Dingdong Dantes on relationship with Marian Rivera: "It's getting better habang mas tumatagal."


 
"Ngayon pa lang, nakaka-miss na kasi noong ending, exciting na lahat ng nangyayari. So, naging very active ang character ng lahat ng tao. Like ngayon, may mga eksenang ganito, di ba? So, ito ang mga things na mami-miss ko, like yung pagte-taping namin sa Palawan kung saan una naming kinuhanan ang mga underwater scenes," says Dingdong Dantes about what he'll miss about Dyesebel.

Dingdong Dantes on relationship with Marian Rivera: "It's getting better habang mas tumatagal."

Rose Garcia

Rating


Last taping day ni Dingdong Dantes sa Dyesebel kahapon, October 7. Ang underwater scenes nila ni Marian Rivera ang kasalukuyang kinukuhanan nang magpunta ang PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press sa taping ng Dyesebel sa Danarra Hotel kagabi.

 

Ngayong gabi, October 8, ang alis naman ni Dingdong papuntang San Francisco. For a week ay magkaka-bonding sila ng kanyang mommy at para um-attend na rin ng wedding ng kanyang best friend. Si Dingdong ang best man sa kasal ng kanyang kaibigan.

 

DYESEBEL COMES TO AN END. "Pagka-miss at excitement" ang magkahalong nararamdaman ni Dingdong sa pagtatapos ng Dyesebel sa October 17.

 

"Ngayon pa lang, nakaka-miss na kasi noong ending, exciting na lahat ng nangyayari. So, naging very active ang character ng lahat ng tao. Like ngayon, may mga eksenang ganito, di ba? So, ito ang mga things na mami-miss ko, like yung pagte-taping namin sa Palawan kung saan una naming kinuhanan ang mga underwater scenes," saad ni Dingdong.

 

Wish niya ba na sana ay nakabalik sila sa Palawan?

 

"Oo, kaso wala nang oras, e."

 

Anong meron sa Palawan at isa yun sa mga gusto sana niyang balikan?

 

"Maraming magagandang memories. At saka doon talaga ang Dyesebel. Kapag sinabi mong Dyesebel show, Palawan talaga yung papasok sa isip mo," sabi niya.

 

May "nabuo" ba sa Palawan?

 

"Oo, e, six months of a good show or more pa yata... Hindi ko na alam," sagot ni Dingdong.

 

Obviously, may gustong tumbukin ang mga press people kay Dingdong na hindi madire-diretsong itanong sa kanya. Naglalaro lahat sa six months na sinabi niyang itinagal ng Dyesebel, may nagtanong, six months na pala sila na love team ni Marian?

 

"Ah hindi, hindi lang six months yung love team," nangingiting pahayag naman ng matinee idol.

 

Hindi naman daw nila nami-miss ni Marian ang isa't isa dahil may mga projects pa silang gagawin na magkasama. Nandiyan pa ang pelikula nilang One True Love under GMA Films and Regal Entertainment at ang next soap nila sa GMA-7, ang Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang

 

"Yeah, oo, siyempre yung movie pagbalik. Mag-e-every day shoot kami. ‘'Tapos yung soap nga namin na susunod."

           

GETTING BETTER. May nabago ba sa relationship nila ni Marian?

 

"It's getting better habang mas tumatagal. Mas maganda dahil, at least, hindi kami tumatandang paurong," sabi ni Dingdong.

 

Sa isang linggo niyang pag-alis ngayon, may mami-miss kaya siya rito sa Pilipinas?

 

"Oo, marami akong mami-miss," sambit niya. "Pero siyempre, mas gusto kong mas okey sa akin dahil first time kong makakasama ang mommy ko na kaming dalawa lang. So, marami akong mami-miss, pero I'm looking forward also sa trip na ito."

 

Sa pag-alis niya, may halong "soul searching" ba ang gagawin niya?

 

"No, it's more on ano talaga, sasamahan ko lang ang mommy ko."

 

Sa palagay niya ba may dapat siyang i-soul searching habang nasa ibang bansa?

 


Join us on Facebook


Pages: 1  2  Next »

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
0 Comments
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement