PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Zsa Zsa Padilla mum on status of daughter Karylle's love life

Zsa Zsa will go on a U.S. concert tour before doing "Divas 4 Divas: A Dream Concert," then tours again with Dolphy and the rest of the Quizon
by Nora Calderon
Published Oct 7, 2008
"Sa relationship nilang dalawa ayaw kong makialam. They are old enough para magdesisyon sa kanilang sarili," says Zsa Zsa Padilla when asked if she knows anything about the status of Karylle's relationship with Dingdong Dantes.

Today, Tuesday, October 7, ang alis ni Zsa Zsa Padilla for a series of U.S. concerts. Kasama niya sa pag-alis ang love niyang si Dolphy and their youngest daughter Zia. Pero bago siya umalis, kahapon, Monday, October 6, humarap muna siya sa entertainment press, together with Kuh Ledesma, Pops Fernandez and Regine Velasquez, para sa first time na pagsasama-sama nilang apat sa Divas 4 Divas: A Dream Concert na gaganapin sa Araneta Coliseum on December 6. The presscon was held at Teatrino in Greenhills.

After the presscon, nagpaunlak naman ng maiksing interview with PEP (Philippine Entertainment Portal) si Zsa Zsa. Very limited kasi ang oras nilang apat dahil kailangan nilang mag-pictorial para sa publicity photos at sa gagamitin nilang poster for the concert. Kanya-kanya silang naglabas ng mga gowns na gagamitin nila sa pictorial.

Kahit halos walang boses ang tinaguriang Divine Diva, ay nakangiti pa rin siyang humarap sa PEP. In-explain niya naman kung bakit halos wala nga siyang boses.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Napagod siguro ako last Sunday, [October 5]. After kasi ng live show namin ng ASAP '08, nag-taping pa kami," kuwento ni Zsa Zsa. "'Tapos si Dolphy may colds, medyo humina siguro ang resistance ko, paggising ko this morning, masakit na ang throat ko. Mabuti nga ngayon, medyo lumalabas na ang boses ko, di tulad kanina sa presscon, halos ayaw kong magsalita."

May schedule na siya ng shows sa Los Angeles, San Diego at Reno, at may iba pang U.S. cities na magso-show sila. Ilang weeks silang may show doon?

"Two months kaming mawawala, kaya iyong mga kakantahin ko sa concert ay ii-email na lang sa akin para pag-aralan ko. Napili na namin ang mga songs at bahala na si Louie Ocampo, our musical director, sa paggawa ng mga arrangements. Babalik ako in time sa rehearsal namin ng concert."

QUIZON FAMILY WORLD TOUR. Balitang may world tour sila nina Dolphy, pero more on pahinga raw ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yes, sa January, 2009 kami magsisimula, pero sa Asia muna kami. Ang una naming show, sa Hong Kong. Parang Simpson's Family kami, si Eric [Quizon] ang nakaisip nito, kasama namin ni Dolphy ang mga anak niyang sina Eric, Ronnie, Epi, Vandolph, ang grandson niyang si Boy2. Isinama na rin ni Eric si Zia, kasi, mahusay siyang tumugtog ng guitar, ‘tapos si Jen, ang wife ni Vandolph, siya ang magiging choreographer namin, para sa mga dance numbers.

"Masaya nga, one whole family kami, baka madagdagan pa ito kapag nagsimula na kaming mag-tour ng Asia. Magkakaroon din kami ng shows sa Europe, pero baka after na ng concert tour namin ng Divas 4 Divas: A Dream Concert sa U.S. and Canada in March and May."

Paano ang daughter nilang si Zia, hindi ba maapektuhan ang studies nito?

"Hindi muna nag-enrol ngayon si Zia, nag-request siyang magpapahinga muna, katatapos lang niya ng high school. Our eldest naman, si Nicole, tuloy ang studies niya sa Australia."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

KARYLLE'S LOVE LIFE. Hindi ba nila kasama sa show si Karylle?

"Kahit gusto namin siyang isama, ang dami niyang commitments dito, mayroon pa siyang West Side Story, kaya hindi talaga puwede.

Isinunod na ng PEP ang pagtatanong kay Zsa Zsa kung ano ang comment niya sa kumakalat na balitang nagkakalabuan na ang daughter niyang si Karylle at ang boyfriend nitong si Dingdong Dantes, na three years nang mag-sweetheart.

"Siguro, mas dapat na sila ang kausapin ninyo," nakangiti pero halatang paiwas ang sagot ni Zsa Zsa. "Pero last Sunday evening, magkasama kami ni Karylle, nag-bonding kaming mag-ina dahil matagal-tagal din kaming hindi magkikita."

Kasama ba nila si Dingdong?

"Hindi, kami lang dalawa ni Kay," sagot ni Zsa Zsa. "Ang alam ko, may taping ng Dyesebel si Dingdong dahil paalis din ito sa Thursday for the States."

Si Karylle, wala bang sinasabi sa kanya?

"Mayroon, pero sa relationship nilang dalawa ayaw kong makialam. They are old enough para magdesisyon sa kanilang sarili," nakangiting pagtatapos ni Zsa Zsa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sa relationship nilang dalawa ayaw kong makialam. They are old enough para magdesisyon sa kanilang sarili," says Zsa Zsa Padilla when asked if she knows anything about the status of Karylle's relationship with Dingdong Dantes.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results