Raymart Santiago contented in GMA-7, wife Claudine Barretto still happy with Star Magic

Glen P. Sibonga
Tuesday, October 14, 2008 @ 09:29AM  |  17846 views

 

"Siyempre, I always want the best for my wife at nakikita ko naman yung pag-aalaga ng ABS sa kanya. Hindi ko alam kung sakaling lumipat siya rito ay ganun din ang pag-alaga sa kanya. At saka parang ‘pag sinabing Claudine, sa ABS siya, sa Star Magic siya," answers Raymart Santiago when asked if he wants Claudine Barretto to stay with ABS-CBN or to transfer to GMA-7.

Photo By: Noel Orsal














Pagkatapos ng ilang buwan ding pamamahinga ay balik-telebisyon na naman si Raymart Santiago sa bagong primetime telefantasya ng GMA-7, ang Gagambino, na mapapanood na simula Oktubre 20.

"Oo nga, tapos na ang pahinga, back to work na ulit. Happy naman ako at nakasama ako sa cast ng Gagambino," sabi ni Raymart sa PEP (Philippine Entertainment Portal) during the press launch of Gagambino last night, October 13, sa Studio 3 ng GMA Network Center.

Ano ba ang role niya sa Gagambino?

"Ano ako dito, e, pulis na pamangkin ko si Katrina [Halili]. Mabait akong pulis dito, hanggang sa ma-frame-up, may nasagasaang pulitiko, hanggang sa natanggal sa pagkapulis. Hanggang sa ako yung magbubuo ng grupo ng mga superheroes, sina Dennis [Trillo], Katrina, at iba pa. Ako ang magiging leader nila. Pero wala akong powers dito. Hindi ko rin alam kung bibigyan nila akong powers. Baka kagatin nila ako!" pabirong sabi ni Raymart sa PEP.

May action scenes ba siya rito?

"Well, hindi ko pa masasabi kasi hindi pa nakukunan. Actually, three weeks pa lang yung nagagawa namin. Wala pa doon sa eksenang binubuo yung grupo, wala pa dun. Sa fourth week pa lang yata yun. Ang kinukunan pa lang namin ngayon is yung pini-frame-up pa lang ako. So, hindi ko pa maikukuwento yung mga action scenes," lahad ng aktor.

ALL ABOUT TRIATHLON. Speaking of action scenes at pagiging active, isa sa pinagkakaabalahan ni Raymart ngayon ay ang sport niyang triathlon na kinabibilangan ng swimming, cycling, at running. Ito marahil ang dahilan kaya active na active pa rin siya at mas mukhang bata ang hitsura ni Raymart kumpara sa edad niyang 35 years old.

Gaano kadalas siyang nag-eensayo para sa sport niyang ito?

"Noong namahinga ako, araw-araw," sagot niya. "Ngayon ‘pag may time, at least three times a week. At kumarera lang ako noong Linggo [October 12] sa national age group. May mga legs yun, e, like sa Alabang, sa Los Baños. Hindi naman ako pumuwesto, pero natapos ko naman yung karera."

Paano ba nag-umpisa ang hilig niya sa triathlon?

"Actually, nag-umpisa ito bago ako ikasal. Parang sabi ko sa sarili ko, ‘Kailangan payat ako pagdating ko ng wedding.' So, nagbibisikleta na ako noon. Nag-aaral talaga ako. Yung teacher ko noon, na coach ko ngayon, ay talagang triathlete, tinanong niya ako kung gusto kong mag-triathlon. Um-oo ako kasi gusto ko yung pinahihirapan ang sarili ko. Gusto ko yung sagad," paliwanag ni Raymart.

Ano ang sabi ng asawa niyang si Claudine Barretto tungkol sa sport niyang ito?

"Okay naman. ‘Pag may mga karera kami, kasama ko naman yung buong pamilya. So, nagiging parang bakasyon na rin namin yun, bonding moment na rin namin."

ALL ABOUT FAMILY. Madalas nang lumalabas sa commercial ang kanyang asawa at mga anak sa commercials. Posible bang lumabas silang buong mag-anak sa isang commercial?

"Abangan. Hindi pa puwedeng pag-usapan kasi nasa proseso pa siya ng negosasyon," sabi ni Raymart.

Kumusta na ang family?

1  2  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name