PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jay-R Siaboc says tabloid photos of girlfriend Irish Fullerton are fake

Jay-R says the photos were Photoshopped.
by Archie de Calma
Published Oct 8, 2008
"Wala akong duda. Hindi siya 'yon. Ipinakita lang sa akin yung tabloid, then normal lang na magugulat ako. Pero tiningnan kong mabuti ang photos, at alam kong hindi nga talaga siya yun," says singer-actor Jay-R Siaboc about alleged sexy photos (inset, top) of girlfriend Irish Fulleton (inset, bottom) that came out in a tabloid.

Hindi naniniwala si Jay-R Siaboc na ang girlfriend niyang si Irish Fullerton ang babaeng nakunan ng nasty paparazzi shots ng publikasyong Pinoy Parazzi na halos kita na ang dapat ay pinakakatagu-tago na lang ng dating Pinoy Dream Academy (PDA) scholar. Hindi nga kagandahan ang mga kuha, and taken in bad taste, ayon pa sa marami.

"Tinawanan ko na lang, kasi kilala ko si Irish, e, pati ang family niya," sabi ni Jay-R. "Parang malabong siya yun. Alam ko na kung anong klaseng pamilya mayroon siya, yung background niya.

"Kahit galing siya sa Amerika at marami siyang kamag-anakan doon, hindi pa rin ako basta maniniwalang siya yun. Nagulat nga lang ako. Naisip ko rin, sino ba ang gagawa nito sa kanya? Hindi talaga siya ang nasa pictures," tahasang pagtanggi ni Jay-R sa PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa isyung kinasasangkutan ni Irish.

Naniniwala si Jay-R na walang dahilan para i-deny pa ni Irish yun sa kanya, kung totoo mang siya ang nasa photos na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sa tinagal-tagal na rin namin, well, kahit paano, wala nang itatago pa si Irish, lalo kung tungkol sa mga ganyan. Kaya ang pakiusap ko na lang, sana tigilan na 'yan.

"Sa akin kasi, hindi naman nakakaapekto. Kasi, kampante ako. Medyo takot lang ako sa kung ano ang sasabihin ng mga tao tungkol kay Irish. Maski nga sa isip-isip ko, kung sino man ang babaeng nasa pictures talaga, sexy siya, huh!" at natawa na lang si Jay R nang makapanayam ng PEP sa studio ng TV5 habang naghihintay sa guesting spot ni Irish sa talk show na Juicy.

Even during her PDA stint, may mga kumalat nang chika tungkol sa Internet photos ni Irish.

"May pictures sa Internet si Irish, pero hindi naman ganoon. Naka-two-piece lang siya, which is just normal. Model kasi siya noong nasa San Francisco pa siya. Kaya normal lang na may photos siyang ganoon. Iba yung lumabas sa tabloid recently.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi naman si Irish ang tipo ng babaeng pakawala. Kung ako na nga ang boyfriend ni Irish, natural lang na masasaktan ako kung lumabas ang pictures na yun. Pero hindi dahil alam kong hindi naman talaga siya yun," pahayag ng singer-actor.

Noong una niyang makita ang photos, dapat daw sana ay tinanong niya agad si Irish. "Pero hindi," sabi ni Jay-R. "Wala akong duda. Hindi siya 'yon. Ipinakita lang sa akin yung tabloid, then normal lang na magugulat ako. Pero tiningnan kong mabuti ang photos, at alam kong hindi nga talaga siya yun.

"Photoshop. Halata. Ipinakita ko lang kay Irish yung kopya. Ipinakita ko lang para alam niya kung ano ang nangyayari. Pareho lang kaming natawa," lahad ni Jay-R.

Wala naman daw balak pang pagdedemanda sa parte ni Irish tungkol sa isyung yun. Pababayaan na lang yun at iisipin na lang ganoon talaga sa showbiz. Gagawan at gagawan ng intriga ang mga artista kahit nananahimik.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

A "BIGGER" JAY-R. Kapansin-pansin lang na parang lumobo ang katawan ni Jay-R at marami ang hindi nakakakilala agad sa kanya kapag nakikita.

"Nagkasunud-sunod kasi ang trabaho ko noon. Nang gawin ko ang Kapitan Boom, doon ako nag-umpisang mag-gain ng weight. Bumawi kasi ako. Nang mag-reduce kasi ako noong ginagawa namin ang Palos, halosmahimatay ako. E, napakarami kong ginagawa noon. Sa Kapitan Boom, medyo nakakabawi-bawi na ako sa tulog noong time na yun. So, I decided na bumawi pati sa pagkain nang makapagpahinga ako. Hayun, napasobrahan yata," paliwanag niya.

May nagsabi kay Jay-R na nawawalan siya ng assignments ngayon dahil sa sobrang katabaan niya. Nagkakasya na lang siyang napapanood sa ASAP ‘08 every Sunday.

"Palagay ko nga, may negative effect yun. Pero sabi nga nila, masaya kasi ako at mukhang kuntento. Alam kong hindi dapat ganoon kaya gagawin ko na rin ang dapat para maibalik sa top shape ang katawan ko, bago mahuli ang lahat," pagtatapos ni Jay-R.
Read Next
Read More Stories About
Jay-R Siaboc
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Wala akong duda. Hindi siya 'yon. Ipinakita lang sa akin yung tabloid, then normal lang na magugulat ako. Pero tiningnan kong mabuti ang photos, at alam kong hindi nga talaga siya yun," says singer-actor Jay-R Siaboc about alleged sexy photos (inset, top) of girlfriend Irish Fulleton (inset, bottom) that came out in a tabloid.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results