PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ara Mina irritated by rumor that she was with Manny Pacquiao in Las Vegas

Ara insisted that she never left the country.
by Melba R. Llanera
Published Oct 2, 2008
"Kasi every time na naiisyu ako sa kanya, wala siya dito! Yun ang nakakainis! Kada nai-involve ako sa kanya, wala siya ng bansa. Hindi ba siya puwedeng ma-involve sa iba? Try mo naman Manny na iba naman!" laments Ara Mina about being involved again with Manny Pacquiao.

Nagulat ang marami nang biglang umuwi sa Pilipinas si Manny Pacquiao last September 22 mula sa puspusan niyang training sa Las Vegas para sa nalalapit na laban nila ni Oscar dela Hoya.

Ayon sa boxing champ, nami-miss na raw niya ang kanyang pamilya kaya siya umuwing bigla. Pero pagkatapos lamang ng dalawang araw na pamamalagi ng bansa ay muling bumiyahe pabalik ng Las Vegas si Manny.

Hindi man naging malaking isyu ay nag-iwan ito ng malaking palaisipan sa marami ang naging aksiyon ng Pambansang Kamao.

Kaugnay nito, may pumutok na balita na ang rason daw talaga sa biglaang pag-uwi ni Manny ay dahil binantaan daw siyang hihiwalayan ng asawang si Jinkee Pacquiao. Nahuli raw kasi ni Jinkee si Manny na kasama sa Las Vegas ang sexy actress na si Ara Mina.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ara sa taping ng Ligaw na Bulaklak kahapon, October 1, upang hingan ng pahayag tungkol dito. Hindi maiwasang makaramdam ng iritasyon at pagtataka si Ara sa pagkakasangkot sa nasabing isyu gayong hindi naman daw siya umalis ng bansa dahil sa taping ng soap opera niya sa ABS-CBN

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Unang-una, hindi ko alam kung matatawa o maiinis kasi parang sobrang lumang-luma na ang isyu. Ikaw nga, sabi nila, parang wala nang sustansiya yung isyu, so parang nakakatawa lang.

"Sobrang busy ako dito sa taping ng Ligaw na Bulaklak. And if you have a regular show, hindi ka basta-basta makakalabas ng bansa dahil may mga eksena kang kailangang kunan. Every other day, nagte-taping kami, so imposible yung mga sinasabi nila," rason niya.

Ang pinagtatakhan lang ni Ara, nauulit at nauulit ang isyu sa tuwing wala sa bansa si Pacman. Kung dati ay normal lang na ma-involve siya sa boksingero dahil may pelikula silang ginagawa, ngayon ay hindi maintindihan ni Ara kung bakit nabuhay na naman ang nasabing isyu.

Matatandaang unang na-link sina Ara at Manny habang ginagawa nila ang pelikulang Anak ng Kumander, na kalahok sa 2007 Metro Manila Film Festival (MMFF). Nabalita pa nga na galing diumano kay Manny ang ipinambayad sa bagong bahay ni Ara, ngunit pinabulaanan nila ito pareho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Naalala ko lang nung first shooting day ng Selda," sabi ni Ara, "yung movie namin nina Sid [Lucero] and Emilio [Garcia], pagbukas ko ng phone ko, puro messages na uuwi daw si Manny because of me daw. ‘Tapos ngayon, ganyan na naman ang isyu; umuwi siya at ako na naman ang itinuturong dahilan.

"Naiintindihan ko noon kasi may ginagawa kaming pelikula. But this time, hindi siya kasama dito sa Ligaw na Bulaklak. Hindi rin ako kasama sa laban niya, so hindi ko makita yung logic na i-involve ako sa kanya."

Patuloy niya, "Wala kaming communication at all. Nakita ko lang siya before dahil magkasama kami sa shooting, ngayon nakikita ko na lang siya sa TV.

"Sa text naman, nag-text sa akin before parang tao lang niya at last year pa yun. They wanted me na mag-parade sa MMFF. Nung una hindi ako dapat magpaparada, pero nakiusap sila. Pinapakiusap daw ni Manny na baka puwedeng magparada ako. As an artist and being a professional, kahit sobra nang nakakasama ng loob yung isyu before, ginawa ko pa rin dahil nahihiya ako sa ibang mga co-stars namin, and it's not because of Manny.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Nagawa ko na ang part ko, nahihiya ako kasi wala na nga yung bida mismo sa parade, yung leading lady wala rin. E, wala rin nun si Valerie [Concepcion, their co-star] dahil nagkaroon nga ng issue. Naisip ko na lang yung ibang mga kasama dun, pero kung si Manny lang ang iiisipin ko, may reason ako para hindi um-attend," lahad ni Ara.

Hindi ba talaga siya umalis ng bansa?

"Pumunta ako ng Naga September 22 [Monday]. After Peñafrancia, may show ako kasama sina Jon Avila, Bugoy [of Pinoy Dream Academy], Enchong Dee. Tuesday [Sept. 23] ng umaga, sabay-sabay na kaming umuwi ng mga kasama ko. Sa Terminal 3 kami kasi Cebu Pacific ang sinakyan namin.

"May sumalubong sa akin sa airport na nagkuwento sa akin na umuwi daw si Manny nung gabi ng September 22 while I'm in Naga, ‘tapos Terminal 3 din siya. So medyo feeling ko, baka dun nabigyan ng kulay. But for me, wala na ba akong karapatang pumunta ng airport? Wala na ba akong karapatang sumakay ng eroplano? Pag sumakay ba si Many ng eroplano, wala na akong karapatang sumakay din ng eroplano? Ang laki-laki ng mundo, di ba?" mahabang paliwanag ni Ara.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hiningan namin ng mensahe si Ara para kay Manny, kay Jinkee, at para sa mga taong patuloy na gumagawa ng isyu na nag-uugnay sa kanila ng boksingero.

"Naku, wala akong message sa kanya [Manny]. Kasi every time na naiisyu ako sa kanya, wala siya dito! Yun ang nakakainis! Kada nai-involve ako sa kanya, wala siya ng bansa. Hindi ba siya puwedeng ma-involve sa iba? Try mo naman Manny na iba naman!

"Kay Jinkee, hindi ko siya kilala personally. Hindi ko alam kung may sinasabi siya sa akin na hindi maganda. Basta ang gusto ko lang sabihin sa kanya, huwag ka agad maniwala sa mga nakakarating na balita sa ‘yo. Makampante ka dahil sa iyong-iyo si Mannny.

"Para naman dun sa mga gumagawa ng balita, kung sinuman ang gumagawa ng mga isyung ito, huwag ninyong ipasa sa akin ang mga ginagawa ninyo. I heard na nagdadalang-tao si Jinkee. sana naman isipin ninyo na buntis Yung tao at nananahimik na ang pamilya nila. ‘Tapos ako, I'm happy with my life," pagtatapos ni Ara.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang kabuuan ng panayam na ito ni Ara ay mapapanood bukas, October 3, sa Cinema News Weekend Alert, 9 p.m., sa Cinema One.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kasi every time na naiisyu ako sa kanya, wala siya dito! Yun ang nakakainis! Kada nai-involve ako sa kanya, wala siya ng bansa. Hindi ba siya puwedeng ma-involve sa iba? Try mo naman Manny na iba naman!" laments Ara Mina about being involved again with Manny Pacquiao.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results