PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

PEP EXCLUSIVE: Nadia Montenegro reveals feelings about Cristy Fermin’s suspension

Nadia revealed that her "legal plans are still pending."
by Bong Godinez
Published Oct 17, 2008
Reacting to ABS-CBN's decision to suspend Cristy Fermin, Nadia said in a text message: "AndI have nothing else to say regarding the issue. I just continue to pray for my family, Boy [Asistio, Nadia's husband] and most especially for my children, that they may recover from all the pain and shock this nightmare have cost their innocent minds."

Pagkatapos ng tatlong beses na pagsubok upang kunan ng pahayag ang dating aktres na si Nadia Montenegro kaugnay ng pagkakasuspinde ng kontrata ni Cristy Fermin sa ABS-CBN, nagtagumpay rin sa wakas ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa ikatlo naming pagsubok.

Hangga't maaari sana ay ayaw magsalita ni Nadia ngunit nagbigay rin siya ng pahayag pagkatapos lumabas sa Philippine Daily Inquirer ngayong araw, October 17, na sinabi raw niya na kasalukuyan na siyang nakikipag-usap sa kanyang mga abogado para sa kanyang susunod na hakbang laban kay Cristy.

Sa text message na ipinadala ni Nadia sa editor-in-chief ng PEP at YES! magazine na si Ms. Jo-Ann Maglipon kaninang hapon, nilinaw ni Nadia na, "Hindi ko alam kung saan nakuha ng Inquirer 'yan. Hindi ako nagpapa-interview sa kanila."

Kasalukuyang nasa gitna ng isang mapait na word war sina Nadia at Cristy matapos sabihin ng huli sa The Buzz noong October 5 na nagkaroon diumano si Nadia ng anak sa labas mahigit dalawang taon na ang nakararaan. Noong Martes, October 14, ay nagsadya si Nadia sa tanggapan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa Quezon City upang maghain ng reklamo laban kay Cristy dahil sa mga mapanirang salitang binitawan nito sa programa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kanyang pakikipag-usap kay MTRCB Chairman Consoliza Laguardia ay personal na ipinahatid ni Nadia ang kanyang petisyon na suspendihin si Cristy sa The Buzz at patawan ito ng kaukulang penalty. Ayon sa dating aktres, lumabag ang beteranong kolumnista sa ilang broadcast rules dahil ginamit nito ang isang television program para dungisan ang kanyang pangalan sa publiko.

Isang araw naman matapos maghain ng reklamo si Nadia sa MTRCB ay inanunsiyo ng ABS-CBN network ang desisyon ng pamunuan na suspindihin ang kontrata ni Cristy sa The Buzz at sa kanyang daily radio program sa dzMM na Showbiz Mismo hanggang sa katapusan ng taong kasalukuyan (December 31, 2008).

Ayon sa official statement na ipinakalat ng Lopez-owned Kapamilya network: "Sa pananaw ng kompanya, nadamay ang mga batang walang kinalaman sa kontrobersya sa kanyang pahayag.

"Nalabag din ng aksyon ni Ms. Fermin ang mataas na batayan ng propesyonalismo at integridad sa pamamahayag. Ito ay nagdulot ng kapinsalaan hindi lamang sa kanyang pangalan at kredibilidad, kundi sa programang The Buzz at sa ABS-CBN."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"MY LEGAL PLANS ARE STILL PENDING." Sa text message na ipinadala ni Nadia kay Ms. Maglipon, inilabas niya ang kanyang saloobin sa ibinabang desisyon ng ABS-CBN na suspindihin si Cristy.

Narito ang eksaktong nilalaman ng mensahe ni Nadia:

"I found out about the suspension sa news. And I have nothing else to say regarding the issue. I just continue to pray for my family, Boy [Asistio, Nadia's husband] and most especially for my children, that they may recover from all the pain and shock this nightmare have cost their innocent minds.

"My family is recovering well, although nothing and no one can ever erase the permanent scar that is in their hearts. I believe it was my children's GUARDIAN ANGELS FROM HEAVEN that gave them justice. No child deserves what my children are going through. I love my family and I will fight for their right till the end. My legal plans are still pending. At the moment, I just want to spend time and enjoy (my kids' sem break) with my family.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"We are busy and excited preparing to celebrate our 20th [wedding] anniversary and a thanksgiving mass with family and friends this weekend. If there is one thing good that came out of this is that my family is now 100 times stronger. Walang makakabuwag sa pamilya ko."

Bilang pangwakas ay nagbigay rin ng mensahe si Nadia sa PEP at sa mga PEPsters: "Lastly to PEP and all PEPsters and to everyone who texted and supported me, THANK YOU. Thank you for praying and for airing my side of the story two weeks ago. All your e-mails have inspired me a lot, alam ko umpisa pa lang ito. But I pray na sana matapos na ito. Thank you."

Pagkatapos makuha ang reaksiyon ni Nadia ay sinubukan din ng PEP na kunan ng pahayag si Cristy sa pamamagitan ng PEP contributor na si Melba Llanera. Pero sinabi ni Cristy na hindi naman talaga siya nagpapa-interview kaya't gamitin na lamang daw ang mga isinulat niya sa kanyang mga column sa tabloids kaugnay ng kinasasangkutang isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bago pa man nakunan ng pahayag si Cristy ay nailathala na rito sa PEP kaninang umaga ang mga isinulat niya sa kanyang mga column sa tabloids. (Click here to read related article.)

Read Next
Read More Stories About
The Buzz
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Reacting to ABS-CBN's decision to suspend Cristy Fermin, Nadia said in a text message: "AndI have nothing else to say regarding the issue. I just continue to pray for my family, Boy [Asistio, Nadia's husband] and most especially for my children, that they may recover from all the pain and shock this nightmare have cost their innocent minds."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results