"I thought, ang sasabihin niya sa amin, ‘I'm so proud of you girls,'" sabi ni Karen. Hindi niya sinabi kung nangyari ito o hindi.
Tinanggal na officially si Karen sa listahan ng mga instructors ng Binibining Pilipinas candidates. Mula 2003, isa na si Karen sa mga past winners na tumutulong sa pag-mold ng mga bagong panalo ng Binibining Pilipinas. Isa rin siyang instructor sa John Robert Powers.
Hindi rin nilinaw ni Karen kung bakit siya tinanggal bilang instructor.
Isa pa sa narinig namin na hindi na rin nila napigilang mag-react, balitang ipapa-strip daw ni Ms. Marquez-Araneta ang kanilang mga titulo.
"She could not strip us of something we earned," sagot ni Lara.
At press time ay sinusubukan pa naming kunin ang panig ng Bb. Pilipinas Charities tungkol sa usaping ito.




