"'Eto na, ‘eto na ang panaginip ko, nagkatotoo na! Siyempre, natuwa ako noong pangalan ko ang natawag. Siyempre, kumbaga sa
school, ito yung medal ng pagiging artista!" beams Jason Abalos after winning the Best Actor trophy in last night's Urian Awards for his performance in Endo.
Urian Best Actor Jason Abalos thanks Judy Ann Santos for the "inspiration"
Thursday, October 2, 2008
01:04 PM
Rating
Bago pa man magsimula ang 31st Gawad Urian kagabi, October 1, sa CCP Little Theater ay nakausap na ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang nanalong Best Actor na si Jason Abalos para sa pagganap niya sa Endo. Naka-tie ni Jason sa naturang kategorya si Sid Lucero para naman sa Selda.
Bago pa kasi magsimula ang awards night ay matunog na ang pangalan ni Jason bilang strongest contender for Best Actor. Ano ang masasabi niya rito?
"Ano lang, thankful lang ako na nakasama ako sa mga nominees. Urian ‘to, e, di ba? Isa sa pinaka-credible na award-giving body. Parang ako, masaya na, na-appreciate nila at nare-recognize ako ng mga critics," saad niya.
Kinakabahan ba siya?
"Hindi, parang noong nalaman ko, kinabahan ako. Pero gabi-gabi kasi, pini-picture ko sa isip ko na ano kaya kung manalo ako? Pero sabi ko nga, mapasama ka lang sa mga nominees, masaya na ako. Hindi naman lahat ng umaarte, nakakasama rito. So ako, parang masama lang, okey na. Yun pa lang, malaking bagay na sa akin sa pagiging actor ko," pahayag ng young actor na nadiskubre sa Star Circle Quest ng ABS-CBN.
Pero nakatakda nga siyang mag-uwi ng tropeyo nung gabing yun dahil isa siya sa itinanghal Best Actor ng Gawad Urian. Muling tinanong ng PEP si Jason pagkatapos ng pictorial ng mga nanalo kung ano ang pakiramdam niya na hawak na niya ang trophy ngayon.
"'Eto na, ‘eto na ang panaginip ko, nagkatotoo na!" bulalas niya. "Siyempre, natuwa ako noong pangalan ko ang natawag. Siyempre, kumbaga sa school, ito yung medal ng pagiging artista."
During his acceptance speech, isa sa kapansin-pansing pinasalamatan niya at sinabi niyang naging inspirasyon niya ay si Judy Ann Santos.
"Kasi, kinausap niya ako na hindi bilang Judy Ann. Noong nag-i-Ysabella kami at nang magpunta kami ng Amerika ng sampung araw, nagkaroon kami ng pagkakataon na magkausap. Silang dalawa ni Ryan Agoncillo [Judy Ann's fiancé], hindi sila nakipag-usap sa akin na sila si Ryan at Judy Ann.
"Sila pala yung mga totoong tao. Sobrang hindi ko kasi makalimutan yung sinabi niya sa akin na huwag lang daw akong magbabago, may mapupuntahan ako. I mean, para sabihin ng isang Judy Ann Santos, di ba?" nakangiting lahad ni Jason.
Bukod sa Ysabella ay nagkasama rin sina Judy Ann at Jason sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya.
PIETA & EVA FONDA. Bagamat matagal nang naumpisahang gawin ni Jason ang Eva Fonda, kung saan siya ang leading man ni Cristine Reyes, mukhang mas una pa siyang mapapanood sa Sine Serye na Pieta. Ginagampanan niya rito ang papel ng kababata at matalik na kaibigan ni Ryan Agoncillo na eventually ay naging pulis at siyang tutugis kay Ryan.
Ang Pieta ay hango sa comics novel ni Carlo J. Caparas na isinapelikula noong 1983 starring Ace Vergel and Ms. Charito Solis, na pareho nang namayapa. Si Cherie Gil ang gaganap sa role dati ni Ms. Charito.
"Hindi ko pa nga napapapanood yung original, yung movie. Parang gusto ko ngang panoorin, para kasing maganda," sabi ni Jason.
Ano na nga ba ang nangyari sa Eva Fonda?
