Originally, kasama talaga ang Star Magic talent na si Bangs Garcia sa cast ng bagong ABS-CBN gag show na Banana Split. Sa katunayan ay isa siya sa mga unang nagpo-promote ng gag show na ito. Pero during the presscon ng naturang all-female comedy show ng ABS-CBN, hindi nga nabigyan ng linaw kung bakit nawala sa cast si Bangs. Tanging ang pagkawala lang nina Kristine Hermosa at Riza Santos ang naitanong at nabigyan ng sagot sa presscon.
Kaya naman nang makita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Bangs during the launching of Star Magic Catalogue 2009 ay hindi na kami nag-atubili pa na kapanayamin si Bangs.
Ano nga ba ang totoong nangyari at nawala sa cast ng Banana Split si Bangs?
"Actually, sa first two episodes kasama ako at maipapalabas pa raw ‘yon. Kasi Tuesday and Thursday ang taping ko for Humingi Ako Sa Langit. ‘Tapos yung Banana Split, every Thursday. So, conflict sa schedule. Sabi ng management, kailangan daw may isa akong i-sacrifice. Siyempre mas maraming exposure sa teleserye, every day, di ba? So yun na lang ang pinili ko," paliwanag ni Bangs sa PEP.
Hindi ba siya nanghinayang na hindi na siya kasama sa Banana Split?
"Nanghinayang siyempre kasi parang unwinding ko na yun, e. May isang drama ‘tapos may isang nakakatawa. 'Tapos first time ko pang makatrabaho na puro kami girls. Siyempre, grabe ang impact noon na puro girls, at puro sexy pa, di ba?
Excited nga raw sana si Bangs sa Banana Split dahil na-miss niya rin daw ang comedy. Una kasi siyang napanood ng mga tao sa comedy teen show na Let's Go sa ABS-CBN. Pero nabuhayan din siya ng loob nang sabihin sa kanya ng management na hindi naman daw nila isinasara ang chance na makabalik pa siya sa Banana Split.
"Sabi naman nila kapag natapos na yung teleserye, puwede pa rin naman daw akong bumalik after o kaya ay mag-guest muna. Tatapusin ko muna yung teleserye," nakangiti niyang sabi.
"HUMINGI AKO SA LANGIT." Ano ba ang role niya sa Humingi Ako Sa Langit na pinagbibidahan ni Judy Ann Santos along with Derek Ramsay?
"Half-sisters kami ni Judy Ann, at the same time love interest din ako ni Derek."
So, may pagkakontrabida ba ang role niya rito?
"Hindi talaga ako ang kontrabida. I think si Maxine Eigenmann. Medyo magulo, e, may mga twists kasi. Parang apat kami, love square ba ang tawag doon? Challenging yung role kasi nga half-sister ako ni Juday ‘tapos pareho pa kami ng love interest. Yung teleserye para siyang Grey's Anatomy."
Nagkaeksena na ba sila ni Juday? How is it working with her?
"Siya ang lagi kong kaeksena. Sobra siyang mabait, sobrang galing! Alam mo yung tipong kahit na hindi na kasama sa script, kaya niya pa ring i-connect, na nagpapatawa siya at the same time. Down to earth, sobra! Hindi mo mapi-feel na parang ‘Juday ako!' walang ganun."
How about working with Derek?
"Si Derek hindi ko pa siya nakakaeksena. Pero nakasama ko na siya sa casting at saka story conference. Pero nakakatuwa siyang kasama, mapagbiro, kengkoy. Enjoy siya kasama. Actually, pati sa staff suwerte ako, pati sina Direk Andoy [Ranay] mapagbiro."
Usually, nali-link siya sa leading man or sa kasama niya sa show. Hindi kaya siya ma-link ngayon kay Derek, ‘tulad ng pagkaka-link niya noon kay Jake Cuenca sa Palos?
"Sana hindi naman," sabi ni Bangs. "Siguro na-link ako noon kay Jake dahil I'm not dating anyone. Pero now, meron na, I'm dating someone, non-showbiz yung guy. Kaya sana hindi naman kami maisyu ni Derek. At saka hindi ba may Angelica [Panganiban] siya?"
Hindi kaya pagselosan naman siya ni Angelica?
"No, she has no reason para magselos. At saka noong nasa Banana Split pa ako, nagkakausap naman kami. Nagbabatian kami. Wala namang parang awkward moment. At saka huwag siyang mag-alala, I won't give her any reason para magselos."
Yung non-showbiz guy raw ay half a year na niyang kilala. Marketing director daw ng isang sikat na company, na ayaw pangalanan ni Bangs.
NEW TANDUAY GIRL. Ibinalita rin ni Bangs sa PEP na may lalabas siyang bagong endorsement. Siya na raw ang bagong Tanduay Girl kapalit ni Ehra Madrigal. Mapapanood daw siya sa TV commercial at makikita sa billboards.
"Sobrang masuwerte!" sabi ni Bangs tungkol sa kanyang pagiging Tanduay Girl. "Kasi tatlong beses nila akong inalok. Noong unang beses, natakot pa ako, kasi syempre ‘pag sinabing Tanduay Girl, sobrang seksi at saka sikat na brand pa. That time, I'm not confident pa, kung seksi ba talaga ako. And then, wala pa talaga akong naging super sexy pictorial, e. So, noong Tanduay ko, medyo ninenerbiyos pa ako kasi first sexy photo shoot ko talaga yun. And then after that may lalabas ako na cover ako ng magazine na first ever sexy pictorial ko. Abangan na lang ng mga tao."
Kuntento ba siya sa nangyayari sa career niya now?
"Kuntento naman, pero of course I'm still hoping for more projects. Sana nga sa susunod meron na rin akong hosting job. Plano ko ring maging singer, sana," asam ni Bangs.
Ayon pa kay Bangs, mas handa na raw siya ngayon sa pagharap sa mga intriga.
"Ngayon medyo immune na ako. Dati kasi na-shock talaga ako noon sa mga intriga during the time of Palos. Pero ngayon mas strong na ako," huling sabi ni Bangs sa PEP.