Irish Fullerton on nasty tabloid photos: "It's not me!"

Archie de Calma
Friday, October 10, 2008 @ 04:01PM  |  24664 views

 

"Hindi ko alam how they did it, pero, alam ko sa sarili ko, hindi ako yun. Kung photoshopped man yun, I don't remember any instance na nag-pose ako ng ganoon. Kasi, kung ako naman yun, bakit hindi ko aaminin? Kung nakunan ako ng ganoon, I won't really mind if it's really me. But, it's not me," says Irish Fullerton of the photos that came out in a tabloid. Right: one of the alleged pre-PDA Irish Fullerton photos.
Photo By: File photo (Irish) Internet (right photo)














Noong February 7, 2008 pa pala officially naging mag-on sina Jay R Siaboc at Irish Fullerton.

Hindi na nga maitatago pa ang kanilang relasyon. Kagabi nga lang, sabay silang dumating sa paanyaya ni Angel Locsin sa birthday ng mommy nito sa Music 21 Plaza, Timog, Quezon City.

Natiyempuhan namin si Irish na bumibili pa ng yosi para sa boyfriend na si Jay R na super-sing ang ginagawa that time sa loob ng videoke room kung saan nagkatipun-tipon ang mga kaibigan ni Angel para sa isang private party.

"Malabong magplano kaming magpakasal agad ni Jay R. Marami pa kaming dapat gawin. Although, ilang years lang naman ang tanda ko kay Jay R, hindi naman puwedeng sabihing matanda na ako para mag-asawa.

"I'm still young for that," sabi pa ni Irish.

JAY R'S GETTING FAT. Pero, sa nangyayari, may mga nagsasabi ngang nagmimistulang PA (personal assistant) na lang ni Irish ang boyfriend na nagustuhan ng marami sa Pinoy Dream Academy noon, dahil puwede rin itong pumasang matinee idol.

Kaso nga, nanaba na nang husto si Jay R, at yun na nga, may mga nagsasabing habang pa-sexy nang pa-sexy si Irish, si Jay R naman ay parang napapabayaan na lamang ang sarili, at naaapektuhan na nga raw ang career nito.

"Nag-try naman talagang magpapayat si Jay R, lalo na noon, pero na-collapse na siya sa sobrang pagda-diet. Kaya inisip na lang niya na kalimutan muna ang diet para hindi maapektuhan ang health niya.

"Kaso nga, hindi na napigilan ang pagtaba niya. Sa ngayon naman, tina-try pa rin niyang magpapayat. Pero, just the same, he still looks good. Yun nga lang, aware naman siya na kailangang magpapayat siya.

"Ayoko namang ma-guilty na dahil sa akin, sinasabing pinababayaan niya ang sarili niya. Pinapaalalahanan ko pa rin siya, kasi, may career siyang dapat protektahan, at puhunan namin dito ang aming looks," depensa ni Irish.

HOT PHOTOS. Ang hot na hot na pinag-uusapan sa ngayon ay ang nasty photos na allegedly taken when Irish had a pictorial before in the U.S., bago pa siya sumali sa Pinoy Dream Academy.

Nailathala ang mga ito sa tabloid na Pinoy Parazzi. "Hindi ako ang nasa pictures na yun," sabi pa ni Irish. "Hindi ko alam how they did it, pero, alam ko sa sarili ko, hindi ako yun. Kung photoshopped man yun, I don't remember any instance na nag-pose ako ng ganoon.

"Kasi, kung ako naman yun, bakit hindi ko aaminin? Kung nakunan ako ng ganoon, I won't really mind if it's really me. But, it's not me. Somebody told me that the files came from a photographer of the tabloid.

"Kung paano nakuha yun, at kung paano nila naisip na ako nga yun, hindi ko na masasagot," dugtong na paliwanag ni Irish.

JAY R'S REACTION. Ano ang reaction ni Jay R tungkol dito?

1  2  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name