"Mas nauna kasing ipalabas yung Kahit Isang Saglit, nandoon si Cristine. So, inuna na nila yun para siguro mas maganda ang track na napanood muna ro'n si Cristine. After that, siya naman ang lead sa Eva Fonda. Baka siguro next year na maipalabas ang Eva Fonda."
Halos isang taon na rin yata ang lumipas kung next year pa ito ipalalabas?
"Yeah, nag-start kasi kami, April pa. Baka nga kapag lumabas yun, may anak na kami!" biro ni Jason.
Okey lang naman daw siya dahil bago naman kasi ipalabas ang Eva Fonda, hindi naman masasabing nabakante siya dahil may Pieta nga siyang ginagawa. Pero totoo nga bang disappointed siya dahil matagal bago maipalabas ang Eva Fonda?
"Siguro oo, parang... Hindi naman sa na-disappoint, parang gusto mo rin silang intindihin dahil meron silang plano. Hindi mo lang alam kung ano ang plano nila na, at the end, alam mo rin naman na makakabuti pa rin para sa ‘yo, so intindihin mo na lang."
- Jason Abalos admits to being "medyo loko-loko" in past relationships
- Jason Abalos on being 'blessed' by ABS-CBN: "Kaya nga wala na akong dapat pang i-demand sa network kasi talaga namang hindi ako nababakante."
- Jason Abalos confirms relationship with Jewel Mische
- Jason Abalos says he's good friends with Jewel Mische; refuses to comment on ex-girlfriend Bela Padilla dating Dominic Roco
- Jason Abalos squashes rumors he's going back to ex-girlfriend Bela Padilla; says he would like to marry someone like Jewel Mische
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More News
- Former child actress Miles Ocampo finally introduced as teen star
- Celebrity Sole Survivor Albert "Betong" Sumaya reveals that he will use the P3M prize to pay debts
- Comedian Betong Sumaya named Celebrity Sole Survivor
- Lea Salonga reveals her stand on OPM artists' call for "Filipino first" in the concert scene
- Hayden Kho, Jr. insists there is "NO infidelity issue" between him and Dra. Vicki Belo; apologizes to Nancy Castiglione
- AGB Nielsen Mega Manila People Ratings (Feb. 7-9): Survivor Philippines final week rule primetime; Eat Bulaga! still the undisputed No. 1 noontime show
-
In a glimpse
E-Boy is described as a "modern-day Pinocchio"
E-Boy pilot week will air anew on ABS-CBN this Sunday
-
Profiles
ChicoSci vocalist Miggy Chavez plans to venture into tattooing and acting
After playing a small role in Segunda Mano , Miggy says "Why not?" to doing more mainstream projects.
-
TV Rating AGB
Kapuso programs sweep both daytime and primetime race.
-
Movies
Jim Paredes excited for APO music-inspired film, I Do Bi Doo, Bi Doo
Sam Concepcion and Tippy Dos Santos are part of this musical film.
Most Popular
- Marian Rivera explains visit to taping of a TV5 show; comments on Iza Calzado's transfer to ABS-CBN
- Grace Lee on President Noynoy Aquino: "I like him."
- Part 2 Dolly Anne Carvajal on Carmina Villarroel-Claudine Barretto issue: "I stand by my story."
- Kris Aquino: "Annulment is not a cause for joy. The truth is, it was a marriage that failed but it's a cause for optimism."
- Talent manager Shirley Kuan on columnist Dolly Anne Carvajal: "She can stick to her story. She has a story to tell, fine. But it's a lie."
- PEP SPECIAL REPORT PART I: Why the marriage of Kris Aquino and James Yap was declared null and void
- Mark Bautista remains friends with Piolo Pascual after being involved in the actor's breakup with KC Concepcion
- Director Mac Alejandre talks about his four-year contract with TV5 and reveals the real reason he left GMA-7
- Part 2 Ynna Asistio to Annabelle Rama: "Bakit napakahirap na pakawalan kami kung talagang ayaw mo sa amin at ipinilit lang kami ng nanay ko sa iyo?"
- Jessa Zaragoza confirms "tent incident" with Sarah Lahbati's aunt
Advertisement

