| Register

KC Concepcion comments on rumored rift between her parents


 
"Whatever happens between them, kung ano ang isyu nila, sa kanila naman yun. So, I'm just here to support my parents, and to love them and kung ano yung magpapasaya sa kanila, kung to stay together or in the future if anything happens...I am always supportive," says KC Concepcion about the rumored rift between her parents Sharon Cuneta and Sen. Francis "Kiko" Pangilinan.

KC Concepcion comments on rumored rift between her parents

Rommel R. Llanes

Rating

  • Bookmark and Share


Sa "Star Patrol" segment ng TV Patrol kanina, in-announce ni KC Concepcion ang nilulutong proyekto ng ABS-CBN, kung saan katambal niya ang isang leading man na di pa sinasabi kung sino.

 

"Merong pinaplano ang ABS-CBN for us, so, I'm very thankful for that," pagbabalita ni KC. Pero sinabi ng dalaga na hindi pa rin niya alam kung ano ang espesyal na proyektong pagsasamahan nila ni Surprise Leading Man.

 

Sa gitna naman ng pinag-uusapang tampuhan ng ina ni KC na si Sharon Cuneta at kabiyak nitong si Sen. Francis "Kiko" Pangilinan, inihayag ni KC ang nakatakdang pagbabakasyon ng pamilya nila sa Latin America sa darating na Linggo.

 

"Yes, Caribbean cruise. It's gonna be a nice vacation for my parents and for me and my sisters na rin."

 

Nagpahayag na rin si KC tungkol sa isyu: "Whatever happens between them, kung ano ang isyu nila, sa kanila naman yun. So, I'm just here to support my parents, and to love them and kung ano yung magpapasaya sa kanila, kung to stay together or in the future if anything happens...I am always supportive.

 

"But wala namang nangyayaring ganun [hiwalayan], right now. I don't know kung sino yung gustong manira sa kanila o kung bakit," pagtatapos ni KC.

 



Pages: 1  


Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share Email this link
Show/Hide
Comments
301 Comments
page    1    2    3    4    5    6    7   
pagelocation: news

Advertisement