Cristy Fermin speaks up about her suspension from ABS-CBN

Erwin Santiago
"Carpe diem!"
Friday, October 17, 2008 @ 11:09AM  |  71502 views

 

"Wala kaming babawiin sa mga pahayag na pinakawalan namin, dahil yun lang sa aming opinyon at pananaw ang kalapat na gamot sa malalim na sugat na ginawa sa amin ni Nadia nung September 28 habang wala kami rito sa Pilipinas para idepensa ang aming sarili," says Cristy Fermin.

Photo By: Emerson Sy













Hindi rin itinago ni Cristy ang kanyang sama ng loob nang magharap sila ni Ms. Vidanes at Louie.

Ipinaliwanag din ni Cristy kung bakit pati ang kanyang radio program na Showbiz Mismo ay nadamay sa pagkakasuspinde sa kanya samantalang hindi naman daw siya nagsalita ng anuman tungkol kay Nadia pagkatapos ng kanyang pahayag sa The Buzz.

Ayon daw kay Ms. Vidanes, may nilabag daw si Cristy sa provision ng kontrata niya sa ABS-CBN kaya ang kontrata niya sa The Buzz at sa Showbiz Mismo ay sinuspinde.

Inulit daw ni Ms. Vidanes kay Cristy na hindi si Nadia ang dahilan ng kanyang suspension. Hindi rin daw sila nakikinig sa "mga sulsol at dikta" at sila (pamunuan ng ABS-CBN) ang nagbigay sa kanya ng suspension.

Sa huli, humingi ng paumanhin si Cristy "sa kung saan man at kung anumang dahilan man kami lumabas at kumulang." Nagpasalamat din siya sa ABS-CBN.

"Tuloy ang buhay, patuloy pa rin ang ikot ng mundo, maliit lang ang kahon showbiz na aming ginagalawan. Kapag ang mga emosyon ay humupa na, kapag ang mga tanong ay nasagot na, tatawanan na lang naming lahat ang senaryong ito," huling pahayag ni Cristy sa kanyang kolum.

« Prev  1  2  

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name