Nadia Montenegro: "Napakasinungaling talaga ng Cristy Fermin na ‘yan! "

Rose Garcia
Monday, October 06, 2008 @ 11:17AM  |  97 views

 

"Sinasabi niyang sawsawan ako... Baka itong sawsawan at bawang na ito ang makakapagtanggal ng isang lumot na kagaya niya sa showbiz!" says Nadia Montengero in response to Cristy Fermin's (inset) accusations.

Photo By: Noel Orsal (Nadia) & Cristy Fermin (Emerson Sy)














Naging maagap ang Showbiz Central at meron kaagad kasagutan si Nadia Montenegro sa mga naging pahayag laban sa kanya ng kolumnista at co-host ng The Buzz na si Cristy Fermin.

Kung matatandaan, last Saturday, September 27, ay live na nag-guest si Nadia sa Startalk at last Sunday, September 28, naman ay sa The Buzz. Sa pareho niyang panayam ay hindi itinago ni Nadia ang hindi magandang nararamdaman niya kay Cristy. Nasa Canada noon si Cristy para sa show ng Wowowee kaya hindi siya agad nakasagot sa mga pahayag ni Nadia laban sa kanya.

Kahapon, October 5, ay live nang sinagot ni Cristy ang lahat ng mga sinabi ni Nadia tungkol sa kanya . (Click here to read related article.)

Ilang minuto pa lang ang nakalilipas pagkatapos ng interview ni Boy Abunda kay Cristy sa The Buzz ay nakausap naman sa telepono ni Pia Guanio si Nadia sa Showbiz Central upang kunan ng pahayag tungkol sa mga "pasabog" ni Cristy.

Ayon kay Cristy, sikreto raw na nanganak si Nadia sa ilalim ng pangalang "Nadine Villegas" at ipinaampon niya ito sa isang kaibigan. Pagkatapos ng ilang buwan ay dinala ni Nadia ang bata sa kanilang tahanan at ipinakilala sa asawang si Boy Asistio at sa kanilang mga anak bilang ampon niya.

"Sa totoo lang, I am so amazed kung paano talaga, anong klaseng tao itong si Cristy?" natatawang sabi ni Nadia. "Kahit sino naman siguro sa ating lahat, sabihin n'yo sa akin, paanong mangyayari na magdadalang-tao ako na hindi alam ng buong pamilya ko? Ang galing ko naman! Does it make sense at all?

"I mean, lahat ng anak ko nasa bahay, kasama si Boy. Boy and I are celebrating our 20th year. Why is he still with me? Bakit kasama ko pa rin ang asawa ko? Bakit buo pa rin kami? I do not understand kung ano ang balak niyang [Cristy] gawin. Hindi ko alam at sinasabi niyang...

"Pia, I want to say something. You know what, Cristy Fermin called up my sister yesterday. Tinawagan niya si Tanya [Montenegro] at kinausap niya si Tanya kung pupuwedeng umupo si Tanya sa kabila [The Buzz] at sabihin lahat ng masama sa akin. Anong utak meron ang ganyan na papakiusapan mo ang kapatid ko na magsalita laban sa akin? Siguro kahit kriminal na ako, I don't think gagawin ng kapatid ko sa akin yun. Hindi ko talaga alam!"

Sabi naman ni Pia, maybe Cristy is painting a picture that she's in good terms with Tanya, rather than with Nadia.

"She's always been painting that picture!" sagot naman ni Nadia. "Alam mo kung bakit, kasi yung mga kapatid ko, wala naman talaga ‘yan sa showbiz, e. Ako, pinagkakainitan niya ng ganito. Ako, ang unang tanong ko lang from the very beginning, ano ang galit ni Cristy Fermin sa akin? Ano ang ginawa ko sa kanya?

"From the very beginning, napakagaling niya talagang magsalita. Napakadami... Ang sinasabi ko lang, Pia, wala akong kagalit. Ang nakagalit ko, iisa lang yata ang natatandaan kong nakagalit ko at involved si Cristy Fermin dun. Huwag niyang ipalabas na marami akong kagalit. Kahit kayo na mismo diyan sa Central, gumawa ng isang episode ng lahat ng kaibigan ko rito sa showbiz, siguro naman, kaya kong ipagmalaki yun!"

Tinanong ni Pia kung napanood daw ba ni Boy ang interview ni Cristy sa The Buzz.

"Yes! I got to talk to him before I talked to you guys. My kids are all okay. We're all okay. We cannot allow this people to affect us. It's just amazing how she can really make up stories. It's just so amazing!" tila hindi makapaniwalang sabi ni Nadia.

Ano ang plano niya ngayon?       

"My lawyers were all watching. From this day, Pia, may mission ako rito sa showbiz. Sinasabi niyang sawsawan ako... Baka itong sawsawan at bawang na ito ang makakapagtanggal ng isang lumot na kagaya niya sa showbiz!" mariing pahayag ni Nadia.

1  2  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name