PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jean Garcia understands daughter Jennica's being in love

Jean happy and proud of "FHM" cover shoot.
by Bong Godinez
Published Oct 14, 2008
Jean Garcia is happy to be working again with daughter Jennica on GMA-7's upcoming fantaserye Gagambino. Compared to their first TV outing in Impostora, the mother and daughter tandem will share several scenes together, with Jean's character scripted to act mean towards Jennica's 'Gelay' character.

Very proud ang aktres na si Jean Garcia sa kinalabasan ng kanyang sexy pictorial for FHM Philippines. Kagabi, October 13, sa press conference ng bagong GMA-7 fantaserye na Gagambino, na ginanap sa Studio 3 ng GMA Network Center, ay masayang ikinuwento ni Jean kung paano siya napapayag ng nasabing men's magazine na lumabas sa cover nito.

Two years din palang niligawan si Jean ng FHM bago ito tuluyang napapayag. "Kinausap ako ni Manny Valera [Jean's manager] sabi niya, ‘Try mo! Wala namang masama, fit ka naman,'" kuwento ni Jean nang makausap ito ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang entertainment press.

Nais ni Jean na magsilbing motivation para sa mga kababaihan na nasa mid- to late 30s na mainam pa rin ang maging maalaga sa katawan, not just out of vanity, but more importantly for health reasons.

Maski nga raw siya ay nagulat sa public turnout noong autograph signing niya last October 11 sa Robinsons Galleria.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kahit nga mga babae bumibili, nagpapapirma sa akin," ngiti ni Jean.

MUTUAL RESPECT. Aminado si Jean na bagama't supportive ang kanyang anak na si Jennica sa desisyon nito na magpaseksi sa FHM ay hindi pa rin maiiwasan na magpakita ito ng konting apprehension.

Pahayag ni Jean, "Siyempre nandun din ‘yong pagiging conservative nung bata, she's only 18. Pero nirerespeto niya kasi ‘yong decisions ko. Ever since naman, hindi nakikialam si Jennica sa desisyon ko."

Pero hindi naman din nangangahulugan na hindi nirerespeto ng magandang aktres ang opinyon o mararamdaman ng kanyang dalawang anak.

"Parte sila sa mga desisyon ko sa buhay. Iniisip ko rin kung ano ‘yong iisipin ng mga anak ko or kung anong magiging reaksiyon ng mga tao sa paligid ng mga anak ko... Kinakausap ko sila and they know," paglilinaw nito.

Papayag ba siya kung sakaling si Jennica naman ang mag-decide na magpakuha ng sexy para sa isang men's magazine?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Katulad nga ng sinabi ko, gusto ko ang anak ko, tuwing gagawa siya ng isang bagay, wholeheartedly. Hindi dahil magpu-pose siya for FHM dahil lang career move or para lang may exposure, ayoko ng ganun. Kung hindi niya gusto, hindi niya kailangang gawin."

WORKING WITH JENNICA. Parehong nasa cast ng Gagambino sina Jean at Jennica. Sinabi ni Jean na bagama't nagkasama na sila before sa Impostora ay hindi naman sila nabigyan ng pagkakataon na magkasama sa kahit isang scene man lang.

Dito nga raw sa bagong GMA-7 fantaserye ay mapapanood na silang mag-ina na magkasama sa ilang eksena. Medyo "naloka" nga lang daw si Jean nang mabasa ang script dahil may mga scenes na kung saan ay kailangan niyang pagbuhatan ng kamay si Jennica.

"Salbahe ako sa kanya!" bulalas ni Jean. "As in, gagamitin ko siya against Dennis [Trillo] kasi kapatid siya ni Dennis. Gagamitin ko siya, sasaktan ko siya. Nung nabasa ko nga ‘yong script, sabi ko, ‘Nakakaloka naman! Minsan lang kami magkaeksena ng anak ko, sasaktan ko pa siya!" natatawang dagdag ni Jean.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

In real life pa naman daw ay hindi ugali ni Jean ang manakit ng anak. "Never!" mariing sagot ng aktres sa tanong.

"Never, maski nung maliit siya, never nakatikim ang mga anak ko ng palo. Because I believe na ang kamay ginagamit na pang-caress, pang-pat ng shoulder, alam mo ‘yon? Ayoko ituro sa kanila na ang kamay ginagamit pangsakit. It's for pang-suporta, pang-lambing, pang-touch."

Hindi rin strict si Jean pagdating sa buhay-pag-ibig ng kanyang dalaga. Boyfriend ni Jennica ang fellow GMA-7 artist Mart Escudero, na kabilang din sa Gagambino.

"Ako naman, kung saan masaya ang anak ko, doon ako. Kasi masarap naman talaga ma-in love, di ba? Bakit ko naman ipagkakait sa anak ko ‘yon? Ang sa akin lang, basta alam niya kung anong tama o mali."

JEAN'S LOVELIFE. Kung anong galante ni Jean sa pagsagot tungkol sa lovelife ng kanyang anak na si Jennice ay siya namang tipid nito nang usisain ang kanyang present romantic involvement diumano sa young actor na si Polo Ravales.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Oo. Okay lang," sagot ni Jean na nakangiti nang tanungin kung in love ba siya ngayon.

"Atsaka kasi sobrang blessing na ‘yong tuluy-tuloy ‘yong trabaho mo, kaya very thankful ako sa GMA dahil lagi nila akong isinasama and ‘yong binibigay nilang role sa akin, alam mo ‘yong tumatatak; hindi ‘yong basta-basta. Kaya ako, ginagawa ko lahat," dagdag ni Jean na halatang inililihis ang atensiyon ng mga reporters.

Pero totoo ba na sila na nga ni Polo?

"Wala akong itinatago!" tawa ni Jean. "Wala lang akong kinu-confirm pero wala din akong itinatago."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jean Garcia is happy to be working again with daughter Jennica on GMA-7's upcoming fantaserye Gagambino. Compared to their first TV outing in Impostora, the mother and daughter tandem will share several scenes together, with Jean's character scripted to act mean towards Jennica's 'Gelay' character.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results