"Wala kaming babawiin sa mga pahayag na pinakawalan namin,
dahil yun lang sa aming opinyon at pananaw ang kalapat na gamot sa malalim na
sugat na ginawa sa amin ni Nadia nung September 28 habang wala kami rito sa
Pilipinas para idepensa ang aming sarili," says Cristy Fermin.
Cristy Fermin speaks up about her suspension from ABS-CBN
Friday, October 17, 2008
11:09 AM
Rating
Dalawang araw pagkatapos ibaba ng ABS-CBN ang desisyong pagsuspinde sa mga kontrata ni Cristy Fermin sa TV at radio ay isiniwalat niya ang kanyang nararamdaman sa kanyang mga column sa tatlong tabloids na lumabas ngayong araw na ito, October 17. Ang mga nabanggit na tabloids ay ang Bulgar ("Most Wanted"), Balita ("Crispy Cristy"), at Pilipino Star Ngayon ("Showbiz Mismo").
Matatandaang noong Miyerkules, October 15, ay ibinalita sa TV Patrol World ang suspension ni Cristy sa showbiz talk show ng ABS-CBN na The Buzz at sa radio program niya sa dzMM na Showbiz Mismo. Ang suspension kay Cristy ay magtatagal hanggang December 31, 2008, na siya ring huling araw ng kanyang kontrata sa Kapamilya network. (Click here to read related article.)
Ipinataw ang suspension kay Cristy dahil sa mga pahayag niya sa The Buzz noong October 5 laban sa dating aktres na si Nadia Montenegro, partikular na ang pagdamay ng TV host sa mga anak ni Nadia, na ayon sa ABS-CBN, ay wala namang kinalaman sa kontrobersiya.
Sa kolum ni Cristy sa Bulgar ay sinabi niya na nakatanggap siya ng memo mula sa ABS-CBN noong October 8, Wednesday. "Binigyan nila kami ng beinte-kuwatro oras para sagutin ang nilalaman nun, kailangan naming ipaliwanag ang mga dahilan kung bakit hindi maaaring masuspinde o mabigyan ng terminasyon ang aming kontrata sa istasyon," saad ni Cristy sa kanyang kolum.
Aniya pa, sinagot niya ang naturang memo at ipinagtanggol niya ang kanyang sarili. "Pero ang mga ibinigay naming katuwiran ay hindi pa rin sumapat sa panlansa ng mga ehekutibo ng network," dagdag ni Cristy.
Kinumpirma rin ni Cristy ang naisulat dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na pagkatapos ng kanyang radio show na Showbiz Mismo noong Miyerkules ay ipinatawag siya ng managing director ng TV production ng ABS-CBN na si Ms. Cory Vidanes. Dagdag ni Cristy, kasama nilang nag-usap ang production unit head ng The Buzz na si Mr. Louie Andrada.
Sinabi rin ni Cristy sa kanyang kolum na pumasa naman daw sa network ang isinagot niya sa mga akusasyon ni Nadia habang nasa Canada siya. "Pero ang pagsalat namin sa mga anak nito ang nilabag namin sa polisiyang pinaiiral nila sa network," saad ni Cristy.
Nilinaw raw ni Ms. Vidanes kay Cristy na hindi si Nadia ang dahilan ng kanyang suspensiyon kung hindi ang paglabag niya sa pinirmahang niyang kontrata.
Ayon kay Cristy, nirerespeto at naiintindihan niya ang desisyon ng ABS-CBN. Pero sinabi rin ni Cristy kay Ms. Vidanes na pinaninindigan niya ang mga pahayag niya sa The Buzz noong October 5. (Click here to read related article.)
"Wala kaming babawiin sa mga pahayag na pinakawalan namin, dahil yun lang sa aming opinyon at pananaw ang kalapat na gamot sa malalim na sugat na ginawa sa amin ni Nadia nung September 28 habang wala kami rito sa Pilipinas para idepensa ang aming sarili," lahad ni Cristy.
Matatandaang isang linggo bago nagsalita si Cristy ay live na nag-guest si Nadia sa The Buzz noong September 28. Sa interview sa kanya ni Boy Abunda ay binuweltahan ni Nadia si Cristy dahil sa mga isinulat nito sa kanyang mga kolum laban sa kanya. Habang ini-interview si Nadia ay nasa Canada naman si Cristy.
STRIKE TWO. Isiniwalat din ni Cristy na hindi na siya kumportable sa The Buzz. Paliwanag niya, "Dalawang beses na kasi kaming nabinira ng mga panauhin sa programang naturingang host kami, kaya hindi na kami makapapayag na mapangatuluhan pa yun."
Bago ang pagsasalita ni Nadia laban kay Cristy sa The Buzz noong September 28 ay nag-guest si Annabelle Rama sa showbiz talk show ng ABS-CBN noong April 6 kaugnay ng libel case na isinampa ni Annabelle laban kay Cristy. (Click here to read related article.)
Pagkatapos ng interview ni Annabelle sa The Buzz ay nagpadala raw ng sulat si Cristy sa mga namamahala ng programa na sina Roxy Liquigan at Louie Andrada. Nakasaad sa sulat na hindi na raw sana maulit pa "ang kairesponsablehang ito sa sinumang karugtong ng pusod ng The Buzz, direkta man o hindi sadya, para maisigaw pa rin natin nang may konbiksiyon ang salitang KAPAMILYA."
Pero gaya nga ng nabanggit, pakiramdam ni Cristy ay naulit ito sa panayam ni Nadia. Pero inamin naman ni Cristy na nagpaalam sa kanya ang pamunuan ng The Buzz sa pamamagitan ng text message noong nasa Winnipeg, Canada siya. "Pero may habilin kami sa kanila na pakialalayan ang panayam para sa aming proteksiyon bilang host ng programa."
Hindi rin itinago ni Cristy ang kanyang sama ng loob nang magharap sila ni Ms. Vidanes at Louie.
Ipinaliwanag din ni Cristy kung bakit pati ang kanyang radio program na Showbiz Mismo ay nadamay sa pagkakasuspinde sa kanya samantalang hindi naman daw siya nagsalita ng anuman tungkol kay Nadia pagkatapos ng kanyang pahayag sa The Buzz.
Ayon daw kay Ms. Vidanes, may nilabag daw si Cristy sa provision ng kontrata niya sa ABS-CBN kaya ang kontrata niya sa The Buzz at sa Showbiz Mismo ay sinuspinde.
Inulit daw ni Ms. Vidanes kay Cristy na hindi si Nadia ang dahilan ng kanyang suspension. Hindi rin daw sila nakikinig sa "mga sulsol at dikta" at sila (pamunuan ng ABS-CBN) ang nagbigay sa kanya ng suspension.
Sa huli, humingi ng paumanhin si Cristy "sa kung saan man at kung anumang dahilan man kami lumabas at kumulang." Nagpasalamat din siya sa ABS-CBN.
- Cristy Fermin claims John Rendez is the reason why Nora Aunor reportedly wants her out of TV5
- Cristy Fermin tells Willie Revillame: "You don't challenge the station."
- PEP EXCLUSIVE: Cristy Fermin talks about ABS-CBN's decision to suspend her contracts
- Cristy Fermin and the Code of Ethics
- ABS-CBN suspends Cristy Fermin's TV and radio contract
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More News
- Whitney Houston dead at 48
- Madonna slams M.I.A. for her "teenage" antics at Super Bowl
- Marian Rivera: "Lahat na yata ibinigay na sa akin Lord... In return, ano ang dahilan para malungkot pa ako, magmaldita pa 'ko or ano pa?"
- Comedienne Mosang says she lost P105,000 in a scam
- JC Tiuseco denies rumors he's courting Sarah Lahbati
- Alex Gonzaga hosts new game show with Chris Tiu
-
PEP Finder
Sharmaine Suarez says showbiz will always be her home
After seven years, Sharmaine is back to acting.
-
Looking Back
Star For All Seasons Vilma Santos looks back at her 50 years in showbiz
Vilma names her most memorable films and favorite leading men.
-
Television
AKTV and PBA heighten "Kampihan Na!" campaign for Commissioner's Cup
PBA continues its campaign of asking fans to be more vocal about their support for their favorite basketball teams.
-
Extra Extra
Alice Dixson on working with Marian Rivera: "Magaan siyang katrabaho."
Alice, who is based here for now, and her husband, who is based in Canada, plan to spend Christmas in the U.S. As she puts it, they're separated: "By distance ha, hindi sa puso!"
Most Popular
- Marian Rivera explains visit to taping of a TV5 show; comments on Iza Calzado's transfer to ABS-CBN
- Grace Lee on President Noynoy Aquino: "I like him."
- Kris Aquino: "Annulment is not a cause for joy. The truth is, it was a marriage that failed but it's a cause for optimism."
- Talent manager Shirley Kuan on columnist Dolly Anne Carvajal: "She can stick to her story. She has a story to tell, fine. But it's a lie."
- Hayden Kho, Jr. insists there is "NO infidelity issue" between him and Dra. Vicki Belo; apologizes to Nancy Castiglione
- Mark Bautista remains friends with Piolo Pascual after being involved in the actor's breakup with KC Concepcion
- PEP SPECIAL REPORT PART I: Why the marriage of Kris Aquino and James Yap was declared null and void
- Is it over between Dra. Vicki Belo and Hayden Kho, Jr?
- Part 2 Ynna Asistio to Annabelle Rama: "Bakit napakahirap na pakawalan kami kung talagang ayaw mo sa amin at ipinilit lang kami ng nanay ko sa iyo?"
- Director Mac Alejandre talks about his four-year contract with TV5 and reveals the real reason he left GMA-7
Advertisement

