Veteran showbiz writer and TV-radio host Ogie Diaz says
Sharon Cuneta has nothing to do with his ejection from Umagang Kay Ganda.
"‘Non-Renewal of Services.' Ayaw na nila ng serbisyo ko. Lumalabas kasi na
nagba-violate daw ako ng Code of Ethics nila," Ogie tells PEP.
Ogie Diaz denies Sharon Cuneta had him axed from "Umagang Kay Ganda"
Monday, October 13, 2008
02:30 PM
Itinanggi ni Ogie Diaz ang usap-usapang kaya siya nawala sa ABS-CBN morning show na Umagang Kay Ganda ay dahil sa report niya sa kalagayan ng marriage nina Sharon Cuneta at Senator Francis "Kiko" Pangilinan. May mga text messages kasing kumakalat na ang Megastar daw ang nagpaalis kay Ogie sa UKG.
Sa pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Ogie through cell phone, sinabi nitong walang kinalaman si Sharon sa pagkakaalis niya sa UKG. Nahihiya nga raw siya sa Megastar sa pagkakadawit pa nito sa pagkawala niya sa show.
"Non-Renewal of Services," ang ibinigay na sagot ni Ogie nang tanungin ng PEP kung bakit wala na siya sa show.
"Yun lang yun. ‘Non-Renewal of Services.' Ayaw na nila ng serbisyo ko. Lumalabas kasi na nagba-violate daw ako ng Code of Ethics nila," paglilinaw pa ni Ogie. Ang itinuturing na "nila" ni Ogie ay ang ABS-CBN News and Current Affairs department.
Sa column ni Ogie sa People's Tonight na "May Ganu'n?" ngayong October 13, isinulat ni Ogie na pagkatapos ng October 10 show ng UKG ay ipinatawag siya ng ABS-CBN News and Current Affairs head na si Maria Ressa upang ipaliwanag sa kanya ang tungkol sa Code of Ethics ng department at ang violation na nagawa niya, na ang kaparusahan ay immediate dismissal.
Pero in-assure naman daw si Ogie ni Ms. Ressa na "Non-Renewal of Services" ang inilagay sa letter or memo sa pagkakaalis niya at hindi "Dismissal."
Sinulat pa ni Ogie sa kolum niya na wala siyang hinanakit sa ABS-CBN News department head. Nanghihinayang lang daw si Ogie na hindi siya nakapagpaalam nang pormal sa mga manonood ng show. "Effective immediately" daw kasi ang inihain sa kanyang memo.
Paliwanag ni Ogie sa kolum, may kinalaman daw ang pagdalu-dalo niya sa mga presscon o press conferences sa pagkakalabag niya sa Code of Ethics ng ABS-CBN News and Current Affairs. Kahit na ang tabloid na sinusulatan ang nire-represent ni Ogie kapag dumadalo siya ng mga presscon, nakakaapekto pa rin daw sa kredibilidad ng UKG ang pagpunta niya, dahil isa nga raw siya sa mga host ng UKG.
Sa mga di nakakaalam, kalakaran na sa showbiz na kapag may presscon ay laging may pabaon na "freebies" o "token" ang nagpa-presscon, bukod pa sa pagpapakain sa mga uma-atttend ng presscon. Gawain ito ng mga in-charge o nagpatawag ng presscon bilang bahagi ng kanilang PR o public relations strategy.
Ani Ogie sa kanyang kolum, "Conflict of interest" daw sa kredibilidad ng UKG ang pagpunta niya sa presscons, maging ang paghanap niya ng iba pang pagkukuhanan ng kita, tulad ng pagma-manage ng talent, pagpi-PR at pagiging booking agent ng mga artista sa out-of-town shows.
Maaari raw sabihing "malupit" ang Code of Ethics ng News and Current Affairs, ngunit kailangan lang daw talagang maging firm ni Ms. Ressa sa kanilang "saligang-batas."
Tungkol naman sa pagbabalita niya ng hiwalayan diumano nina Sharon at Sen. Kiko, na itinuturong si Sharon pa raw diumano ang nagpaalis kay Ogie sa show, "Hindi totoo yun," tanggi pa ni Ogie habang kausap ng PEP sa cell phone. "Alam ko, nasulat pa ‘yan sa Bulgar, pero hindi totoo yun. Talagang ‘Non-Renewal of Services' lang kaya nawala ako sa show. Yun lang. Walang kinalaman si Sharon."
FROM ABS-CBN. Sa pakikipag-usap naman ng PEP kay Mr. Bong Osorio, corporate communications head ng ABS-CBN, hindi na raw sila gagawa ng official statement tungkol sa pangyayari dahil naipaliwanag na ni Ogie Diaz ang tungkol sa kanyang non-renewal of services.
Sinabi na lang ng ABS-CBN executive na
magkakaroon uli ng entertainment segment ang Umagang Kay Ganda ngunit
hindi pa nila napag-uusapan kung sino ang papalit kay Ogie. "There is a
possibility that it could be someone who is already part of the show," ayon kay
Mr. Osorio.
Tumagal ng pitong taon bilang entertainment reporter sa morning shows ng ABS-CBN si Ogie Diaz. Parte pa siya noon ng
Magandang Umaga, Bayan at Magandang Umaga, Pilipinas bago ito
naging Umagang Kayganda.
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More News
- Dolphy advises Willie Revillame not to run for public office
- TNS National TV Ratings (Nov. 16-19): TV Patrol World and May Bukas Pa in a tight contest for primetime supremacy HOT
- Angelica Panganiban receives Hermes bag from boyfriend Derek Ramsay on her birthday
- Manny Pacquiao turns his victory party into a mini-concert
- AGB Mega Manila TV Ratings (Nov. 16-19): Darna reclaims top spot from Stairway To Heaven HOT
- Carla Abellana misses chance to work with Marian Rivera and Dingdong Dantes in separate projects
Elsewhere
-
Indie
Cinema One Originals 2009 winners bared
The Enchong Dee-Erich Gonzales starrer "Paano Ko Sasabihin" won Best Editing, a Special Mention from the jury and the Audience Choice Award.
-
Weddings
Sen. Mar Roxas and Korina Sanchez finally tie the knot
The newly-wed couple sacrificed fancy reception to help typhoon victims.
-
Couples
Jolo Revilla on breakup with Lovi Poe: "Gusto kong linisin ang name ni Lovi na walang third party."
Jolo to Lovi's mom: "Sorry sa lahat ng napagdaanan natin."
-
Television
AGB Mega Manila TV Ratings (Nov. 16-19): Darna reclaims top spot from Stairway To Heaven
"Family Feud" and "Ikaw Sana" take a leap in the ratings game.
Most Popular
- Manny Pacquiao and wife Jinkee reportedly had a big fight over Krista Ranillo
- YouTube video shows Manny Pacquiao inside his car with a mysterious woman
- Manny Pacquiao on rumored affair with Krista Ranillo: "No comment."
- Krista Ranillo's camp planning when and how to answer rumor on affair with Manny Pacquiao
- Manny Pacquiao wins by TKO over Miguel Cotto!
- Veteran actor Johnny Delgado succumbs to cancer at 61
- Joey Marquez denies tweet about mall rendezvous with Joanne Quintas; PEP releases their "holding-hands" photo
- Boy Abunda gives his take on Manny-Krista rumored affair
- Rosanna Roces warns the Revillas: "Kapag ako nag-Pasko wala ang apo ko, magiging kulay abo ang langit nila!"
- KC Concepcion would rather not support any politician openly


