Joyce Jimenez traumatized by car accident on way back to Manila

Nora V. Calderon
Friday, October 10, 2008 @ 02:28PM  |  109 views

 

"I feel Somebody is protecting me, parang may nakayakap sa akin. I was sleeping in fetal position nang maramdaman kong nahulog kami. I believe Someone is still watching over us kaya buhay pa rin kami," relates Joyce Jimenez about the car accident caused by a speeding bus on the highway.

Photo By: Noel B. Orsal














Maliban sa dalawang maliit na medical plaster sa noo ni Joyce Jimenez, walang nabago sa magandang mukha ng tinaguriang "Pantasya ng Bayan" after her car accident.

Sa press conference ng TV5 reality show na Philippines' Scariest Challenge, kahapon, October 9, sa Kimono Ken, Tomas Morato Ave., Quezon City, humarap si Joyce sa entertainment press at PEP (Philippine Entertainment Portal). Kasamang humarap ni Joyce sa press si Jomari Yllana, ang host ng show which airs every Friday, 6:00 p.m.

Sina Joyce, Gwen Garci at Precious Lara Quigaman ang challengers sa episode na ginawa sa Teacher's Camp, Baguio City. Mapapanood ito sa Friday, October 31 Halloween presentation ng TV5.

On their way back to Manila, naaksidente si Joyce, kasama ang road manager niyang si Donboy Espiritu, her personal assistant Len and their driver, in Urdaneta, Pangasinan. Nag-land sila sa gitna ng isang ricefield.

Kung nakita ninyo sa newspaper o sa mga news program nang gabing iyon ang nangyari sa kanyang sasakyan, hindi mo iisiping nabuhay pa sila.

IT'S A MIRACLE. "I feel ‘somebody' is protecting me, parang may nakayakap sa akin," sabi ni Joyce. "I was sleeping in fetal position nang maramdaman kong nahulog kami. Hindi ko maisip na instead na nag-nose dive ang car namin, bumangga muna ito sa tree, then umikut-ikot kami and landed in a ricefield. I believe Someone is still watching over us, kaya buhay pa rin kami.

"Even my husband [Paul Ely Egbalic] and my parents, when they saw what happened to my car, can't believe that we are alive, kahit sinabihan na sila na except for some bruises, wala nang nangyari sa amin. Kaya si Paul, nagmadali siyang umuwi rito. Nang makita niya ako, sabi niya, ‘It's a miracle.'

"It's a miracle talaga na no bone was broken sa amin. And I'm deeply touched when Donboy and Len, kahit nasaktan din sila, ako ang una nilang hinanap. I thank God for my second life, it's not yet my time.

"That's why ang sama ng loob ko sa driver ng bus, na hindi nakonsensiya sa nangyari. I can't understand na he left na di inalam kung ano ang nangyari sa amin. What kung walang good samaritans na nagdala sa amin sa hospital? Kaya I'm begging doon sa mga nakakita kung ano ang name ng bus, especially, iyong mga sakay ng bus, na ipaalam sa amin para naman mabigyan ng justice ang nangyari sa amin.

"May mga tumawag na, pero iba-iba ang pangalan ng bus kaya ayaw ipasabi ng lawyer ko, baka raw hindi naman totoo ang sinabi nila. At maraming-maraming salamat sa lahat ng mga taong tumulong sa amin para madala kami sa hospital."

Ibinigay ni Donboy ang cellphone number niya na 09209502403, kung puwede raw i-text lamang sa kanya ang name ng bus at sila na ang bahala.

May mga nawala rin ba sa kanila dahil sa accident?

"May isang bag kaming nawala, pero hindi na mahalaga iyon," volunteered ni Donboy who was also in the presscon for Joyce, although hindi naman siya kasali sa Philippines' Scariest Challenge.

"Ang mahalaga po ay ligtas kaming lahat. Nawala rin iyong wallet ko, pero naibalik din sa akin, walang nabawas. Gusto pa nga kaming singilin ng may-ari ng palayan dahil aanihin na raw ang palay nila nang bumagsak doon ang car ni Joyce kaya nasira ito. Pero sabi namin, kapalit na lang iyong lahat ng pinamili namin sa Baguio, dahil talagang namalengke kami at napakarami naming iuuwi sana, pero naiwanan na naming lahat doon sa palayan."

When asked kung sasali pa si Joyce sa ganoong "horror reality show," hindi na raw.

1  2  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name