Apart from playing the bitchy Scarlet on Iisa Pa Lamang, young actress Angelica Panganiban shifts to comedy in ABS-CBN's new gag show, Banana Split.
Angelica Panganiban shifts from villain to sexy comedienne in "Banana Split"
Sunday, October 5, 2008
05:29 AM
Rating
Sa kabila ng magandang tinatakbo ng career ngayon ng young actress na si Angelica Panganiban, kinumpirma niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) that she plans to take up Culinary Arts.
Hindi kaya ito ay preparation na rin ni Angelica kung saka-sakaling mauwi sa kasalan ang magda-dalawang taon na nilang relayson ng boyfriend na si Derek Ramsay?
"Mag-aaral na ako by November," sambit ni Angelica. "Though siyempre, magagamit ko ‘yan ‘pag nagkapamilya na ako. Pero ang mas naiisip ko, ang sarili ko ‘pag wala na ako sa limelight or mas maganda na may iba ka ring ginagawa. This is also for my future, gusto kong magtayo ng sarili kong business and mas maganda yung may alam ako sa business na gagawin ko."
Agad naming kinumusta kay Angelica ang lagay ng relasyon nila ni Derek. Ayon sa
young actress, masasabi niyang nakatulong nang malaki ang mga pinagdaanan nilang
problema at pagsubok dahil napatunayan kung gaano katibay talaga ang
kanilang relasyon.
"Sa bawat paglipas ng araw, paganda nang paganda yung takbo ng relationship namin. Siyempre kung may pinagdadaanan kayong matindi, ‘tapos dun kayo nasubukan at hindi kayo nagpatibag dun sa mga nangyari, I can say na isang katibayan na yun na matibay talaga kayo," saad ni Angelica.
FROM BITCHY TO FUNNY. "Bitch" ang description ng marami sa role na ginagampanan ni Angelica sa primetime soap opera ng ABS-CBN, Iisa Pa Lamang—si Scarlet. Kung ang ibang mga kontrabida ay nakararanas ng mga negatibong reaksiyon mula sa publiko—gaya ng pagsasalita sa kanila ng masasakit na salita at minsan nga ay umaabot pa sa pisikal na pananakit mula sa mga diehard fans ng bidang inaapi nila—iba naman ang nae-experience ni Angelica.
"Wala akong nae-experience na may nagagalit sa aking mga tao because of my role as Scarlet," sabi ng young actress. "Actually, sobra nga silang natutuwa sa character ko na ‘pag nakikita nila ako, tinatawag nilang ‘Scarlet, Scarlet!' Nakakatuwa kasi ngayon ko lang na-experience na yung ganung role na talagang kumapit at tumatak sa mga tao."
Kung kontrabida sa soap opera na Iisa Pa Lamang, isang bubbly, sexy, at kikay na Angelica naman ang mapapanood sa bagong gag show ng ABS-CBN, Banana Split.
"Happy ako kasi ngayon lang ako nagkaroon ng trabaho na sobrang gaan, na puwede pala yung nagtatrabaho ka pero para ka lang nagpapahinga. Sa Banana Split kasi, nagte-taping kayo, ginagawa ninyo yung responsibility ninyo, pero parang naglalaro ka rin at the same time, so sobrang enjoy kaming lahat," pagtatapos ni Angelica.
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More News
- President Noynoy Aquino III turns nostalgic at GMA Network's book launching
- Coco Martin denies being the "third party" in Kris Aquino's separation from James Yap
- (PART 3) Kris Aquino irritated by pregnancy rumor HOT
- (PART 2) Kris Aquino answers rumors linking her to different men HOT
- (PART 1) Kris Aquino says her sons did not ask for James when they were on U.S. vacation HOT
- Toni Gonzaga enjoys hosting The Buzz
-
Fact or Fiction
Dingdong Dantes: "Hindi venue ang public service para maisoli ang isang pabor."
He and Marian Rivera will be present at the presidential inauguration on Wednesday, June 30.
-
PEP Finder
Carmen Soriano still sways to the rhythm
...and she's happy to be performing again.
Most Popular
- Pilipinas, Win Na Win! to replace Wowowee starting July 31
- Full transcript of President Noynoy Aquino's first State of the Nation Address
- Kim Chiu and Gerald Anderson experiencing "rough times" says PEP source
- Pokwang on Mo Twister's alleged "ugly" comment: "Baka pag nakita niya ako sa personal, ma-in love siya sa akin!"
- Dina Bonnevie admits ex-husband Vic Sotto still has soft spot in her heart
- Comedian Redford White has passed away at 54
- Gov. Chavit Singson on son Ronald: "I hope na nagdusa na siya nang husto at hindi na mauulit ito."
- PEP EXCLUSIVE: Kris Aquino slams pregnancy rumors
- Piolo Pascual apologizes to KC Concepcion but says son Iñigo has no Twitter account
- Robin Padilla admits courting Mariel Rodriguez
Advertisement




