"Gusto ko pong magpakatotoo. Ayoko na yung kung anu-ano pang mga ganyan. Basta ako, tiyak ko na kung anong hinahanap ko, sa dami ng mga nagdaang mga lalaki sa aking buhay, kapwa-babae rin pala ang gusto ko," reveals Viva Hot Babes member Hazel Cabrera.

Photo: Marra Yu Mejia / fhm.com.ph

Nabagot yata ang sexy star na si Hazel Cabrera sa mga tanong tungkol sa kanyang lovelife at sa mga naging boyfriend niya; voluntarily, siya na ang nag-reveal sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na ayaw na niya sa mga lalaki. Sa ngayon daw kasi, satisfied na satisfied siya kung tomboy ang kanyang karelayson. 

"Gusto ko pong magpakatotoo. Ayoko na yung kung anu-ano pang mga ganyan. Basta ako, tiyak ko na kung anong hinahanap ko, sa dami ng mga nagdaang mga lalaki sa aking buhay, kapwa-babae rin pala ang gusto ko," pagtatapat ni Hazel nang bisitahin namin siya sa shooting ng kanyang launching movie na Lalamunan.

Ipinagtapat ni Hazel sa PEP na gusto niya ang mga tomboy dahil maalaga raw ang mga ito. "Pero hindi po ako tomboy, girl po talaga ako. Siguro bi [bisexual] lang, kaya nae-enjoy ko talaga sila," dagdag ng sexy star.

Wala naman daw siyang karelasyon sa ngayon, pero naghahanap daw siya. 

"Mapili po ako," sabi ni Hazel. "Ang gusto ko kasi yung mukhang lalaki talaga, pero hindi naman brusko. Tama lang po yung very neat siya at yung talagang mamahalin niya ako. ‘Pag natagpuan ko po yung tipo kong tomboy, talagang bigay na bigay ako, enjoy na enjoy po talaga ako.

"Nasubukan ko na po kasing umibig sa maraming lalaki in the past, marami na po akong nakarelasyon. Pero I could say na tama ang naging desisyon kong kapwa babae ang gustuhin ko!" natatawang sabi ni Hazel Cabrera.

LAUNCHING MOVIE. Si Hazel ay miyembro ng all-female group na Viva Hot Babes, pero hindi pa siya masyadong nabibigyan ng pagkakataong ipakita ang kanyang kaseksihan. Kahit na nasali na siya sa ilang pelikula in the past, ang launching movie niya na Lalamunan, mula sa Leo Films and directed by Jigz Recto, ang puwedeng sabihing kanyang-kanya lamang.

Hazel plays a singer who got cancer of the throat at dito nga iikot ang istorya ng Lalamunan. Kasama niya bilang mga leading men sina Rico Barreira, Ran Domingo, at ang kababalik pa lang mula sa Amerika na si Jordan Herrera.

Sexy ang tema ng pelikula kung kaya all-out dito si Hazel na hindi na nangiming ipakita ang lahat.

"Kahit po noong suporta lang ako ng mga kasamahan ko sa Viva Hot Babes, nag-sexy na ako, what more if this is my movie? Talaga pong itinodo ka na rito dahil gusto ko namang ipakitang may ipakikita rin ako," sabi ni Hazel.

Pero sinabi ni Hazel na iniisip niyang pagkatapos ng pelikulang ito, sa pag-aaral muna siya magko-concentrate. Gusto raw niyang makatapos ng pag-aaral at ito ang gagawin niyang sandalan sakaling makarating siya sa ibang bansa.

Matagal na raw kasi siyang tumigil ng pag-aaral. Pero sa ngayon, kumukuha siya ng kursong Caregiving. Enrolled siya sa Sta. Monica College sa Las Piñas at talagang desidido siyang tapusin ito. 

"Wala po kasing nangyayari sa buhay ko sa showbiz. Sa tagal ko rito, tinanggap ko na na hanggang diyan lang ako. Kung pupunta po ako sa ibang bansa, dolyar kada oras ang kikitain ko at iipunin ko po yun. ‘Pag marami akong naipon, babalik na lang ako dito para magnegosyo. Who knows, baka sa showbiz din ang bagsak ko?" saad ni Hazel.