Joyce Jimenez released from hospital after car mishap

Erwin Santiago
"Carpe diem!"
Wednesday, October 01, 2008 @ 10:20PM  |  16575 views

 

Sexy actress Joyce Jimenez has been discharged from Medical City after sustaining minor injuries from Monday's car accident.

Photo By: Noel Orsal














Nakalabas na ng hospital si Joyce Jimenez pagkatapos ma-confine dahil sa tinamong mga sugat mula sa pagkabangga ng kotseng sinasakyan niya noong Lunes ng madaling-araw, September 29.

Pauwi na si Joyce at iba pa niyang mga kasamahan mula sa taping ng Philippines' Scariest Challenge, ang reality show ng TV5, sa Teacher's Camp, Baguio City, nang iniwasan ng kanilang sasakyan ang isang rumaragasang bus sa Urdaneta, Pangasinan.

Nagpaikut-ikot ang kotse nina Joyce at tumama sa isang puno bago ito tumilapon sa isang bukirin. Bagama't wasak ang kanilang sasakyan, himalang sugat at pasa lang sa katawan ang natamong pinsala ng sexy actress.

Kanina, October 1, ay humarap sa press si Joyce bago lumabas ng Medical City.

"It's more like a dream na parang, ‘Totoo ba ito? Am I dreaming?' Kasi yung hitsura ko, yung hitsura ng sasakyan, hitsura naming lahat, parang sa movies lang ito [nangyayari]," pahayag ni Joyce sa panayam sa kanya ni Nelson Canlas sa 24 Oras.

Dahil sa aksidenteng nangyari kay Joyce ay napauwi tuloy ang mister niya na si Paul Ely Egbalic mula sa San Diego, California. Masaya si Paul na ligtas na sa kapahamakan ang lahat, lalung-lalo na ang kanyang bagong misis.

Nagpasalamat din si Joyce sa pamilyang tumulong sa kanila para madala sila sa hospital at malapatan ng karampatang lunas. Pero hindi itinago ng sexy actress ang kanyang sama ng loob sa driver ng bus na muntik na nilang makabangga at naging dahilan ng kanilang aksidente.

"Mahiya ka naman, makonsensiya ka naman. Sobra ka naman... Wala akong words para i-describe sa ginawa mo, na iniwan mo lang kami nang basta ganun, parang, grabe!" himutok ni Joyce.

1  

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name