Richard Gutierrez on rumored romance with KC Concepcion: "What you see is what you get."


 
"Marami kaming pinuntahang lugar na talagang memorable. You know, within one week, tatlong bansa ang napuntahan namin. Imagine, Austria, Hungary, and France at within one week lang yun," says Richard Gutierrez about the places he visited with KC Concepcion and twin brother Raymond.

Richard Gutierrez on rumored romance with KC Concepcion: "What you see is what you get."

Rose Garcia

Rating


Sunud-sunod halos ang launching ng mga bagong endorsements ni Richard Gutierrez ngayon. Ang pinaka-latest nga ay ang Unique toothpaste, kung saan very proud si Richard dahil bukod sa Filipino-made ang naturang brand, nabigyan pa siya ng chance na mag-choreograph sa kanyang TV commercial.

 

"Tinanggap ko yung product dahil, unang-una, I'm very proud of the product at sa vision niyang makapag-compete sa ibang competitors. And it's proudly Pinoy, gawang atin talaga. At second, yung nabigyan nila ako ng chance at napagkatiwalaan nila akong mag-choreograph ng sarili kong stunts, which is first time kong ginawa sa commercial ko," saad ni Richard sa press launch niya bilang bagong endorser ng Unique kagabi, October 7, Mandarin Suites sa Gateway Mall, Quezon City.

 

Four to five times a day raw kung mag-toothbrush si Richard regularly, pero ibang usapan pa kung marami siyang kissing scenes sa movie and TV projects niya. Aminado siyang bilang isang actor, importante sa kanya na malinis at mabango ang kanyang hininga.

 

FROM PARIS WITH LOVE. Kadarating lang ni Richard mula sa Paris.  Dito raw sila dumiretso ni KC Concepcion at ng kapatid na si Raymond Gutierrez mula sa premiere night ng For The First Time sa Vienna, Austria. Nagpunta rin daw sila sa Budapest, Hungary.

 

Nag-extend sila ng bakasyon ng tatlong araw. Sinadya kaya nila yun ni KC para magkasama pa sila ng matagal?

 

"It was our decision to extend. But prior to that decision, there were complications during our flights at yun talaga ang reason kung bakit na-extend yung flight namin. So, naurong yung flight namin and we had to extend sa Paris. Pero siyempre, it turned out to be very well naman," paliwanag ni Richard.

 

Natatawa lang si Richard sabay sabi na, "You know, Paris is a city of love," nang tanungin kung marami pang nabuo sa pagitan nila ni KC sa Paris.

 

Noong nagsu-shooting daw sila sa Greece, nabalita na halos hindi raw matawagan silang dalawa or ino-off nilang talaga ang mga cell phone nila para hindi maistorbo. Noong nasa Paris ba sila, natatawagan na ba sila ng ina ni KC na si Sharon Cuneta?

 

"Minsan-minsan, natatawagan kami. Ah, mahina rin kasi ang signal sa Paris!" natatawang sagot niya na, obviously, nagpapalusot na lang.

 

Pero ayon kay Richard, ibang experience daw talaga ang naging trip nilang yun ni KC at ng kakambal.

 

"Marami kaming pinuntahang lugar na talagang memorable. You know, within one week, tatlong bansa ang napuntahan namin. Imagine, Austria, Hungary, and France at within one week lang yun."

 

May souvenir ba silang muli sa isa't isa ni KC sa bawat bansang pinuntahan nila?

 

"Well, siguro kung anuman yung binili or ibinigay namin sa isa't isa ngayon, siguro sa amin na lang yun. Para naman may maiwan kahit paano na something private for us," sabi ni Richard.

 

Totoo bang sila na ni KC?

 

"Well, wala akong aaminin at wala rin naman akong ide-deny. Siguro what you see is what you get na lang," makahulugang sagot ni Richard.

 


Join us on Facebook


Pages: 1  

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
0 Comments
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement