tatay niya. Hindi ko nga siya matawagan, ang tatay pa niya? Napakalaking kasinungalingan ang sinabi ni Gabby. Baka sinabi lang niya 'yon para makisimpatiya sa kanya ang mga tao.
"What I feel now? Laban na! Lalaban ako! Naaapi ako at ang pinakamasakit na part, hindi niya na-appreciate ang magandang kontrata [sa ABS-CBN] na naibigay ko sa kanya. From a fallen star, naging shining star siya.
"Hindi ko pinanghihinayangan ang mga ginastos ko sa kanya noon para mapauwi siya sa Pilipinas. Hindi kinukuwenta ang pagod at emosyon. Na-turn off lang talaga ako sa mga ginawa niya. All of a sudden, tinalikuran niya ako.
"In fairness kay Gabby, hinahangaan ko ang kanyang pagiging workaholic. Ang dedication niya sa work. Wala siyang reklamo sa trabaho. Marunong siyang tumupad sa mga commitment. Masunurin siya. Kung hindi nangyari ang gulong ito, sa katutalan, mabait si Gabby.




CALLED OUT
ALL COMMENTS