PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Billy Crawford is welcome to greet Kuya Germs happy birthday on "Walang Tulugan"

Kapamilya stars are also invited to Kuya Germs's birthday celebration.
by Dinno Erece
Published Oct 3, 2008
The staff of Walang Tulugan With The Master Showman did not extend an invitation to Billy Crawford (left) for the birthday presentation of German Moreno (right), but Kuya Germs has said that anyone is welcome to greet him on his special day.

Will Billy Crawford be on hand tonight to greet German Moreno in his birthday episode for Walang Tulugan With The Master Showman?

Big to-do pa rin sa GMA-7 ang kaarawan ng pinakamatatag at pinaka-loyal na poste ng Kapuso network na si Kuya Germs.

Noong Linggo, September 28, isa si Kuya Germs sa pinangaralan ng sariling segment sa SOP kasabay ng farewell appearance ng cast ng Ako Si Kim Samsoon at ng 48th anniversary ng Regal Films. Nagkaroon din ng special birthday concert na strictly invitational sa gabi ng mismong kaarawan ni Kuya Germs sa Teatrino. Ngunit bago ito, nag-live ang SiS para bigyan din siya ng sariling special episode.

Pinakamalaking paghahanda ang ginagawa para sa show niyang Walang Tulugan, kung saan hindi lang mga Kapuso ni Kuya Germs ang nakatakdang dumating at makisaya, kundi ang ilang malalaking Kapamilya na rin, para magbigay-pugay.

Taped as live ang episode bukas, October 4. Magsisimulang mag-roll ng alas-sais ng gabi at ipalalabas ng unang oras ng Linggo, October 5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Darating si Gary Valenciano na may flight din bukas ng gabi patungong U.S. Ang isa sa mga unang alaga ni Kuya Germs na si Vina Morales na nagbabalik Star Magic ay darating din, pati na ang magkapatid na Rayver at Rodjun Cruz.

Nangako ring magbibigay ng special number si Christian Bautista na Kapamilya, ngunit pag-aalaga ng STAGES.

Nagparating din daw ng pagbabakasakali sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo kung malilibre sila bukas.

Isa pa sa nagparinig na gustong pumunta ay si Billy Crawford. Hindi natuloy ang balik-U.S. ng international singer kung kaya't nasa Pilipinas pa siya.

Walang in-extend na invitation ang staff kay Billy ngunit nagpahayag naman on air si Kuya Germs na bukas ang pinto ng kanyang show sa mga gustong bumati. Sabi nga ng kausap namin, si Kuya Germs lang daw ang nakarinig na balak pumunta ni Billy.

Kung totoo ito, kahit siguro walang invitation, puwede naman siyang mag-effort kung gusto niyang ayusin ang problema nila ng kanyang original na "tatay" sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
German Moreno, Billy Crawford
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The staff of Walang Tulugan With The Master Showman did not extend an invitation to Billy Crawford (left) for the birthday presentation of German Moreno (right), but Kuya Germs has said that anyone is welcome to greet him on his special day.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results